[part:29] galit

122 10 6
                                    

Author's note

I will dedicate this story to my dearest friend jenz2828. Love you!!!





Third person's POV

Nagmadaling pumunta sila janine kasama ang apat nyang kaibigan patungong ospital kung nasaan nandoon ang kuya nya.


Nalaman nila na nasa ospital ang kuya nya ng mag-message ang gitlfriend nito kay kyla na syang kakilala nya dahil kaibigan ito ng ate nya.


Nang makarating sila sa ospital gamit ang kotse nila joyce ay agad silang bumaba doon at nag-madaling pumasok sa loob, pag-apak palang ng mga paa ni janine sa entrance ay kumabog na nang malakas ang kanyang dibdib. Di nya akalain na darating ang araw na hahantong ang ganitong bagay sa kuya nya, sabi daw kasi ng girlfriend nito na natagpuan  sa isang eskinita na sugatan at punong-puno ng mga pasa ang mga makatawan nito.


Mukhang pinagtulungan daw itong bugbugin ng kung sino. Wala naman silang alam na kaaway nito dahil sadyang mabait ito at mapagkumbaba sa tao, kaya't nakakapagtaka na nangyari ito sa kuya nya.


“nurse! Nasaan ang room ni Joel Monteverde?! Bagong pasok lang po sya!” tanong kaagad ni janine sa isang nurse. Agad namang sinabi ng nurse kung saan naroon ang kuya nya kaya dali-dali silang nagtungo doon. Nang makarating sila ay sinabihan muna sila ng nurse na mag-hintay muna sa paglabas ng doctor kaya't naupo muna silang lima sa mga upuan.


Bumuhos na naman ang mga luha ni janine sa kanyang mga mata, ilang sandali pa ay lumabas na sa operating room ang doctor.


“doc! Ano pong nangyari sa kuya ko?! Ok lang po ba sya?!” tanong agad ni janine sa doctor.


“Mr. Monteverde is under on coma, nagkaroon sya ng matinding injured sa kanyang kanang braso at binti. Marami din syang natamo na mga pasa't sugat sa malapit kanyang balikat at mukha.He's ok from now, pero di ko pa alam kung kailan sya magigising”. Sagot sakanya ng doctor.

“thank you po doc”. Sabi ni joyce sa doctor at tinanguan sya nito.


“Grabe naman yung nangyari kay kuya joel, sana magising na sya”. -kyla.

“kaya mo yan janine, nandito lang kami”. -nicole.


“yeah”. -ashley.

Inaluhan lang ni joyce si janine sa pag-iyak. May mga dumating na pulis sa ospital at agad at agad nilang hinanap si janine.


“Kayo po ba ang kamag-anak ni Joel Monteverde?” sabi ng pulis.


“A-ako po! May balita na po ba kayo tungkol sa nangyari sa kapatid ko?” -janine.


“Wala pa po kaming nakikitang ebidensya sa gumawa sa kapatid ninyo, pero may nakita po kaming isang card na may simbolo na hindi po namin alam”. -pulis.


“A-anong card po? Pwede ko po bang makita?”. -janine na pawang kinakabahan.


Inilabas ng pulis ang isang plastic na naglalaman ng isang card kung saan daw natagpuan ito malapit sa crime secene, parang pamilyar ang disenyo para sakanya hindi lang nya matandaan kung san nya ito nakita.


Napatingin sila kay kyla ng mapa-atras ito ganoon narin kay ashley ng mapatakip ito sa kanyang bibig.


“bakit nicole? Ashley?” tanong ni joyce.


“ah ma'am m? Pamilyar po ba kayo sa card na toh?” tanong nung head ng pulis.


“Y-yang card na y-an.... Ayan y-yung natagpuan sa aksidente ng lolo ko matapos nyang mamatay, 8 taon na ang nakakaraan”. Naluluhang sabi ni kyla. Sobrang malapit ang loob ni kyla sa kayang lolo, sya kasi ang paboritong apo ng lolo nya kaya ganoon parin ang epekto sa kanya nung makita nya ang crime ebidence sa pagkamatay ng lolo nya. Ang alam nya gawa daw iyon ng mahigpit nyang kalaban sa kanilang companya pero wala ni sinong nakaka-alam kung sino iyon dahil misteryo ang taong iyon. Pero ni minsan ay hindi nag-kwento si kyla sa kanyang mga kaibigan.


“t-talaga?” gulat na tanong ni ashley.


“bakit ashley? May alam ka ba sa card na yan?” janine, gusto na nyang malaman ang katotohanan.

“Y-yung card na yan....pagma-may ari ni.....” nagulat kami ng umiyak si ashley.


“ashley! Ano ba yun?! Pagmamay-ari nino?!” -janine.


“S-sa men empire.....” napatahimik ang lahat, gulat sila ngayon sa mga nalaman nila.


“A-ano?” gulat na tanong ni janine, di nya ma-proseso sa utak nya ang sinabi ni Ashley.


“K-kahit na sinaktan ako ni nathan, di ko aakalain na magagawa nila ito”. -ashley.


“paano ka naman nakakasigurado na ang may kagagawan nito ay ang nen empire?”tanong ni joyce, nabigla parin sya sa kanyang nalaman lalo na't ka-member ng grupong iyon ang kanyang kapatid. At sa matagal na rin nilang magkakasama ay medyo napalapit na rin ang loob nya dito.


“alam ko yun, dahil nung kami pa ni nathan minsan na nya ring sinabi saakin ang tungkol sa card na yun. Ginagamit daw nila yun tuwing may under battle daw sila sa arena pati narin sa mga masasamang tao na may mga balak na masama sa grupo nila”. Kung kanina umiiyak si ashley ngayon naman ay seryoso na ito, galit na ang nasa puso nya di nya maipaliwanag pero alam nyang galit sya. Una ang panglolokong ginawa nito sakanya at ang pangalawa ay ang nangyayari ngayon, di nya lubos maisip na kaya nilang gawin ang ganitong bagay na halos kumitil na sa isang walang labang tao.


“ibig mong sabihin na sila ang may pakana nito?” walang reaksyong tanong ni janine. Sila janine,kyla,at ashley. Pare-parehas sila ng nararamdaman,ang men empire ang may pakana ng lahat kung bakit nasa ospital ngayon ang pinakamamahal na kuya ni janine, ang men empire ang dahilan kung bakit namatay ang lolo ni kyla,at ang men empire ang dahilan kubg bakit nagdudusa ngayon ang puso ni ashley. Nang dahil sa men empire.


Lahat ay napalingon kay Nicole ng may marinig silang tawag sa telepono nito. Sinagot naman ito ni Nicole.

“hello?” sagot ni Nicole sa tawag.

“ah hello? Ito po ba si Ms.Guttierez? Dean po ito ng Converse High University”

“oh hello po! Ito nga po si Nicole, ano pong maipaglilingkod ko sainyo?” kinakabahang sagot nya dito, baka tungkol na ito sa pagpapatalsik sakanya sa kanilang paaralan.


“Ms. Guttierez, about doon sa exam mo. We really sorry but you need to transfer in another school. As soon as possible” natigilan sya sa kanyang narinig kahit na inaasahan nya na ito.

“D-dean...wala na po bang magagawang paraan? I mean, ginawa ko po ang lahat para sa exam na iyon. Kaya imposible pong bumagsak ako! Baka po nagkamali lang po ang result nyo sa exam ko at sa ibang studyante lang pala ang marka ko at hindi akin?! Dean, please i'm beghing you” umiiyak at nagmamakaawang sabi ni nicole, inaluhan naman sya ng mga kaibigan nya.

“Ms.Guttierez, ang totoo nyan ay hindi ka bumagsak sa exam. But i will tell you the whole story once your here in our school tommorow, earlier is much better” sabi nung dean, natulala sa nicole. Malinaw na malinaw ang pagkakarinig nya sa sinabi ng kanilang dean. Di talaga sya bumagsak, pero bakit ganoon? Kailangan nya paring umalis? May nabuong isipan sa kanyang isipan, imposible kayang tama ang kanyang hinala? Hinihiling nya ay hindi....


Pero puro misteryo ang nangyari sa kanilang magkakaibigan... Totoo ba na ang Men Empire ang may pakana ng lahat?




Author's note

Pa-click naman po ng ⭐️ down there😊 kamsa💕

-CRAZYloooveU
I'm so crazy to fall inlove with you,
And i don't know what to do

The Gangsters Love WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon