[part:30] Revealation

22 1 0
                                    

Nicole's POV

Kinabukasan...

Naghahanda na ako para sa pag-alis ko ng bahay, kailangan ko daw kasing pumunta ng maaga sa school. Hangga't may mga klase pa daw yung mga ka-school mate namin. Hindi muna kami papasol ng school—i mean sila, dahil na rin sa nangyari sa kuya ni Janine pati na rin sa iba naming mga kaibigan. Napatingin ako sa phone ko nang mag-text ang dean namin.

From: Dean

Hurry up Ms. Gutierrez, marami pa tayong pag-uusapan. And don't be late.

Nag-reply ako ng ok sign at agad na nag madaling lumabas ng bahay namin, napag-desisyonan ko na ako na lang munang mag-isa ang aalis dahil ayokong ma-storbo ang mga kaibigan ko dahil kapwa may mga problema ang mga ito.

Pag labas ko ng bahay ay nakasalubong ko si joyce.

“Saan ka pupunta?” agad na tanong nito.

“Sa school...” tipid kong sagot.

“Sasamahan na kita, nicole”. -joyce.

“No, kaya ko nang mag-isa Joyce. At tsaka dapat ang inaalala nyo ay sila Janine, mas malala ang problema nila kaysa saakin Joyce”.

“Nicole, mag-kaibigan tayo. At ang mga mag-kaibigan ay nagtutulungan sa lahat ng problema malaki man yan o maliit. At tsaka nandoon naman sila Ashley at Kyla. Di ako papayag na mag-isa mo lang pag-daanan yang problema mo, parang mag-kapatid na rin tayo Nicole”. Sobrang natutuwa ako dahil may mga kaibigan akong kagaya nila, hindi nila deserve ang mga problemang kagaya nito.

Sa huli ay wala na akong nagawa kundi ang isama na si Joyce sa pagpunta ko sa school. Sakay kami ng kotse nila at pinag-drive ng driver nila. Nang makarating kami ay agad kaming bumaba ay tumungo sa Dean's Office. Maya-maya rin ay narating na namin ang sadya namin. Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok.

“Come in!” sigaw ng tao sa loob ng silid kaya binuksan na namin ni Joyce ang pinto at sa loob noon ay nakita namin si Ms. Imperial, ang Dean ng school na ito.

“Buti nakarating kayo ng maaga, have a sit” ani nito at pina-upo kami sa sila na katapat ng kanyang Dean's table, at lamesang iyon ay may Loptop na nakalagay.

“Dean yung t-tungkol doo—”

“Tapusin na kaagad natin ang usapang ito Ms. Gutierrez, katulad nga ng napag-usapan natin sa telepono ay hindi ka talaga bumagsak sa mga exam at sa katunayan niyan ang mga totoong grades mo doon ay lubhang napakataas. Ngunit ikinalulungkot namin Ms. Guttierez, kailangan mong mapatalsik sa eskwelahang ito”.

“Oh hindi naman pala bumagsak ang kaibigan ko eh! Pero papatalsikin nyo parin?! Ano lokohan?!” sinigawan na ni Joyce si Dean kaya agad ko itong inawat.

“Just calm Ms. Gonzalez. And oh by the way, Ms. Gutierrez you have two option. Kailangan kasi namin ng ilang estudyante na magiging exchange student ng Tokayo University sa bansang japan at naisipan nalang namin na isama ka sa mga estudyanteng mapipili dahil matalino ka naman at puro highest ang mga grade mo.”

“What no?! That's unfair para gawin nyo ito sa kaibigan namin!” dipensa ni Joyce, inawat na naman ito ni Nicole.

“But...i just wanna know the truth first, ano bang dahilan at bumagsak ako sa mga exam ko?” tanong ni Nicole. Mali...ang dapat niya dapat na itanong ay SINO ang may pakana ng pagbagsak nya sa mga exam?

“Here...” sabi ng Dean at umupo sa table nito at may kung anong ginawa sa loptop na nasa table nito. Iniharap ng Dean sa direksyon nila Nicole ang loptop at nakita nila ang isang video fotage ng CCTV , kung hindi nagkakamali si Nicole ay kuha iyon sa labas ng English Faculty. Nagtaka si Nicole at Joyce nang mahagip ng mata nila si Xian na naglalakad patungo sa English Faculty at pumasok doon, nahuli pa nito ang hawak na  rown envelop. Kinutuban at kinabahan na si Nicole sa nabuong pangyayari sa kanyang isipan. Ilang sandali pa ay lumabas na si Xian na may hawak na namang envelop, pinagmasdan ni Nicole ang kilos ni Xian. Nagtaka siya nang pinunit ni Xian ang envelop na hawak niya at tumingin-tingin pa sa paligid kung may nakakita ba sa ginawa niya. Di na napigilan ni Nicole na tumulo ang luhasa mga mata niya samantalang napayukom nalang ang mga kamay ni Joyce.

“No, it can't be!” wika ni Nicole saa kanyang isipan.

“What is the meaning of that video?!” gigil na tanong ni Joyce.

“Ang bagay na yan ang gusto kong sabihin sainyo...si Mr. Lopez ang may pakana kung bakit ka bumagsak Ms.Gutierrez, and we can't do about it at alam nyo na kung bakit.” nakayukong sabi ni Dean.

Tumayo si Nicole at tumalikod...
“I'm accepting your offer Ms.Imperial. I just wanna leave this school as soon as possible.” walang reaksyon na sabi ni Nicole at tsaka lumabas ng silid na iyon.

“And you will pay for that Xian...
Soon, and no one can stop me.”

...

Sa kabilang banda ay may isang ginang na naglalakad palabas ng sa exit ng SM north. Nakangiti nitong pinagmasdan ang ilang mga paper bag na bitbit niya habang sumasagi sa kanyang isip ang mukha ng isang babae, ang kanyang anak.

“Kahit ilang beses mo pagtabuyan si mama, hindi parin ito susuko hanggang sa dumating ang araw na mapatawad mo narin ako.” bigkas ng ginang na ang tinutukoy ay ang anank nitong si Joyce.... Joyce Gutierrez.

Kinuha nito ang kanyang cellphone at agad na idi-nial ang numero ng kanyang anak na babae, nag ring iyon kaya laking tuwa nito. Nung huli kasi silang mag usap ng anak nito noong kinagabihan na iyon ay hindi na niya matawagan ang number nito dahil laging naka-off ang cellphone nito, minsan niyalang matyambahan na bukas ang cellphone nito pero agad din namang nire-rejected ang tawag nito.

Sa hindi inaasahan ay lumigaya ang kanyang puso ng sinagot ang tawag nito.

“hello?” sabi nang boses sa kabilang linya.

“H-hello, anak.” nanginginig na sagot ng ginang.

Sa kabilang banda ay napatingin si Joyce sa kanyang cellphone at nakita ang pangalan ng kanyang ina, napapikit siya dahil wala sa sariling sinagot niya iyon kanina dahil sa nangyari kanina. Kasalukuyang nasa kanyang silid ito at nakahiga

“What do you want?” malamig na tanong nito sa kanyang mama.

“A-ah anak, g-gusto sana kitang yayaing lumabas. Pasyal naman tayo anak kahit sandali lang...” rinig nitong sabi sa kabilang linya.

“At ano namang mapapala ko kung lumabas tayong dalawa? Meron ba?”

“Meron anak, magandang ala-ala, matanda na rin ako anak at nanghihina na ako...g-gusto lang kitang makasama kahit na sandali lang. Pwede bang pagbigyan ng anak ko ang mama nito?”

Habang kinakausap ng ginang ang kanyang anak sa cellphone ay hindi nito napigilang mapaluha, naalala kasi nito ang kanyang check-up sa ospital kaninang umaga dahil nahimatay ito habang namamalengke kasama ang ibang katulong nito. Naalala niya na...may taning na ang kanyang buhay dahil na rin sa kanyang sakit na stage 4 na cancer sa bato at ang alam niya ay dalawang buwan nalang ang itatagal ng kanyang buhay.

Tss...ok fine, just text me the exact location of yours.” sabi nito sa kabilang linya at ibinaba na. Napangiti ang ginang.

“Salamat at pinagbigyan mo ang hiling ni mama, kahit na sa konting panahon ko nalang masisilayan ang buhay mo.” sabi nito at agad na si-nend ang lugar kung nasaan ito ngayon.

SAMANTALA ay agad na nagbihis si Joyce, simpleng jeans lang ang suot nito at white T-Shirt na may tatak sa gitna na Y-O-L-O na ang ibig sabihin ay You Only Live Ones. Nagsuklay lang ito ng kanyang buhok at nagpulbo ng konti at isinukbit sa kanyang kaliwang balikat ang sholder bag niya na naglalaman ng mga importanteng bagay tulad ng cellphone, wallet na may lamang pera at iba pang gamit na dinadala niya tuwing may saglit na lakad siya.

Nagpa-drive siya sa kanilang driver at agad na pinuntahan ang tagpuan nila ng kaniyang ina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gangsters Love WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon