[part:28] Joel

95 5 1
                                        

Author's note

Asawa ko po yung nasa itaas, hahaha si Joel Monteverde po yan na kapatid ni Janine at ginanap ng bias ko na si jin. Sana ma-enjoy nyo.😘

-CRAZYloooveU

Someone's POV

Unti-unti nang nangyayari ang plano ko, kaunting panahon nalang at masisira narin kayo sa mata nila. At sa huli ako na ang makakapiling nya.

Darating din ang araw na ako ang dahilan ng mga ngiti nya, darating din ang araw na ako ang laging yakap nya at pag dumating ang araw na yun hinding-hindi ko na sya papakawalan pa.


Joel's POV

Naglalakad ako nang mag-isa ngayon, pa-uwi na kasi ako. At dahil malapit lang naman ang unibersidad sa bahay namin araw-araw ko akong naglalakad, may kotse naman ako pero di ko ginagmit , mahal ang gas.

Napadaan ako sa madilim na eskinita at napansin ko na may ilang kalalakihan doon sa madilin na parte, shet baka mga adik itong mga toh ma-report ko nga at para makatulong naman ako sa bayan na mabawasan ang mga salot dito sa bansa.

Pero syempre para maka-sigurado na may ginagawa nga silang hindi maganda at hindi lang ako nagtatamang hinala, sumilip muna ako. Umandar na naman ang pagka-paki elemero ko, hahaha!

Pagsilip ko di ko masyadong makita yung mga mukha nila dahil nga madilim ang paligid. Mga lima yata sila, agad kong inihanda ang cellphone ko para i-record yung mga pag-uusap nila para may ibidensya kung saka-sakaling magre-report ako sa mga pulis. Pangarap ko kasing maging detective.

"ano nang gagawin natin matapos nun?"

"kailangan nating madamay ang mga mahal nila sa buhay para lalong magalit sila joyce sakanila"

"next target natin si kurt diba? Anong nang gagawin natin?"

"may plano ako--"

Shit! May naapakan akong isang can kaya naglikha ito ng ingay, shit talaga paano nayan?

"p*ta! May nakikinig yata!"

Nabitawan ko ang phone ko ng bigla silang pumunta sa kinaroroonan ko, at nabigla ako ng makilala ko ang mga toh.

"kuya joel?"

"ikaw? Anong binabalak mo kay janine at sa mga kaibigan nya?" sabi ko ng nakayukom ang mga palad ng mapagtanto ko na sila janine ang pinag-uusapan nila.

"teka? Diba kuya yan ni janine?" tanong ng usang gunggong.

"oo...at kailangan syang ligpitin" sabi nya kaya nagulat ako ng hawakan ako ng dalawang walang hiyang toh sa magkabilang balikat ko, kaya agad akong nagpumiglas.

"mga g*go kayo! Bitawan nyo ako! Anong gagawin nyo sa kapatid ko!" galit kong sabi, sa lahat ng tao na gagawa saamin nito bakit sila pa? Minsan ko na silang pinagkatiwalaan.

"naki-alam ka pa kasi kuya joel, kung di lang nangyari toh edi sana sa future magiging magkaibigan pa sana tayo at baka maging balae pa kita" natatawa nitong sabi.

“g*go! Hinding-hindi mangyayari yun lalo na't nalaman ko ang tunay mong kulay!”

“ikaw? Pipigilan ang mga plano ko? Hahaha! Bago mo gawin yun nasa empyerno ka na”.

Sinikmurahan nya ako dahilan upang mamaluktot ako sa sakit, putcha!

Pinagbubugbog ako ng mga kaibigan nya, di ko akalaing magagawa nila ito saakin. Mga hay*p!

“masyado ka kasing paki-elemero! Yan tuloy ang napala mo!” sabi ng isa sakanila.

Hinawakan ako nito ng mahigpit sa panga ko at tinitigan ng matalim, hindi ko na kilala ang lalaking toh.

“walang sino man sainyo ang makakasira sa plano ko, kahit na ang alexander na yun. Tandaan mo, akin lang si janine at magkamatayan na kung magkamatayan” sabi nito at malakas na sinuntok ang mukha ko. Napasuka na ako ng dugo.

Walang sawa nila akong binugbog sa madilim na lugar, naalala ko ang cellphone ko. Kailangang mapakinggan ni janine ang record ko sa phone ko, kailangan ko syang balaan na lumayo sa lalaking toh.

“hindi mo alam joel, ikaw ang magiging dahilan para maging akin si janine”.

Nagdilim ang paningin ko, p*ta! Di ako pwedeng sumuko! Kailangan ako ng kapatid ko.

And everythings went black....








Janine's POV

Nasa bahay na ako at nanonood ng marathon na Train To Busan ni Gong Yoo habang kumakain ng cheese flavor na pop corn.

Di ko maintindihan ang pinapanood ko dahil iba ang iniisip ko, iniisip ko na naman kasi ang nangyari kanina.

Hay! Ayokong ma-stress! Kaya nagulo ko ang buhok ko.

Teka anong oras na ba? Tiningnan ko ang wall clock at nakitang magte-ten na ng gabi at wala pa si kuya, matawagan nga.

Di-nial ko ang no. nya pero parang walang sumasagot, naka-ilang dial na ako pero wala parin. Bigla akong kinabahan, ngayon lang ako di sinagot ni kuya ang mga tawag ko, dati kasi isang dial ko at agad nya namang sinasagot. Imposible namang lowbat yun dati dala-dalawa yata ang power bank nya, kaya bigla akong kinabahan.

Chi-nat ko ang malapit nyang kaibigan na si kuya Gabriel at tinanong ko na kung kasama nya ba ito, nag-reply naman ito na mga 7 pa umuwi si kuya at naglakad. Lalo akong kinabahan, naglalakad lang pala si kuya sa daan at siguradong madaming loko-loko sa daan. Ghad! My mind is going wild! Pag dating sa kuya ko grabe talaga akong mag-alala, sobrang close talaga kami kahit na minsan ay sobrang mapang-asar sya.

Nataranta na ako at di alam ang gagawin. Lumabas ako ng bahay namin at pumunta sa bahay nila ate joyce.

Nag-door bell ako at agad na tinawag si ate joyce, pinagbuksan naman ako ng maid nila kaya agad akong tumakbo patungo sa kwarto ni ate joyce.

Hingal na hingal ako ng makarating ako sa tapat ng kwarto nya, agad akong kumatok ng malakas.

Maya-maya ay pinag-buksan nya ako ng pinto at bumungad saakin ang magulong mukha ni ate joyce.

“ano bang kailangan mo at nambubulabog ka ng tulog?” -joyce.

“ate joyce hindi ito ang tamang oras para sermonan ako, si kuya joel kasi...” di ko na napigilang lumuha, tapos biglang nataranta si ate joyce. Ayaw na ayaw nya talaga akong umiiyak.

“teka ! Taena ano ba nangyari?! Anong nagyari sa kuya mo?!” tanong nya saakin.

“sa tingin ko nawawala si kuya joel, kanina ko pa sya kino-contact pero ni isa sa tawag ko eh ayaw niyang sagutin! Tapos sabi pa nung kaibigan nya na kanina pang 7 umuwi si kuya at naglakad! Ate joyce baka may masamang nangyari sakanya?” umiyak na naman ako at humagulgol.

“shh....tahan na, mahahanap mo rin yang kuya mo. Nagreport ka na ba sa pulis?” tanong nito tsaka ako umiling.

“sige tara samahan kita, ireport na natin yan”.sabi kaya lumabas kami, pero nabigla ako nang makita namin ni ate joyce na tumatakbong papunta saamin yung tatlo namin kaibigan.

“janine! Si kuya joel!....” sabi ni kyla at huminga muna sila ng malalim dahil hinihingal sila, eto na naman ang kaba ng dibdib ko.

“A-anong nangyari kay kuya?” kinakabahan kong tanong.

“N-nasa ospital sya ngayon at kritikal”. Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa narinig ko na sabi ni kyla.

The Gangsters Love WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon