PROLOGUE

323 9 2
                                    


PROLOGUE

Sa Fantazia Kingdom magsisimula ang lahat, ang kaharian na masaya, mapayapa, pinamumunuan ng mga mabubuti ay naging kabaliktaran na ngayon.

Ito'y dahil sa mga Dark Clan.

Pinatay lahat ng mga Dark Clan ang hindi sumasama sa kanila, may mga nakaligtas, pero ang iba'y namatay at pinatay.

Hanggang ngayon, ito ay pinamumunuan nang DC.

Magkakaroon na kaya ng katapusan ang kanilang pamumuno kung dumating na ang mga bagong tagapagligtas?

*flashback*

"Mahal na hari at reyna sinusugod tayo ng mga Dark Clan."

"Ipahanda ang mga kawal," sabi ng hari habang ang reyna ay kinakabahan at di na mapalakali.

"Mahal kong hari baka ito na ang katapusan natin," sambit ng reyna.

Agad naman itong nilapitan ng hati at binigyan ng halik sa noo.

"Hindi pa ito ang ating katapusan mahal kong reyna, hanggang may pag-asa lalaban tayo." niyakap naman ito ng mahigpit na hari.

"Kung sakaling ito na nga ang ating magiging kapalaran, Ipadala mo sa mundo ng tao ang ating anak," sabi ng hari at tumingin sa prinsipe na natutulog.

Tumango lang ang mahal na reyna, hinalikan at niyakap niya muna ang kanayang anak, hanggang sa ito'y magising.

"Ina, bakit kayo umiiyak?"

"Anak, mawawalay ka muna samin ng ama mo, tandaan mo anak mahal na mahal ka namin."

"Bakit po?" Tanong ng anak pero hindi ito sinagot ng kanyang ina, bagkus binuksan na ng reyna ang portal patungo sa mundo ng tao.

Kinuha ng reyna ang kahon, ginamit ang buong lakas at kapangyarihan upang mabuksan ito.

Agad namang kumalat ang mga alpatag.

"Mga alpabetong tagapagligtas, sa tamang panahon, pumunta kayo sa inyong mga amo, ang Incredible Warriors upang iligtas ang Fantazia Kingdom." may awtoridad sa boses ng reyna.

Napakawalan na ng reyna ang mga alpatag at ito naman ay lumipad, kahit saan hanggang sa bigla nalang itong naging hangin sa paningin nang reyna.

"Hindi pwede!" sigaw ng pinuno ng taga DC. Galit na galit naman nitong ginamitan ng mahika ang reyna.

"Hindi mo na ito mapipigilan Tres, dahil kapag nakita na ng mga alpabetong tagapagligtas ang tunay nitong tagapangalaga, tiyak na ikaw ay matatalo," matatag na sabi ng reyna kahit gusto na niyang umiyak dahil patay na ang kanyang kabiyak.

"Walanghiya ka!" tinuluyan na nitong waksan ang buhay ng reyna.

*end of flashback*


....

Weird ba? Hahaha! Wala kasi akong masyadong kaalaman tungkol sa fantasy

Yung alpabetong tagapagligtas?, gawa-gawa ko lang yun.

Pero nag start na siya, sana basahin niyo po, I don't care sa vote, basta basahin niyo ha.

Thanks!

Incredible WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon