(4) Incredible Warriors

94 7 0
                                    


CHAPTER 4

CRYSTAL'S P.O.V

"Nagbibiro siguro kayo maam, eh! Wala namang bilog na sinasabi niyo riyan na nasa pulso niyo" sabi ni manang, nagkatinginan naman kami ni Chelle

"Ganun po ba" sabi ko, umalis na si manang

"Anong wala? Eh nandito nga diba" sabi ni Chelle napatango nalang ako

ZEIKO'S P.O.V

Hanggang ngayon nangungulila pa rin ako sa kaharian ko ang Fantazia Kingdom, nami-miss ko na sina ina at ama

Ano na kaya ang nangyari doon? Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nila ako pinapunta dito sa mundo ng tao

"Mama" tawag ko sa tumatayong mama sa akin

"Hanggang ngayon po hindi ko pa rin maintindihan kung bakit, pinadala ako ni ina dito sa mundo ng tao" sabi ko

"Oras na siguro para malaman mo ang totoo, pinadala ka niya dito para sa kaligtasan mo, dahil sinakop ng Dark Clan ang kaharian niyo, at isa pa wala na ang mahal na reyna at mahal na hari" sabi ni mama

Galit at poot, ang nasa puso ko ngayon, gusto kong maghiganti pero paano?..sa pagmuni-muni ko bigla kong nakita ang ang bilog na kasing laki ng sampung piso may letrang A sa loob nito

Lumipad ito, hanggang sa dumikit sa pulso ko, at nagliwanag na kulay itim,

"Ma ano po itong nasa pulso ko, bilog na may letrang A sa loob" sabi ko tiningnan naman ni mama yung pulso ko

"Wala naman ah!" Sabi niya tapos nag isip ng malalim

"Pero isa lang ang ibig sabihin nito, isa ka sa napili ng alpabetong tagapagligtas, na pinakawalan ng iyong ina sa panahon na nanakop ang mga Dark Clan" sabi ni mama

Bigla namang may lumitaw na usok na itim, tapos lumabas yung tao tapos sinabing

"Magdiwang, ikaw ay napili bilang tagapagligtas" sabi nung tao sa itim na usok, tapos nawala siya, weird?

Pinagsilbihan ni mama ang aking ina kaya tiyak na alam niya ang ganito, sabi niya na si ina daw ang nagsabi na si mama ang mag-alaga sa akin

May pag-asa na ako ngayon na maibalik sa akin ang aking kaharian, sana lang, magtagumpay ako

Incredible WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon