(3) Incredible Warriors

109 6 0
                                    


CHAPTER 3


SOMEONE'S P.O.V

Sa wakas nahanap na ng alpabetong tagapagligtas ang mga taong itinadhana para iligtas ang kaharian ng Fantazia..

Malapit na tayong magkita para sa pagsasanay, Incredible Warriors

CRYSTAL'S P.O.V

Itong si beshie, excited mag shopping well ako rin naman, seryoso? Parang ilang taon hindi nagkita nag cutting class pa nga kami

Nandito na kami sa mall, bumaba na ako tapos si beshie rin, pero pagbaba ko, may humila sa akin at itinutok ang kutsilyo

Oo! Kutsilyo kasi ang tulis nung end eh! Huhuh! Lagot ka talaga sa akin manong kapag nasugatan ako

"Crystal" sigaw ni Chelle

"Chelle wag kang lumapit" nandilim naman ang mata niya at pumunta sa akin,

"Akin na ang pera niyo" sabi nung holdaper, wala pa namang tao dito kasi sa parking lot nitong mall

"Walanghiya ka" sigaw ni Chelle at sinipa ang holdaper sa paa kaya nakatakas ako, nakipaglaban siya pero, kailanan pa siyang matuto lumaban?

Nakita kong umilaw ng blue yung pulsuhan ni Chelle,tapos may nakita akong bilog kasing laki siya ng sampung piso tapos may W sa gitna nito

Nakita kong sasaksakin sana ng kutsilyo si Chelle pero sinipa ko ito at kinuha tapos itinutok sa kanya

Wow! Action star na ako ngayon? Bakit parang marunong ako, lumaban seryoso? May kutsilyo yung tao tapos ganito lang

Umilaw naman ng brown, kasing laki din ito ng sampung piso, tapos sa gitna ng bilog may nakasulat na N seryoso?

Nakahandusay na ang lalaking gustong mang holdap sa amin, okay tiningnan ko si Chelle parang naguguluhan siya

"Beshie, ayaw maalis" sabi ni Chelle, tama nga siya ayaw maalis

"Ano kaya ito?" Tanong ko tapos may bigpang lumitaw na tao or should I say parang usok tapos may tao parang genie lang

"Magdiwang, ikaw ay napili bilang tagapagligtas" yun lang at nawala yung usok na brown sa akin at usok na blue naman kay Chelle

"Tagapagligtas?" Sabay na sabi namin

"Girl! Naloloka na ako ha! Kanina nilabanan ko toh! Kahit wala naman akong alam about this, tapos meron pang kakaibang circle" sabi ni Chelle

"Oo nga noh" sabi ko rin

Kalaunan dumating na ang pulis, hindi naman na kami nag sampa ng kaso, we give him a second chance kasi

Ayun at makukulong lang siya ng dalawang araw, para sa parusa niya kasi nga masamang mang holdap

Umuwi na kami ni Chelle at itpng si Chelle makiki-sleep over sa bahay namin kaya na excite ako

"Manang! Pwede po ba paluto ng pizza at juice na four season" tumango lang si yaya

"Ahm! Manang"

"May ipapakuha po ba kayo"

"Ay! Hindi po, tanong ko lang po sainyo kung may nakita kayong bilog dito sa palapulsuhan ko" sabi ko sabay pakita ng pulsuhan ko, nagtaka naman si manang at weirdong tumingin sa akin

Incredible WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon