(16) Incredible Warriors

78 5 0
                                    


CHAPTER 16

JYCHELLE'S P.O.V

Pagpasok namin sa mall, lahat nakatingin sa amin, mapalalaki, mapababae, binabae,   at babae na naging lalaki

Kahit anong uri ng tao, napapatingin sa amin, sino ba namang hindi titingin sa amin eh! Magaganda at gwapo ang nagsabay

May mga kumukuha pa nga ng litrato namin, tapos bulungan at hiyawan tapos tilian

"Kyaaahh"

"Huhuhuh! Ang ganda at gwapo nila talbog ang beauty ko"

"Omo! Nandyan din si Chaize ng buhay ko"

"Hola! Si Jaraex na asawa ko kasama nila Crysty at Jychelle"

"Woah! Ang hearttrob ng school namin na si Zeiko"

"Pre ganda ni Crystal noh?"

"Maganda din naman si Jychelle eh"

"Teka si Lynne ba yun, yung counsil president ng Skyler Academy"

"Wait lang ha, diba si Chaize taga STAR ACADEMY then si Jaraex taga ELITE ACADEMY tapos si Lynne taga SKYLER ACADEMY then sina Crystal, Jychelle at Zeiko taga SKY HIGH ACADEMY, paano sila nagkilala?" Tanong ni ate

Wow! Akala ko, ako si Crysty at si Zeiko lang ang kilala nila, kilala din pala itong tatlo

Tiningnan ko naman yung pinost ni Crysty na naka tag sa akin

Wow, double wow umabot ng 86,000 thousand yung nag like tapos 54,000 yung comments, post just 5 minutes ago tapos ganito na karami, sasabihin kong sikat kaming anim

May mga comment pa nga ng

Alelei: perfect group

PrettyZ: ang ganda at ang gwapo niyo, perfect na talaga kayo para maging group

BEAutiful27: why so bagay?

Binasa ko naman, yung mga comment nila, may kuamalabit sa akin,

"Sandali lang nga" sabi ko at patuloy na, nag scroll at nagbasa ng mga comments, pero teka nga kinalabit, tiningnan ko yung kumalabit sa akin

"Omo! Sorry Chaize" sabi ko at tinakpan ang bibig ko

"Hahah! Okay lang, so tara na, nakabili na sila ng ticket" sabi ni Chaize ba't ang gwapo niya tumawa

Pumasok na kami sa sinehan, at naupo sa likod, katabi ko pala si Raex sa kanan, at kaliwa naman si Chaize

"Hi" bati ko

"Hello" bati din niya at ngumiti

"Jaraex, right?" Tanong ko tumango naman siya

"But you can call me Raex, and you are Jych (jesh) right?" Siya

"Nope, Jychelle or Chelle" sabi ko

"Pero okay lang naman sayo na tawagin kitang Jych diba? At isa pa ako lang naman ang tatawag sayo niyan so kapag tinawag kang Jych syempre ang gwapong si Jaraex na yun" sabi niya

"Kaapppaall naman! Pero aasahan ko yan ah" sabi ko at nanuod na ng sine

Incredible WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon