(10) Incredible Warriors

84 5 0
                                    


CHAPTER 10

JARAEX P.O.V

Huminga ako ng malalim, bago pumasok sa Elite Academy, sariwa pa kaya yung pangbabasted ni Gina sa akin

Kahit na nakalipas ang 2 linggo, masyadong sariwa pa, habang naglalakad ako puro tiliian

"Kyaahh! Si fafa Jaraex nandito na"

"Jaraex ang gwapo mo"

"Jaraex"

Yang ang mga sigawan nila, what can I do I'm popular, ngumiti lang ako, pero ito ay nawala nung makita ko siya

"Jaraex, Im sorry" sabi niya at umiyak

"What?" Sabi ko, humikbi siya pero hindi ko yung pinansin

Nandito nanaman yung, green na usok pero woah! Kakaiba ito, dahil may mensahe siya

(Kailangan mo ng magsanay, para may matutunan ka na habang maaga pa dito sa bakanteng lote na katabi ng pet shop)

Totoo ba toh? Tiningnan ko naman ang mga tao nakatingin lang kay Gina, pupunta ba ako

Baka importante, wait naguguluhan na ako ha, pupunta nalang siguro ako para malinawagan

"Gina mamaya nalang ha, Got to go" sabi ko at tumalikod na

May narinig pa nga ako nagsabi na "buti nga sayo" I don't care

Pumasok na ako sa kotse ko at nag drive patungo doon, pagpunta ko doon nakita ko may apat na tao okay! Akala ko ako lang ang may ganito

"Ikaw din ba?" Tanong nung girl

"Huh?" Pinakita niya yung pulso niya tumango lang ako

"I'm Crystal, call me Crysty"

"Jaraex" simpleng sagot ko

LYNNE'S P.O.V

Nandito lang ako sa kwarto, ayaw ko munang pumasok, nakaka-trauma nag su-surf lang ako sa internet

Masyado siyang loading kaya pumunta muna ako sa kusina at kumuha ng apple pagbalik ko sa kwarto

Biglang umilaw yung bilog na nasa pulso ko tapos may mensaheng lumabas, usok siya to be exact

(Kailangan mo ng magsanay, para may matutunan ka na habang maaga pa dito sa bakanteng lote na katabi ng pet shop)

Magsanay ng ano? Ng magic powers? Seryoso? Pupunta ba ako o hindi? Pero sabi nga ng iba curiosity kills

Pero ano nga ba? At bakit dumikit itong bilog na ilaw sa pulso ko, nanaginip ba ako?

Kasi kung nanaginip ako gusto ko ng gumising pero, hindi eh totoo ito

Pumara ako ng taxi at sinabi yung lugar, pagkababa ko nakita ko sila mga nasa lima

3 lalaki at 2 babae, lumapit naman yung lalaki sa akin tapos tinanong ako

"Meron din bang bilog na umiilaw na weird jan sa pulso mo?" Tanong niya

"Huh? Ah ito oo, bakit?" Tanong ko, nakatingin lang sila sa akin at ngumiti, ngumiti nalang din ako pabalik

Incredible WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon