(29) Incredible Warriors

35 2 0
                                    


CHAPTER 29

SOMEONE'S P.O.V

Naglabas ng 3 kwintas na may boteng pendant si GM (grand master) at ito ay binigay sa tatlong lalaki

"Heto at tanggapin niyo" sabi ni GM, kinuha ni Chaize ang kulay lila, si Jaraex ang asul habang kulay itim naman ang kinuha ni Zeiko

"Ang kulay lila ay nakakabuhay ng patay, ang asul ay nakakakita ng mga taong invisible, at ang itim ay antidote ng lason" paliwanag ni GM

"Po? Paano naman ito gagamitin?" Tanong ni Raex

"Buksan niyo ang maliit na takip ng mga boteng hawak niyo at iinomin niyo ng diretso" sabi ni GM napatango lamang sila

"Ngayon, handa na ba kayong maglakbay at harapin ang mga pagsubok niyo?" Tanong ni Gm

Nagkatinginan ang anim, at sabay na sinabing

"Handa na" sabay na sabi ng anim

"Mabuti naman, paalam hanggang sa muli" sabi ni GM at ito ay naglaho na

KIAN'S P.O.V

Hindi pwedeng nandito na sa kaharian, ang Incredible Warriors, hindi pwedeng maagaw nila ang kaharian na kinuha namin ni ama

Pumasok ako sa silid ng aking ama at sinabi ang hindi magandang balita

"Magandang umaga sayo, Prinsipe Kian" bati ng kawal pero hindi ko na ito pinansin at dumiretso na sa loob

"Mapawalang-galang napo ama, pero may hindi magandang balita akong natanggap" malumanay na sabi ko sa aking ama

"Ano yon Kian?" Tanong ni Ama

"Ama! Nabalitaan ko na andito na ang mga Incredible Warriors" sabi ko

Bigla naman napatayo ang aking ama at malakas na hinampas ang lamesa

"Hindi ito maari" sabi ni Ama

"Mahal na hari! Hindi sila basta-bastang makakapasok dito may kahaharapin pa silang pagsubok" sabat ni Victoria sa usapan

"Bakit nanadito ka Victoria?" Inis na tanong ko sa babaeng ipapakasal sa akin ni ama

"Nakalimutan mo na ba prinsipe ko na ang pagiging invisible ang kapangyarihan ko?" Sabi niya sa akin,

Mabilis na tinapunan ko siya ng electricity, pero ito ay kanyang naiwasan, napa iling nalang ako

"Kian! Hanapin at ipahuli mo ang lahat ng Incredible Warriors, at ako mismo ang papatay sa kanilang lahat, walang sinuman ang pwedeng maka-agaw ng trono" seryosong utos sa akin ng amang hari

Tumango at yumuko, ako bilang paggalang, at naghayag ng kasulatan sa lahat ng aming ninja's at kawal ng palasyo ang pag mamatyag at pag dakip sa Incredible Warriors

Alam kong hindi sila pwedeng pakealaman kapag sila ay nasa misyon o pagsubok, dahil baka kabaliktaran ang mangyayari

Ang dapat na pagsubok nila ay kami ang haharap kapag kami ay nakialam

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Pasensya na po mga Readers!!

Kasi po wala akong masyadong kaalaman about sa powers kaya sorry kung lame

Sana hindi kayo mag judge ha!! Kasi hindi ako perfect

Incredible WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon