(28) Incredible Warriors

38 2 0
                                    


CHAPTER 28


SOMEONE'S P.O.V

Gumising sila ng maaga, si Chelle ay ready na, si Crysty ay papikit-pikit pa, habang si Lynn ay nakatulog nanaman

Habang ang mga lalaki ay nag-aayos na ng kani-kanilang gamit, at handa na rin sila para sa paglalakbay

Handa na silang lahat kaya napagpasyahan nila na pumunta na sa lugar kung saan sila magkikita lahat

Pagdating nila ay naghintay sila ng ilang minuto at biglang lumitaw ang puting usok

"GM" sigaw ng mga babae, tumango lang ang mga lalaki

"Siguro naman ay handa na kayo, para sa mga pagsubok na iyong kahaharapin, sapat na ang walong buwan ng pag-eensayo" sabi ni GM

Tumango lang sila, at nakinig sa susunod na sasabihin niya, walang ni isa sa kanila ang nagsalita

"Ngayon, maghawak kamay kayo at sabay na sabihin ang Incredible Warriors" paliwanag ni GM

Sinunod nila ang kanyang sinabi, at mabilis na naghawak kamay, at sabay din nilang sinabi ang mga katagang

"Incredible Warriors" sabi nila

Pagbukas ng kanilang mata ay napunta na sila sa Fantazia, pero bago pa sila maka-tapak sa Kaharian ay may kahaharapin pa silang mga pagsubok

"Wow! Ang ganda! Nasa heaven na ba aketch?" Sabi ni Chelle sa isip

"Anong lugar ito?" Tanong naman ni Lynn

"Can't bilib! Magic world ba toh?" Sabi naman ni Crysty na parang ngayon lang nakakita ng ganitong lugar

"Ganito pala ang magic world?" Tanong naman ni Chaize na tila di makapaniwala

"Magic World na ba ito? Parang panaginip lamang" kanta ni Jaraex sa isip

"Sa wakas! Ang kaharian na dati ko pang pinapangarap na makatapak muli"  masayang sabi ni Zeiko sa isip

"Incredible Warriors may ibibigay ako sa inyo" sabi ni GM

"Crystal ibibigay ko sa iyo ang sing-sing  kapag ito ay naging pula ibig sabihin nito ay nasa kapahamakan, at kapag ito ay naging berde kayo ay ligtas na"

"Jychelle ibibigay, ko sayo ang pares ng hikaw, isa itong bomb earrings, isang beses mo lang ito maaring gamitin"

"Lynne, ito naman ang bracelet ang para sayo,

Ang una ay sumisimbolong tao, kaya mong manggaya ng tao sabihin mo lang kung sino ang gagayahin mo

Pangalawa ay ang tatlong ibon, kaya ka nilang ihatid kahit saan

Pangatlo ay ang panangga, ito ay shield na tumatagal lamang ng 2 minuto

Paalala! Kailangan mo lang hilain ang bagay na yan at itapon mo, ito ay magkakatotoo, isang beses mo lang pwedeng magamit lahat kaya pag-isipan mong mabuti"

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Sorry! Dahil natagalan ako ng update! Dahil naaliw ako sa pagbasa ng stories sa wattpad library ko, jusme, sa sobrang pagka-aliw ko nakalimutan ko ng mag update

Kaya bilang pambawi, heto at naka-update na rin, yieeeee, kinikilig sila, hahaha, corny ko -_-

Incredible WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon