TCP #9

9.3K 254 17
                                    

#9 She smile

Zaya Kirsten's POV

Isang linggo ng matapos yung welcome back party kuno. Nandito ako ngayon nakaupo sa taas ng puno na nasa harap ng tambayan ng Campus Prince's

Hindi nila alam na nandito ako kasi busy sila sa panonood ng kung ano dun sa loob

Tsk

Lunch na at nagugutom na ako. Wala rin atang balak yung mga yun na kumain dahil busy sila

Bumaba ako ng puno at pumunta sa likod ng tambayan. Pumasok ako sa may back door at pagpasok ko ay nasa kusina na ako

Binuksan ko yung ref nila para tumingin kung anong pwedeng lutuin

Bistek nalang lulutuin ko

Nanguha ako ng mga ingredients saka niluto. Habang hinihintay kumulo yung niluluto ko ay inayos ko yung mixture ng brownies saka ko binake

Naghain muna ako habang pinapalamig yung brownies. After that ay lumabas ako ng kusina at nakita kong katatapos palang ng palabas na pinapanood nila

Walang emosyon ko silang tiningnan sabay sabing "Kumain na tayo"

Nagulat naman sila ng marinig ang boses ko at biglang napaharap sa direksyon ko

"Princess pano ka nakapunta diyan?" gulat na tanong ni Kenjie

Nakakatawa yung itsura niya kasi nanlalaki talaga yung mata niya pero hindi pa rin ako nagpakita ng kahit isang emosyon

"Nagluto ako" pambabalewala ko sa sinabi ni Kenjie tsaka ako pumasok ulit sa kusina

Ramdam ko naman yung pagsunod nila

"Cess ikaw nagluto niyan?" tanong ni Tristan

Paborito niya kasi yung bistek pareho kami

Tumango lang ako at umupo. Hinintay ko muna silang makaupo. Kukuha na sana ng pagkain si Blake ng hampasin ko yung kamay niya

Hinimas niya naman yun at nagtatakang tumingin sakin

"Magdadasal" tipid kong sabi bago ako nagsimulang magdasal

Pagkatapos nun ay ako na ang nanguna sa pagkuha ng pagkain

"Hmm Princess ansarap mo palang magluto" puri ni Jake

"Princess ikaw nalang kaya ang magluto ng pagkain natin tuwing lunch. Luto mo na yung pinakamasarap sa lahat" sabi ni Kenjie habang nagniningning yung mga mata niya

"Sinasabi mo bang hindi ako masarap magluto? Kung ganon wag ka ng kakain ng luto ko ha?" nagbabantang sabi ni Tristan

Siya kasi yung chef nila dito

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain ko. Kanina pa kasi ako gutom

After kumain ay maghuhugas na sana ako pero biglang hinila ni Tristan si Blaze at Kenjie

"Sila ang maghuhugas Cess" sabi niya

"Bakit ako?" reklamo ni Kenjie

"Oo nga" dagdag naman ni Blake

"Aba kung makalamon kayo kanina. Yung nagluto pa yung paghuhugasin niyo ng plato. Bahala kayo baka hindi na kayo lutuan ni Cess sa susunod" pangongonsensya niya sakanila

"Oo na nga" sumusukong sabi ni Blaze habang napakamot sa batok si Kenjie

Lumabas nalang ako sa kusina at umupo sa sofa katabi ni Neil. Kinuha ko yung isang earphones niya at sinuot sakin

Naramdaman ko naman na umupo si Tristan sa tabi ko. Nagulat nalang ako pero wala pa ring emosyon ng bigla niya akong hinila palabas ng tambayan

Dinig ko pa yung pagtawag nila samin. Nagpadala nalang ako sakanya hanggang sa huminto kami sa may field

Binitawan niya ako at umupo sa ilalim ng puno. Walang emosyon ko lang siyang tiningnan

So dinala niya ako dito para tumayo? Habang nakaupo siya doon?

"Ano pang ginagawa mo diyan? Umupo ka dito oh" nakakunot noong sabi niya pero hindi ko siya pinansin at malamig na tiningnan

Kita ko yung paglunok niya bago siya tumayo at lumapit sakin then bigla niya akong hinila paupo sa tabi niya

Tiningnan ko siya ng masama pero binalewala niya lang

"*ehem* *ehem*" napatingin ako kay Tristan ng bigla siyang magfake cough

"Uhm knock knock" malamig ko lang siyang tiningnan

Knock knock? Ano ako pinto?

"Inday" so? "Sabihin mo Inday Who?" napakunot naman yung noo ko

"Sige na wag kang KJ"

"Inday who?"

"Indaaaaaayyyy will always love you~" (I will always love you by Whitney Houston)

Tiningnan ko lang siya ng sobrang lamig habang hindi niya magawang tumingin sakin dahil sa sobrang hiya

Napakamot naman siya sa batok niya sabay sabing "Ayoko na nga"

Kinuha ko nalang yung earphones ko at sinuot ko then sumandal ako sa puno at pumikit

Nagulat ako pero hindi ko pinahalata ng kinuha niya yung isang earphones at sinuot sakanya

♪You And I (One Direction)♪

🎶I figured it out
I figured it out from black and white
Seconds and hours
Maybe they have to take some time~

I know how it goes
I know how it goes from wrong and right
Silence and sound
Did they ever hold each other tight like us
Do they ever fight like us~

You and I
We don't wanna be like them
We can make it til the end
Nothing can come you and I
Not even the gods above
Could separate the two of us
But nothing can come between you and I~

Ohh you and I~🎶

Hindi ko alam pero bigla nalang akong napangiti habang pinapakinggan yung kanta

                            ~#~

Tristan's POV

Nakatingin lang ako kay Cess habang nakikinig kami ng music

Hindi pa rin siya nagbabago. Maganda pa rin siya

Nagulat nalang ako ng bigla siyang ngumiti

Ha? Ngumiti? Si Cess?

Mabilis kong kinuha yung phone ko at pinicturan siya

Napangiti nalang ako habang nakatingin sa picture niya

Antagal kong hinintay na makita ulit ang matamis mong ngiti at salamat sa Diyos dahil pinakita niya ulit sakin yun

*****

Thanks for reading!!!!!

Ikinalulungkot ko pong sabihin pero isang update nalang po yung iu-update ko every week. Medyo busy po kasi dahil sa mga gawain sa school. Sana po ay maintindihan niyo at salamat sa pagsuporta niyo

The Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon