TCP #35

4K 102 2
                                    

#35 Dance Battle Part 2 (Girls)

•~•~•~•~•~•~•~•~•
*Yung time na to is yung sumasayaw pa sila Tristan*

Karen Mendaros (Student Council     
                                   President of AU)

Huh! Yumg mayabang na yan marunong sumayaw? Tsk okay magaling sumayaw. Infernes malambot yung katawan niya pero di pa din nawawala yung kayabangan niya

Kitang kita ko kung paano niya kindatan yung mga babaeng tumitili sakanya tss. Playboy. Kaya ayoko sakanila eh puro pagpapansin sa mga babae

Nung part na niya ay pumwesto siya sa unahan at nagulat ako ng makita ko siyang nakatingin sakin habang sumasayaw

Nanlaki yung mata ko at tumingin tingin sa paligid. Gosh! Bakit nakatingin sakin yang playboy na yan?!

"Pres tingnan mo nakatingin sayo yung lalaki sa unahan. May gusto ba sayo yan pres? Yieeeee" sabi ng vice ko na si Shiela

"What? Anong sakin nakatingin? Wag ka nga! Di sakin yan nakatingin noh" angal ko at umiwas nalang ng tingin sa stage

"Ayyy indenial si pres" kinurot ko naman siya sa tagiliran "Ouch! Di na pres assuming lang ako na nakatingin sayo hihi" sabi niya at bumungisngis pa tsk

++++++++

Karyll Pineda's POV

Naasign ako na magpicture sa mga events ngayong araw. Bilang photographer ng school newspaper. Yes newspaper kahit na uso ngayon ang internet mas prefer ng school na panatilihin ang newspaper

My beshie? She's in the class. She will make sama sama to me later sa pagpic ng photos

Nilibot ko yung patingin ko at nagsimulang magpicture ng mga audience ng mapadako yung camera ko sa stage. Pinicturan ko yung mga sumasayaw

Pero someone caught my attention. The heck?! Is that the man kanina?

Grrrr sinumbong niya ako kay Mam Sungit kaya naatasan ako na magcheck ng test papers mamaya kasama si Mam Sungit sa office niya. Grrr that's so hirap kaya but mabuti nalang na naassign ako na magpic ng events hehe so I have an excuse na

Back to that bastard. I saw him looking at me while lip syncing. OMG! Why is him looking at me??!! Did he have a crush on me? Ewwwww

I just look away nalang and take photos again. Naglibot libot din ako para makakita ng mas magandang spot

+++++++

Alexa Jimenez' POV

Hinum ko yung music na sinasayaw ng dancers ng biglang napadako yung tingin ko sa mayabang na yun na feel na feel ang pagsasayaw. Well bagay naman sakanya dahil magaling talaga siya sumayaw

Nung turn niya na para sumayaw sa unahan ay napansin ko ang pagtingin niya sakin. He's lip syncing it! Omo bakit biglang gumwapo siya--I mean matagal na siyang gwapo pero sumobra ngayon. Shit

Inirapan ko nalang siya at kinuha yung cellphone ko para maglaro. Ganyan ituon mo sa iba ang atensyon mo Alexa. He's just a distraction

+++++++

Jenny Cruz' POV (Dancer in SU)

Nakikipagkwentuhan ako sa isang kamember ko sa sayaw na si Lily. Mamaya pa naman kami sasayaw kaya okay lang di din naman required na paanoorin sila dahil di naman namin sila kalaban

"Jen kilala mo ba yung sumasayaw sa stage? Yung nasa unahan" bigla niyang tanong habang nakatingin sa stage kaya napatingin na din ako

And wait tama ba tong nakikita ko nakatingin sakin tong lalaking to? I don't even know him but parang familiar siya. Parang nakita ko na siya somewhere. Nagkatitigan kami

"Kanina pa siya nakatingin sayo. OMG Den do you know him? Ang gwapo niya" sabi sakin ni Lily at bahagya pa akong niyugyog

"No Lily. I don't know him" sabi ko at umiwas ng tingin

+++++

Crisha Valencia's POV

Tahimik lang akong nakaupi dito habang nanonood sa mga sumasayaw

Somethings bothering me pero pilit ko nalang pinagsawalang bahala. Dapat magenjoy ako ngayon. Di ko dapat isipin muna yung problema ko

Nang napadako yung tingin ko sa stage ay nakita ko si Kenjie na nakatingin sakin. Wait! What?!

Magkakilala kami dahil kaibigan siya ni Zaya. Minsan na kasi kaming nagpractice sa bahay nila at nagkataon na nandun din sila kaya nakilala ko sila but we don't talk kaya nakakagulat na makita siyang nakatingin sakin

I even saw Kirsten looking at me na parang nagtataka

++++++++

Bianca Loreto's POV

Kasama ako sa mga sumisigaw na mga babae kada may sumasayaw na pogi. Yieeee

Pero nasa isang tao lang ang puso ko at nangako ako na sakanya lang to kaya hanggang crush lang ako sakanila

Nang grupo na nila Tristan ang sumabak ay tahimik na akong nanood. Yes I know them

Napatingin naman ako kay Lary na di man lang dumako ang tingin sakin kahit isang beses. Pero nagulat ako ng makita ko siyang tumingin sakin habang sumasayaw ng part niya na. Natigilan ako at napatitig sakanya pero ng matapos yung part niya ay di na siya muling sumulyap sakin

Lary. Do you still remember me?

+++++++

Zaya Kirsten's POV

"Zayie where are you going? It's di pa tapos. I want to panood pa the girl dancers" sabi ni Kathy ng akmang tatayo ako

Zayie? Argh pinush niya talaga yan? Tss nevermind

Umupo nalang ako para wala ng away. Kapag kasi pinatulan ko to ako din ang talo tsk

Sila na yung last sa boys na sasayaw kaya girls naman

"And now for the girl dancers. Our own Stanford University girl dancers! THE SEXY LADIES!" sigaw ng MC at napuno muli ng hiyawan ang buong court. Kung kanina ay puro babae ngayon naman ay puro lalaki ang sumisigaw

Nagumpisa na ang tugtog. New Thang by Redfoo yung music

Nasipasukan yung mga dancers then nagstart na silang sumayaw

Pagdating sa chorus ay sigawan ang lahat. Magagaling silang lahat pero mas magaling pa din yung boys namin

Pwede na siguro silang manalo sa girls pero sa boys hindi. Magkaiba kasi yung laban nila. Boys vs boys. Girls vs girls

After nila ay yung amin naman ang sumalang. Ang 'The Good Girls' ng AU. Magaling din naman sila pero mas magaling yung nauna. Di ako bias kaya I choose the right one. Tss

After nilang lahat na magperform ay tapos na. Mamaya pa ang awarding. Mga 6:00 PM at doon yun gaganapin s school namin. Dun sasabihin kung sinong nanalo sa lahat ng contest na ginawa ngayong araw

Di lang Battle of the Bands at Dance Battle ang meron ngayon. Merong ding singing contest kaninang umaga. Isang oras lang yun 7-8

Pumunta nalang kami sa cafeteria dito para maglunch. Cinongratulate namin sila sa magandang performance at ginudluck para mamaya sa awarding. Then after that ay pumunta kami sa nakalaan na room sa banda namin para maghanda

*****

Thank you for reading!! Hope you liked it!!

The Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon