TCP #23

5.2K 167 16
                                    

#23 Heartbeat

~•~•~•~•~•~•~

Zaya Kirsten's POV

Tch sino ba yung mga maiingay na yun? Ang aga aga

Di ko maintindihan yung sinasabi nila kasi puro sigawan. Tsaka ko lang naalala na dito nga pala natulog sila Kuya Piron, Kuya Hunter at Ate Lucy

Pero hindi naman sila ganyan kaingay ah? Tsk

Inis akong bumangon at pumunta sa banyo saka naghilamos at nag-toothbrush

Nagbihis din ako ng pambahay at ibinun yung buhok ko. Walang ekspresyon akong naglakad pababa

Pagkababa ko nakita ko sila Tristan na nagkakagulo sa sala. Pinagkakaguluhan nila yung nakalimutan kong cookies at brownies na binake ko kagabi

Di ko sila pinansin at pumunta sa kusina at nakita ko dun sila Ate Lucy at Kuya na nagluluto habang nanonood sakanila sila Kuya Piron at Kuya Hunter

"Uyyy Kirsten good morning" bati ni Kuya Piron

"Morning" bati ni Kuya Hunter

"Morning Kirsten" sabi ni Kuya

"Uy Kirsten. Nagising ka siguro sa kaingayan ng mga lalaking yun? Akong bahala sakanila sasapukin ko isa isa" sabi niya habang nagluluto

Tumango nalang ako bilang sagot at binuksan yung ref at nanguha ng milk saka yung tinago kong cookies

Mabuti nalang may natago ako

Umupo ako sa upuan at nagsimulang kumain

"Kirsten! Bakit kumakain ka na? Sabay sabay tayo!" sita sakin ni Ate Lucy

"Ay naku! Ganyan talaga yan. Kakain muna ng ganyan bago kanin" sabi ni Kuya

Napatingin naman ako sakanilang dalawa. Para silang mag-asawa na sabay nagluluto. Sunod naman akong napatingin kay Kuya Hunter na nakatingin kay Ate Lucy tsk tsk

Di ko na sila pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain ko

"Uy Cess nandito ka pala? Di kita nakita ha?" dinig kong sabi ni Tristan

*Dugdug* *dugdug*

What the?! Ano yun?

Di ko alam kung bakit naging abnormal yung puso ko. Di naman ganito nararamdaman ko nung nakaraan ah? Tsk

Di ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Sunod namang nagsidatingan yung iba

"Oh umupo na kayo. Tapos na kaming magluto" sabi ni Ate Lucy

Nagsiupuan na sila at binati ako. Di ko sila pinansin dahil naiinis ako sa ginawang pambulabog nila sakin

Pagkahain nila Ate Lucy ay isa isa niyang binatukan sila Tristan

"Aray Ate! Para saan yun?" may halong inis na tanong ni Blaze

"Para yan sa pambubulabog niyo kay Kirsten. Tingnan niyo tuloy badmood" sabi niya kaya napatingin sila sakin

"Eh paano namin malalaman eh laging ganyan itsura niyan?" mahinang bulong ni Blaze na dinig na dinig namin

Tiningnan ko siya ng masama kaya natahimik siya. Nagulat siya ng batukan siya ng malakas ng ate niya kaya nauntog siya sa mesa

"Aray! Aray Ate!" maluha luha niyang sabia

"Tumahimik ka ngang bwiset ka!" sita sakanya ni Ate Lucy

"Oo na. Oo na" suko niya

"Oh siya tama na. Kumain na tayo" sabi ni Kuya kaya nagsimula na kaming magkainan

The Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon