TCP #38

3.8K 101 16
                                    

#38 Remembering The Pain

•~•~•~•~•~•~

Tristan's POV

"Tristan! Tristan!" dinig kong tawag sakin nung mga kabandmates ni Cess

Sakto hinahanap ko din si Cess

"Bakit? Nakita niyo ba si Cess?" tanong ko

"Yun nga. Kirsten just ran away after na marinig niya yung kinanta niya kanina" paliwanag niya

"Oh sh*t" sabay naming bigkas ni Neil

Napatakbo ako papuntang parking lot. Mabilis kong pinaandar yun at pumunta sa pinakamalapit na park. Alam kong dito siya pupunta

Pagkarating ko dun ay hinanap ko siya. I know na nandito siya. Naiwan niya yung kotse niya sa parking lot at ito lang ang pinakamalapit na park kaya sigurado akong dito ko siya makikita

And there she is

Nakita ko siyang nakaupo sa bench sa harap ng duyan. Tulala

Mabilis kong pinark yung kotse ko at bumaba kasabay nun ang pagbuhos ng malakas na ulan. Shit. Kinuha ko yung payong sa likod

"Cess! Cess!" sigaw ko at nilapitan siya

"Kirsten!" sigaw ko ulit at niyugyog ang balikat niya

Natauhan naman siya at tumingin sakin

"Tristan" mahina niyang sabi

Basang basa siya kaya wala ng magagawa ang pagpapayong ko sakanya

"Cess anong--" di ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla niya akong niyakap

Nabitawan ko yung payong kaya ngayon ay pareho na kaming basang basa sa ulan

"Kirsten" sabi ko at hinagod yung likod niya

Humagulgol siya ng iyak habang nakayakap sakin. She just break down

+++++

Zaya Kirsten's POV

Pagkadinig ko nung kanta ay di ko na kinaya. Tumakbo ako paalis. Ramdam ko ang mga luhang kumakawala sa mga mata ko

Di ko alam kung san ako dinala ng mga paa ko pero nakita ko nalang ang sarili ko sa isang park. Umupo ako sa isang bench kaharap ng duyan

Napatulala ako dun at naalala ang nakaraan

"Twinny! Lakasan mo pa hahaha" masayang sabi ng isang batang babae

Mahaba ang buhok nito at kita sa mukha ang pagiging masiyahin

Tawa ito ng tawa habang nagduduyan ng malakas

"Twinny hinaan mo na baka mahulog ka" saway naman sakanya ng isa pang batang babae

Katulad ng isa ay mahaba din ang buhok nito. Magkamukhang magkamukha silang dalawa. Ang pinagkaiba lang ay ang damit nila. Violet ang sa isa habang Pink sa isa

"Ano ka ba naman Twinny minsan ko lang to gawin noh. Saka babagalan ko naman kapag nandyan na si Yaya hihi" sabi niya sa kakambal niya

Natigil ako sa pagalala ng may yumugyog sa balikat ko

Nakita ko ang nagaalalang mga mata ni Tristan

"Tristan" mahina kong sabi

"Cess anong--" bago pa niya matapos ang sasabihi niya ay pinigil ko ito ng isang mahigpit na yakap

Kasabay nun paghagulgol ko. Ramdam ko ang pagkabasa naming dalawa. Dahil sa sobrang pagiisip ko ay di ko napansin na umuulan na pala

Ramdam ko ang paghagod niya sa likod ko para pakalmahin ako

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa lamunin ako ng kadiliman

-------

"Hey Twinny come wake up! It's already morning!" sigaw ng isang matinis na boses habang niyuyugyog ang balikat ng isang batang babae na natutulog

"Later Twinny I'm still sleepy" sabi naman ng isa

"Argh" umakyat sa kama ang isa at nagtatalun talon doon habang kumakanta

🎶"Are you sleeping?
Are you sleeping?
Twinny Louise!
Twinny Louise!

The morning bells are
ringing
The morning bells are
ringing
Come wake up
Come wake up🎶

Come on Twinny. Wake up now" malambing na sabi nito at hinalikan sa pisngi ang kakambal bago nahiga sa tabi nito ng mapagtantong wala itong balak na bumangon

Nagising ako na nasa kwarto ko na. Umupo ako at sumandal sa headboard. Nakatulala

Hanggang sa di ko namalayan tumutulo na ang mga luha ko

"Kirsten" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Kuya na nagaalalang nakatingin sakin "Anong nangyari? May problema ba? Sabihin mo kay Kuya" sabi niya na mas nagpaiyak sakin. Niyakap ko siya

"K-kuya" basag ang boses kong sabi. Patuloy lang ako sa pag iyak

"Kuya gusto ko na siyang kalimutan pero bakit di ko magawa? Matagal ko ng kinalimutan lahat ng alaala naming dalawa pero bakit bumabalik na naman?! Ayoko na siyang maalala kuya! Ayoko na!" sigaw ko "Ayoko ng maalala si Kristel Kuya!"

Kinalas niya ang yakap sakin bago ako hinarap. Hinawakan niya ang magkabila kong braso

"Kirsten! Kaya ba nagkakaganyan ka dahil kay Kristel? Kaya naging ganyan ang ugali mo? Tingin mo ba magugustuhan ni Kristel na nagiging ganyan ka dahil sa pagkawala niya? Hanggang ngayon ba di mo pa din matanggap na wala na siya?! Kirsten! Patay na si Kristel! Patay na ang kakambal mo! Tanggapin mo nalang Kirsten. Palayain mo na siya" sigaw niya sakin

"P-pero kuya di ko matanggap. Nangako siya sakin. Nangako siya Kuya na di niya ako iiwan pero tingnan mo ngayon iniwan niya ako Kuya! Di niya tinupad yung pangako niya sakin!" sigaw ko

"Kirsten. Alam mong mahirap sakanya yun. Alam mong pinipilit niya nalang mabuhay para makasama ka ng mas matagal. Alam mong may sakit siya at di na siya magtatagal. Kirsten it's been years! Just let her go! Let our sister go!" sigaw niya sakin pabalik

Dun naman ako natagilan at natauhan. Lalo akong napahagulgol. Lahat ng pinigilan ko nitomg nagdaang taon ay lumabas

"Bakit kasi napaka-unfair ng buhay. Bakit kasi sa dami ng tao siya pa yung kinuha. Pakiramdam ko nawala yung kalahati ko nung nawala siya Kuya. Matatanggap ko naman na mamamatay tayong lahat eh pero bakit maaga siyang kinuha? Bakit kailangang mamatay siya ng ganun kaaga? Di pa namin natutupad yung mga pangarap namin. Sabay pa naming lilibutin yung buong mundo. Ilang bansa palang napupuntahan namin pero bakit?! Lieza... bakit mo ako iniwan agad? Twinny ko?" umiiyak kong sabi

Ramdam ko ang pagyakap sakin ni Kuya. Umiiyak din siya pero pilit na nagpapakatatag para sakin

Alam kong mahirap di tanggapin sakanila nila Mommy ang pagkamatay ng kakambal ko pero pakiramdam ko mas masakit sakin dahil kalahati ko ang nawala

That's the reaspn I became this cold. Masakit masaktan. Masakit maiwan kaya I prevented everyone to come near me. Naglagay ako ng space sa pagitan nila at ako

"Kirsten. All you need to do know is to accept the fact that she is dead. That Zery Kristel Lieza, your Twinny, is dead" mahinahon na sabi ni Kuya

"Y-yes K-kuya"

"Gusto mo bang ipamaneho kita?" alok niya

"No I'm fine" sabi ko

Now all I need to do is to accept that my Twinny is dead

******

Thank you for reading!!! Hope you liked it!

The Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon