TCP #32

4.4K 121 26
                                    

#32 Stars Between Us

~•~•~•~•~•~•~•~

Someone's POV

Ganun pala ang nangyari sayo kaya ka nagkaganyan. Tsk alam kong dinibdib mo masyado ang pagkawala niya

Pasensya na kung wala ako sa tabi mo nung mga oras na kailangan mo ako. Pinangako ko sainyong dalawa na poprotektahan ko kayong dalawa pero ngayong wala na siya pinangako ko sa puntod niya na di na kita hahayang masaktan ulit

Nasa sementeryo ako ngayon at nakaupo sa harap ng lapida niya

Patawarin mo sana ako Kristel kung di ko siya naprotektahan sa sakit na naramdaman niya noon. Patawad kung di ko natupad ang pangako ko na poprotektahan ko siya pero ngayon muli kong ipapangako na babantayan ko siya at ilalayo sa kapamahakan

+++++++

Zaya Kirsten's POV

It's Saturday afternoon. Katatapos lang namin magpractice. Our last practice

Napagusapan kasi namin na ngayon nalang ang last practice para makapagpahinga nalang bukas. Sa monday na kasi ang laban namin kaya dapat ipreserve namin yung energy namin

And para na rin siguro para maglibang libang kasi nakakastress din yung ganito haha

Back to normal na ako ngayon

Naalala ko pa kahapon paguwi ko.

Flashback

Nasa sala si Kuya nun at nanonood ng tv ng bigla ko siya binati

"Good evening Kuya"

Gulat siyang napatingin sakin. Walang kaemosyo emosyon ko siyang tiningnan pero alam kong may nakikita siyang saya sa mukha ko. Mas lighten din ang mood ko ngayon na alam kong nahahalata niya

"K-kirsten? Ikaw ba yan? A-anong meron?" utal utal niyang sabi

Gusto kong tumawa pero ayoko. Oo alam kong gumaan ang pakiramdam ko pero di ko pa din ibabalik ang dating ako

Di ko nalang siya pinansin at umakyat sa kwarto para magbihis then bumaba ulit para magluto

Nagluto ako ng Chicken Curry na paborito ni Kuya at Ako. Paborito ko din to bukod sa bistek. Then nagbake din ako ng maliit na cake for desert

After kong magluto ay kumain na kami ni kuya. Ramdam ko yung kakaibang tingin niya sakin hayyys

Hinayaan ko nalang siya at tinapos yung pagkain ko then bumalik na ako sa taas

Tsk di muna ako papakita kay kuya ngayong gabi alam ko kasi ng sobrang naweweirduhan na siya sakin

*KINABUKASAN*

Maaga akong nagising medyo lighten pa din ang mood ko pero di na masyadong kagaya kahapon

Bumaba ako at nakitang wala pa si Kuya mukhang tulog pa. Normally si Kuya ang unang nagigising every weekend para maghanda ng breakfast

Si Kuya ang madalas magluto dito kahit na may maid kami. Nasanay kasi kami sa ganun tas kapag nandito si Mommy siya ang magluluto

Nagluto ako ng fried rice, bacon, hotdog at itlog for breakfast then kumain na

Pagtapos ko kumain ay umakyat na ako sa kwarto. Nakasalubong ko pa nga si Kuya ehh at alam kong magugulat na naman siya kapag nakita niyang may nakahain na

Nagkulong na ako sa kwarto ko hanggang sa mag 1 dahil aalis ako para sa practice

End of Flashback

Pag uwi ko ng bahay ay nadatnan kong nasa sala si Kuya kasama sila Ate Lucy, Kuya Piron at Kuya Hunter

Nakatingin silang lahat sakin pagpasok ko na parang may hinihintay akong gawin

Tiningnan ko lang sila ng malamig bago ako umakyat sa kwarto ko

"Ano bang sinasabi mo? Wala namang nagbago kay Kirsten eh ganun pa din--" yan lang ang nadinig kong sermon ni Ate Lucy kay Kuya bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko

Hayyys mukhang naibalita agad ni Kuya yung nangyari kala Ate Lucy tsk napakadaldal talaga nun

Humiga ako sa kama ko at tiningnan ang kisame ko hmm

Tumayo ako at pumunta sa balkonahe. Naglatag ako ng sapin at humiga ako dun

Ang ganda. Ang daming bituin

Itinaas ko ang kamay ko na parang naabot ko ang mga iyon

Natutuwa ako sa mga bituin kasi ang ganda nilang pagmasdan. Kahit na wala akong kaalam alam sa mga bituin

Nakatingin ka din kaya sa bituin katulad ko? Tristan?

Aissssshh! Bat ba si Tristan na naman iniisip ko? Medyo nawala na nga siya sa isip ko dahil sa pagiging abala ko sa practice pero ngayon bumabalik na naman

Pero napaisip ako pano kaya kung totoo yung sinabi ni Dra? Na... Inlove ako kay Tristan? Pero arggggh

'Ayoko natatakot ako' sabi ko nalang sa isip ko

++++++++

Tristan's POV

Nakahiga ako ngayon sa lapag ng balkonahe namin. Nakatingin sa langit. Sa mga bituin

Hayyys ilang araw ko ng di gaanong nakakausap at nakakasama si Cess. Busy kasi siya sa pagpapractice para sa laban nila at ganun din kami

Nasa dance club kasi ako kasama sila Harry, Kenjie at Lary tas kasama din sa grupo namin yung apat sa transferee. Kami yung isa sa  representative ng school para sa laban ng Dance Club

Habang nakatingin ako sa mga bituin ay naalala ko si Cess

Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nakatingin  din kaya siya sa bituin kagaya ko? Hayyyy

Cess mahal na mahal na talaga kita. Maghihintay ako hanggang sa magawa mo akong mahalin pabalik. At di ako papayag na maunahan ako ng Carlo na yun. Hinding hindi. Kahit na naging magkaibigan kayo dati

******

Thank you for reading!!!!!

Sorry po sa short update. Sana po nagustuhan niyo!!!

Sino kaya si Someone?

Sino si Kristel?

Unti unti ng narereveal ang mga nangyari kay Kirsten dati. Unti unti ding may lumalabas na misteryo haha
Sana po patuloy niyo akong suportahan! Salamat!

The Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon