TCP #20

6.2K 149 3
                                    

#20 Sorry

~•~•~•~•~•~•~•

Tristan's POV

Aish. Maaga kaming pumasok ng tropa para isurprise si Cess. Tsk kailangan patawarin niya kami ngayon at dapat mauna kami sa mga ungas na yun

Umalis kaagad kami ng tambayan pagkatapos magplano saka nagumpisa ng isagawa yung plano

Haha siguradong magugustuhan to ni Cess

"Hoy Tristan para kang baliw diyan. Tsk nakangiti ng mag-isa" sabi ni Dave habang umiiling iling pa

Hindi ko nalang siya pinansin at tiningnan yung oras. Antagal naman nung pinadeliver ko

"Sino po dito si Tristan Cross?" dinig kong sabi ng isang delivery boy

Nakita kong hawak na niya yung pinadeliver naming bulaklak. Ayos!

"Uy! Ang ganda naman nitong mga rose. Siguradong magugustuhan to ni Princess" sabi ni Kenjie at kinuha na yung mga rose na ibibigay niya kay Cess

Lahat kami magbibigay ng rose kay Cess. Si Neil hindi kasama dito dahil hindi galit si Cess sakanya. Tsk ang swerte niya naman ( ̄へ ̄)

Tutal wala naman siyang gagawin at hindi galit si Cess sakanya. Napagdesisyunan na siya ang bahala para makita ni Cess yung gagawin namin. Pero kasama pa rin siya sa surprise haha

******

Carlo's POV

"Okay alam niyo na yung gagawin diba?" tanong ko sa kanila

Nandito kami sa rooftop at nagpla-plano para hindi na magalit si Z samin. Si Christoff lang ang wala dito dahil siya ang naatasan para makita ni Z yung surprise namin

Mabuti pa siya. Hindi galit si Z sakanya (╥﹏╥)

"Tara mag-ayos na tayo bago pa tayo maunahan nung mga ugok" sabi ni Bryan kaya bumaba na kami at nag-umpisang mag-ayos

Mauuna kami sa inyo at hindi kami magpapatalo

*****

Zaya Kirsten's POV

"Tara na Princess" sabi ni Neil na kanina pa tingin ng tingin sa phone at relo niya

Problema nito?

"Wait" sabi ko at habang naglalagay sa plastik ng sandwich

Mag-aalmusal pa kasi ako pero ito si Neil at magmamadali tsk

Pagkatapos ko ay nauna na akong pumunta sa kotse niya. Sakanya nalang din ako sasabay pauwi

"Bakit ba nagmamadali ka?" bored kong tanong sakanya habang kumakain

"Basta" sabi niya at nagmaneho nalang

Pagdating namin sa school. Nakita ko na nagtatakbuhan yung mga tao papunta sa ewan

"Uyyy" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko sila Kuya na katabi na namin

"Anong meron?" tanong ni Ate Lucy

Nagkibit balikat lang si Neil habang ako ay di nagsalita. Maglalakad na sana ako sa opposite ng pinupuntahan nila pero bigla akong hinila ni Neil papunta doon. What the?! Wala na akong nagawa kasi nandoon na kami

Pagkakita palang samin ng mga tao ay nag-give way na sila

Nakita namin sila  Tristan at Carlo sa gitna. Anong meron?

Pagkakita nila sakin ay biglang may tumugtog

Playing: Sorry by Justin Bieber

Nag-umpisa silang sumayaw kaya nagtilian yung mga tao. What the?!

Sinasabayan din nila yung kanta habang nakatingin sakin. Anong pakulo to?

Aalis na sana ako ng bigla akong hawakan sa magkabilang balikat ni Neil at ni Christoff na bigla nalang sumusulpot at dinala sa harapan nila

"Wag ka namang umalis. Maaga silang naghanda para lang makapagsorry sayo" sabi ni Christoff

"Hindi ko kailangan ang sorry nila" sagot ko

"Ang mean mo naman" sabi ni Neil

"Yieehh. Grabe si lil' bro" dinig kong sabi ni Ate Lucy at pagtingin ko sakanya ay vinevideohan niya sila

"Ang swerte naman ni Zaya"

"Oo nga. Sinasayawan siya ng 14 na nag-gwagwapuhang lalaki para lang magsorry"

"Yieehh nakakakilig"

"Sorry. Is it too late now to say sorry? Yeah Yeah"

Pinanood ko lang sila hanggang sa matapos sila

"Sorry Zaya Kirsten Davis" sabay sabay nilang sabi

Lumapit naman sakin ang grupo nila Tristan at binigyan at ng mga bulaklak habang nagsosorry. Nanatili lang akong walang emosyon

Sunod naman sila Carlo na binigyan ako ng mga paper bag habang nagsosorry. Di ko alam kung ano yun kaya sinilip ko yung isa at nakita kong mga pagkain. Sweets

"Pasensya na di kasi namin alam gusto mo kaya iyan nalang binili namin" sabi ni Carlo habang kinakamot yung batok niya

"Cess bati na tayo. Please" sabi ni Tristan na sinundan ng iba

Tiningnan ko naman sila isa-isa sabay sabing "Okay" then naglakad na ako papuntang locker room. Dun ko muna to ilalagay

Tsk

                               ~*~

Nandito kami sa may cafeteria. Wala pa sila Car pero alam kong pupunta sila dito at hindi nga ako nagkamali dahil nandiyan na sila, naglalakad papunta dito

"Hi Kirsten" bati nila at umupo na pero si Car nakatayo pa din

"Hi Z" nakangiti niyang sabi pero mukha siyang kinakabahan tsk bakit? Nakakatakot ba ako masyado? Di sanay? Ganun?

"Z diba sinabi ko naman sayo kahapon na may balak akong manligaw sayo? At eto ako ngayon sa harap mo at nagtatanong kung pwede ba akong manligaw?" kinakabahang sabi niya at inabutan ako ng bouquet ng bulaklak

Oh! Kaya pala parang may tinatago siya

Tinanggap ko naman yung bulaklak dahil nakakahiya naman kung hindi ko tatanggapin. Nag-isip ako kunwari bago sumagot "Okay" bored kong sabi sabay harap sa pagkain ko

Nagsigawan naman yung mga tao sa cafeteria. Kinong-gratulate din siya pero nagulat ako ng hilahin niya ako patayo para yakapin

Napatingin ako kay Tristan na nakayukom ang kamao. Tsk nagseselos

Kumalas din ako sa yakap at umupo na. Tumabi naman siya sakin. So nasa kanan ko siya while si Tristan ay nasa kaliwa ko. Oh-kay?

Kumain nalang ako para mawala yung atensyon ko sakanila. Medyo naaakward-an kasi ako

After namin kumain ay bumalik na kami sa room para mag-klase

Mabilis lumipas ang oras at uwian na. Pumunta  ako sa locker para kunin yung mga bulaklak at sweets ko. Yum

Tsk nu bayan para namang valentines. Tsk matagal pa ang valentines andami ko ng ganto paano pa kaya kung valentines na? Magse-september palang nu ba!

Asan ba sila? Tsk ngayon ko lang naalala wala nga pala akong dalang kotse. Kainis naman si Neil oh. Sabing sakanya ako sasakay pero wala siya tsk

Kinuha ko yung phone ko para sana tawagan si Kuya pero lowbat na ako. Tsk san sila nagpunta? Anong silbi ng mga manliligaw ko kung wala sila tuwing kailangan ko? Joke masyadong abuse yun

Tsk magtataxi nalang ako. Dali dali akong lumabas ng school. Habang nag-aabang ng taxi ay may humintong kotse sa harap ko

Bumukas yung bintana at nakita ko si Carlo. Mabuti naman

"Z san ka? Sabay ka na sakin?" sabi niya at tinanguan ko nalang siya bilang tugon

Dali dali niya akong pinagbuksan ng pinto kaya pumasok na ako

Haayyy mabuti pa siya maihahatid ako. Nasan ba kasi si Neil. Sinabing sakanya ako sasabay eh. Tsk kainis lagot sakin bukas yun

*****
Thanks for reading!!!

The Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon