TCP #25

5.1K 131 28
                                    

#25 What????

~•~•~•~•~•~•~

Zaya Kirsten's POV

Pagbalik ko ng room ay tahimik lang akong umupo then tumingin sa labas ng bintana

Tsk nakakatamad. Tumayo nalang ako at kinuha yung mga gamit ko

"Princess san ka pupunta?" tanong ni Neil

Tiningnan ko siya ng bored na bored bago tipid na nagsalita "Bahay"

"Ha? Eh may klase pa" sabi niya pero naglakad na ako palabas

"Oh? Miss Davis san ka pupunta? Mag-uumpisa na ang klase ko ah?" bungad sakin ni Ma'am pagkalabas ko

"Masama po pakiramdam ko" walang emosyon kong sabi

"Ah? Okay? Sige I will excuse you in my class" medyo napipilitang sabi niya

Alam niya din naman kasing di niya ako mapipigilan kaya pumayag nalang siya

Naglakad na ako paalis then kinuha ko yung earphones ko at sinuot saka nagpatugtog

Half truth at half lie yung sinabi ko kanina. Truth na masama ang pakiramdam ko dahil sa nangyayari sakin pero alam kong hindi yun excuse kaya lie na din siya

Tungkol naman sa sinabi ko kay Neil half lie and half truth din. Lie na hindi ako uuwi sa bahay dahil sa ospital ang diretso ko baka kasi may sakit ako di ko nalalaman. Truth na pagkatapos ko sa ospital ay uuwi ako

So pagkasakay ko sa kotse ko ay pumunta na akong ospital. Pagkarating ko dun ay medyo pinagtitinginan pa ako dahil naka-uniform pa ako at oras ng klase pero di ko na sila pinansin at dumiretso sa opisina ni Dra. Reyes

Private doctor ng pamilya namoin. Pagkarating ko dun ay kumatok agad ako

"Come in" dinig kong sabi mula sa loob "Oh Ms. Davis. Napadalaw ka?" sabi niya at tinabi ang mga papel na tinitingnan niya

Umupo ako at tiningnan siya bago seryosong sumagot

"Dok di ko alam pero bumibilis ang tibok ng puso ko. Kahapon pa po to ganito. Dok may sakit po ba ako?" seryoso at walang emosyon kong tanong sakanya

Napatulala naman si Dok sakin at inayos yung salamin niya

"Wow ngayon lang kita narinig na magsalita ng ganyan kahaba simula ng mamatay--" pinutol ko na yung sasabihin niya bago pa siya may masabing iba

"Hindi ganyang sagot ang kailangan ko" may halong inis kong sabi

Matagal na namin siya doktor sa pamilya. Buhay pa si Lolo Alexander at bago pa kami maipanganak kaya marami din siyang alam samin

"Ah sorry. Hija didiretsahin na kita" pambibitin niya saka ako tiningnan ng seryoso

"Sa iisang tao mo lang ba nararamdaman yan?" napakunot ang noo ko dahil doon. Pano niya nalaman?

"Opo"

"Gwapo? Mayaman?" lalong napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya kaya kahit nag-aalangan ay sumagot pa din ako

"Opo"

"Naku!"

Seryoso akong tumingin sakanya at parang batang inabangan ang sasabihin niya

"Hija......."

"Ano po?" inip at inis kong tanong

Di na ako makapaghintay bakit kasi binibitin ako ng lalaking to?

"Hija... Inlove ka na hija. Naku napakaswerte naman ng lalaking yan. Sabagay swerte ka din kasi sabi mo nga gwapo at mayaman din siya--" di ko na narinig pa kung anong sinasabi niya dahil natigilan ako

Para akong nabingi at nagpapa-ulit-ulit sa utak ko yung sinabi niya

"Hija.... Inlove ka na"

"Hija.... Inlove ka na"

"Inlove ka na"

"Inlove"

Whaaaaaattttt???!!!

Inlove???!!!!

The heck???!!!!!

K-kay Tristan? Ako? Inlove? Inlove ako kay Tristan? I-imposible

Eewwwww

Kahit na gwapo at mayaman siya hindi pa rin ako magkakagusto sakanya. Mayabang siya at nakakainis kaya ayoko sakanya

At isa pa kaibigan lang ang turing ko sakanya

"Ah sige po" sabi ko at umalis na

"Sandali---" di ko na narinig yung sinabi niya dahil nakalabas na ako

The Heck?!

Inlove ako? Tsk walang kwenta. Kalokohan

Di ko alam kung paano ako nakauwi ng lutang. Di mawala sa isip ko yung sinabi ni Dr. Reyes tsk

"Oh? Aga mo ah? Wala ka ng klase?" dinig kong tanong ni Kuya na nakaupo sa sala habang nanonood. Di ko siya pinansin at umakyat na sa kwarto ko

Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Nakatulala lang ako

This is unbelievable. I can't believe it! Ako? Inlove? At lalo na sa Tristan na yun? Never!

****

Kristian's POV (Kuya ni Kirsten)

Ano kayang problema nun? Di manlang napansin ang gwapo niyang Kuya tsk tsk

Ako nga pala si Ryako Kristian ang pinakagwapong Kuya ni Kirsten. Nag-aaral ako sa college part ng Alcantara University at kasalukuyang 4th year college sa kursong Business Management

Malamang sa alamang nagcutting ang babaeng yun. Tsk tamad talaga porket matalino eh. Bakit siya biniyayaan ng sobrang katalinuhan? Ako konti lang😭 di ba pwedeng share-an niya ako kahit konting katalinuhan lang? Para naman mainlove sakin si Lucy-- ayyy nadulas ako tsk alam niyo na tuloy tsk tsk

Complicated ang status ko pero single pa rin. Hirap nga ng situation ko eh kasi ganito yun. May mahal na iba yung taong mahal ko. Ganyan ka complicated tsk

Porket ba matalino siya? At ako konti lang? Lamang naman ako ng kagwapuhan sakanya ah? I mean maganda siya pero mas lamang ako. Mas gwapo ako!

Ayt! Andrama ko tsk siguradong kapag narinig ako ng magaling kong kapatid ay sermunan ako nun. Ayaw pa naman nun ng madrama tsk tsk

Makapagluto na nga lang. Pumunta ako ng kusina pero nagulat ako ng makita ko si Kirsten doon

Teka diba umakyat siya sa kwarto niya? Bakit nandito to?

Kasalukuyan niyang nilalagay yung ginawa niyang cake sa ref at naghahalo ng mixture ng brownies

Tsk tsk siguradong may problema to. Madalang kasi yang magluto ng madaming desert. Isahan lang pero kung may problema o stressed yan ay madami ang lulutuin tsk

Umupo nalang ako sa stool at pinanood siyang magluto. Ayos to libreng pagkain. Di ko na kailangan pang mapagod para lang magluto

Nang maibake niya na yung brownies ay cookies naman. Then ng matapos yung cake ay inayusan niya na tsk

Pagkatapos ng halos kalahating oras ay natapos na siya. Naiayos niya na rin yung mga binake niya

"Problema?" tanong ko pero di niya ako pinansin at kumain ng cake

Nagkibit balikat naman ako at kumuha na din ng cake saka kumain. Hmmm sarap!😍

*****
Thanks for reading!!!

Ngayon na po ako na-ud kasi baka di ako makapag-update bukas😊

Lee Jung Suk as Ryako Kristian Davis, older brother ni Kirsten. Nasa media po😊

As you can see po may mga sinabing details si Kristian. Nagbigay siya ng info about sa binabalak kong story. Pero medyo matagal pa po yun dahil after pa nito at ng The Five Of Us (na di ko sure kung matutuloy ko pa) Siguro by next year. Sana po ay suportahan niyo din po iyon at ang iba ko pa pong stories na balak isusulat. So yun lang po. Hope you like this chapter😊

Please vote and leave a comment😊

The Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon