"Hi Shiela!""Yow! Mark!"
"Oi! Kumusta ka na Jane?"
"Saan ka na naman ba maglalakwatsa, Joross?!"
"Ang landi talaga ng Ashley na yan!"
"Hello cutie-patotie Snow...Ang cute talaga ng pusa mo"
"Choco, sit! Very good doggy"
Hay, nakakainggit sila. Unang tawag palang, alam mo na kung sino ang kinakausap nila. Hindi na nila kailangan pang kulbitin ang balikat ng taong gusto nilang kausapin. Hindi na nila kailangan pang lapitan ang tao para lang ipaalam na tinatawag mo sila. Higit sa lahat, may mga pangalan sila na hindi nila ikinahihiyang tawagin sila sa pangalan nila o pangalan na ka weirduhan.
"Sshh"
Heto ako ngayon, nakaupo lang naman dito sa park. Nakahalumbaba lang habang pinapanood ang mga tao't hayop sa aking paligid na masasaya. Ako, nakatulala lang at parang pasan lagi ang daigdig.
"Sshh!"
Ang sakit lang isipin kasi kahit wala kang ginagawa, di naman bumubuka ang bibig ko mula pa kanina, parang pinapatahimik ako rito. Isipan ko na nga lang ang pinagsasalita ko, parang ingay-ingay ko pa din para sa kanila. Kung iisipin, ang ingay-ingay ng park pero sinisita ako rito na wala namang ginagawang masama.
"SSHH!!!!!"
"Oo na!! Nandyan na nga sabe!!! Nakatayo na ako oh!"
"Mommy, mommy, bakit po nya tayo pinapatahimik?"
"Hindi ko rin alam anak. Nasa park naman tayo, wala sa library. Umalis na lang tayo rito, baka may problema ang babaeng yan."
"GRRR! Kaya ayaw na ayaw kong tawagin ka eh! Lagi akong napapahiya! Sa susunod kapag tinatawag kita, makinig ka agad para naman di ako magmukhang ewan!"
"Oh! Chill lang, chill, pasensya. Eh sa di talaga kita agad narinig eh. Malay ko ba na tinatawag pala ako."
"Palitan mo na kasi yang pangalan mo! Di lang ikaw nahihirapan dyan, nahihirapan din kaming tumatawag sayo!"
"Kasalanan ko bang pinaglihi ako sa Li-bra-ry... Lagi akong observe silence!", sabay kindat at akbay ko sa bestfriend kong si Lucy.
Nakakahiya man pong aminin pero kailangan kong magpakilala sa inyo ng pormal.
Ako nga po pala si Sshh Reynes, 24 years old, nagtatrabaho sa isang coffe shop kasama ang bestfriend kong si Lucy Doniz.
Halatang nagtataka kayo o natatawa o na we-weirduhan kayo sa pangalan ko. Pareho lang tayo! Kung isang pikit lang sana ang pagpapalit ng pangalan, matagal ko na itong pinalitan. It's a very long long story kung bakit naging "Sshh" ang aking pangalan. Pagtiisan nyo na lang. Sanayan lang yan! Nasanay na akong nabubuhay sa mundong ito na pinagkaitan ng pangalan.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Character's attitude, behaviour, career or likes and alikes are inspired by Mystic Messenger's Characters.
Story Plot is original, created by my own imagination.
All Rights Reserved. Copyrights. © 2017
BINABASA MO ANG
I Am Nameless
RomanceA girl who unfortunately named as Sshh Reynes, 24 years old, is working in a coffee shop together with her bestfriend Lucy. Unexpectedly, she will meet Geo Hwang, a rising K-Pop superstar in Korea and half blodded korean businessman Andrei Hwang who...