IAN.04

34 10 2
                                        

Sshh's POV

Kainis! Kainis talaga! Nakakainis! Gggrrrrr!!! Hindi naman sa hindi ako animal lover pero naiinis talaga ako sa pusang ito! Para akong taong grasa sa itsura't amoy ko ngayon! Bakit ba sunod-sunod ang kamalasan ko ngayon? Kahapon pa hanggang ngayon!

Tumayo na ako nang maramdaman kong okay na ang pwet ko, hindi na masakit. Inayos ko ang sarili ko kahit obvious naman na hindi maaayos ang sarili ko hangga't hindi ako naliligo dahil sa sobrang dumi ko at baho ko.

Nasaan na ba ang pusang iyon? Bat biglang nawala rito sa harap ko? Hmp! Naramdaman siguro nyang galit ako sa kanya kaya umalis. Tsk-tsk-tsk, hindi ako papayag na hindi ko mahuli ang pusang yun! Halatang mamahalin kaya huhulihin ko sya at ibebenta para mabayaran nya ang ginawa nya sa akin! Hindi ko na kasalanan kung may naghahanap man sa kanya! Problema na nila yun dahil pabaya silang amo! Hinahayaan lang nilang gumagala-gala ang hayop nila at makapangperwisyo ng ibang tao!

"meow~~~"

Ayun sya! Pagkakataon ko na tong mahuli ang pusang ito habang busy sya sa pagdidila ng sarili nya. Sira ulo talaga ang pusang ito, dinidilaan ba naman ang sarili kahit galing sya sa basurahan! Wala talagang good manners at right conduct may-ari nito!

Dahan-dahan kong nilapitan ang pusa. Baka tumakbo na naman ito at matakasan ako. Sayang ang magiging pera ko pag nabenta ko ang pusang ito. Malaki-laki ang magiging pera ko dahil mamahaling pusang ito.

"Huli ka!!!"

"MEOW!"

"Oh! Oh! Wag kang malikot! Hindi naman kita sasaktan noh kahit ginawa mo sakin 'to."

Hinimas-himas ko ang ulo ng pusa. Naging kalmado rin sya. Halatang nagugustohan nya ang paghihimas-himas ko sa kanya dahil hinihimas rin nya ang ulo nya sa kamay ko. Napangiti ako ng malaki.

"Sweet ka rin naman pala. Kahit pangit ang simula ng pagtatagpo natin, hindi na rin masama dahil ang sweet at cute mo."

"Meow~", sabay tingin sa akin.

"Ang cute-cute mo talaga. Ang sarap siguro mag-alaga ng pusa o kahit aso. Wala kasi akong kasama sa apartment. Wala na kasi akong mga magulang at mga kapatid kaya medyo lonely ang buhay ko.", habang patuloy ko syang hinihimas-himas.

"Hmmm, hindi naman ganun ka lonely kasi may bestfriend ako, si Lucy. Kaya kahit papano, para na ring may kapatid ako. Pero, mag-isa pa rin ako sa apartment ko. Ano kaya kung...", habang karga-karga ko ang pusa at nagsasalita ako, dahan-dahan naman akong naglalakad papalabas ng bakuran.

Napahinto ako bigla sa may pintuan ng bakuran ng coffee shop.

"Kung... ampunin na lang kaya kita?"

"meow...?"

"Wala kasi akong budget pambili ng sarili kong pet kahit matagal ko nang gustong magkaroon ng alaga. Ayaw ko na ring ibenta ka dahil sayang, minsan lang ako makakakita ng pusang gaya mo. Hindi naman importante talaga sa akin ang pera at ayaw kong mapunta ka sa iba dahil baka may gawin silang hindi maganda sayo."

Tumigil ako sa pagsasalita. Malalim kong iniisip ang pinagsasabi ko at tagal kong na realize na tama ako.

"TAMA!!!"

"MEEOOOWWWW!!!!!"

"Woah! Aray! Aray!"

Aray... Ang sakit ng noo ko... Nagulat ko ata ang pusa kaya napasigaw sya at napatalon ng di oras. Mabuti na lang nasalo ko pa rin sya.

Hawak-hawak ko sya sa tyan nya sa kanang kamay ko habang hawak naman ng kaliwang kamay ko ang noo ko. Ang sakit-sakit talaga ng noo ko... Nabukulan ata ako sa lakas ng impact ng pintuan sa noo ko...

I Am NamelessMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon