Andrei's POV
Siguro naman hindi na sya magagalit sa akin dahil hindi ko na inenglish yun.
"Anong sabi mo??!!!"
Tinitigan ko lang sya.
Ba't ganun? Bakit galit pa rin sya? Hindi ko maintindihan ang babaeng ito.
"Earlier, I talked in english, you're mad. Tinagalog ko na, galit ka pa rin. Ano ba ang gusto mo para pakawalan mo lang si Snow White?"
"Kung makapagsalita ka dyan na pakawalan ko itong pusa mo--"
"Snow White..."
"PUSA MO! Parang kinidnap ko ito ah!"
Napayuko ko na lang ang ulo ko. Hindi ako makapaniwala na ang dami-daming sinasabi ng babaeng ito. Ang gusto ko lang naman ay makuha si Snow White sa kanya.
"Bagay nga sayo yang blangkong expression ng mukha mo dahil mas malamig pa yang pagmumukha mo sa yelo at siguradong napakamanhid ng puso mo! Ikaw ang perfect example sa kantang pusong bato!"
Napatigil bigla ang mundo ko.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kong ano ang i-re-react ko. Sa puntong ito, seryoso ako.
Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo at tinitigan ko sya ng seryoso.
"A-anong nangyari kay Mr. Hwang? Bat biglang nag-iba ang expression nya?", tanong ng assistant ko sa isa sa mga security ko.
"A-ano?! Si-sinabi nya yun???"
Sa sobrang seryoso ko, hindi ko na namalayan na lumapit na pala ang assistant ko sa amin.
"M-Mr. Hwang..."
"Teka! I-ikaw yung 26 years old na namintang at sinigawan ako kahapon ah?!", habang nakaturo ang daliri nya sa assistant ko.
"O-oo... Ako nga! Bakit?"
"Anong bakit? Pinagalitan lang naman ako ng manager ko kahapon at muntik pa akong mawalan ng trabaho! Na mawala sa coffee shop na ito! Hindi mo alam kung gaano kaimportante ang pagta-trabaho ko rito sa coffee shop na ito at dahil sa maling akala mo muntik pa akong mapatalsik! Oo! Customer is always right BUT NOT ALL THE TIME! Wag kayong abuser sa linyang iyon dahil NOT ALL THE TIME RIGHT KAYO!!!", hiningal na sya sa galit.
"Huh! Ano bang problema mo? Customer nga ako di ba? Kaya may karapatan akong mag reklamo! Malay ko ba kung--"
"Ano??!!!"
Sininyasan ko ang assistant ko para pigilan na syang magsalita.
"So-sorry po, Mr. Hwang."
"Pagkakataon nga naman oh... Magkakakilala lang kayong lahat. Kayong lahat kasama na ang pusang ito na nagbibigay ng kamalasan sa buhay ko ngayon..."
"For the last time, let my Snow White go..", habang tinitigan ko sya ng seryoso.
"Hmp! Grabe, para ka talagang walang puso. Pinagpipilitan mo talaga na kinuha o kinidnap ko talaga itong pusa mo sayo. Alam mo? Ang gwapo-gwapo mo pero bato ang puso mo."
Napapikit ako sabay hinga ng malalim. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko dahil ayaw kong may gawin sa babaeng ito at ayaw kong makasalimuha ang babaeng ito. Walang alam ang babaeng ito sa buhay ko at ayaw ko ring sayangin ang oras at expression ko sa kanya. Pero, hindi ko rin palalagpasin ang ginagawa nya.
"ANONG NANGYAYARI DITO?! ANONG KAGULOHAN 'TO?! SINO KAYO?!!"
"Manager Tsu!"
"Shella!"
BINABASA MO ANG
I Am Nameless
RomanceA girl who unfortunately named as Sshh Reynes, 24 years old, is working in a coffee shop together with her bestfriend Lucy. Unexpectedly, she will meet Geo Hwang, a rising K-Pop superstar in Korea and half blodded korean businessman Andrei Hwang who...
