IAN.02

41 11 2
                                    

Andrei's POV

"Ma, aalis na po ako"

"Sobrang aga mo naman anak. Ayaw mo ba akong makasama ng mas matagal?"

"Of course not, Ma. May mga important clients kasi kami today kaya kailangan kong mag ready"

"Ako? Hindi ba ako isa sa mga important clients mo?"

"Ano ba yang pinagsasabi mo, Ma? Of course you're not my client, you're my most important Mom"

"Ay sus! Kumain ka na ba?"

"I'm fine, Ma. Sa office na ako kakain."

"No! I should atleast cook you a breakfast."

"Wag na, Ma. I'm fine. Aalis na ako."

"No no no... You wait there."

"Wag na nga, Ma."

"Hindi, sandali lang ito."

"MA!"

Bakit ganito? Bakit hindi ako makagalaw?

"MOM! COME BACK HERE! MOM!!!"

Kailangan ko syang sundan. Kailangan kong sundan ang mama ko. Hindi sya pwedeng pumunta sa kusina!

"SAGUTIN MO KO MA! MA!!!"

Unti-unti na akong nakakagalaw. Dahan-dahan akong pumunta sa kusina hanggang sa tuluyan na akong makagalaw ng maayos at tumakbo na ako papunta kay mama.

Nagulat na lang ako na may maraming tao sa kusina namin.

"Si-sino kayo? A-anong ginagawa nyo rito?"

"Oi! Hijo, hindi ka pwede rito. Dun ka nalang sa labas maghintay."

"Teka! Ba't kayo nandito?! Ba't may mga pulis? Ano ba ang nangyayari dito?!"

"Lumabas ka muna hijo habang nag-iimbestiga pa kami rito."

"Ano?! Bat kayo mag-iimbestiga dito sa bahay ko?!"

"Hindi mo ba alam? Nagpakamatay ang mama mo."

"A-a-anong sabi mo?"

"Patay na ang mama mo."

"No-no-no... Hi-hindi totoo yan..."

"Patay na ang mama mo..."

"Hi-hindi totoo yang sinasabi mo..."

"Patay na ang mama mo!"

"Hindi yan totoo!"

"PATAY NA ANG MAMA MO!"

"SINUNGALING KA!!"

"ANAAAAAK!!!!!"

"MAMA! MAMA!!!!!"

"Mr. Hwang! Mr. Hwang!"

"MA!"

"Mr. Hwang! Okay lang ba kayo?"

"A-anong nangyari?", habang mabilis ang aking paghinga. Ang sikip ng dibdib ko. Grabe ang sakit na nararamdaman ko kaya napahawak ako sa aking dibdib.

"Mukhang napanaginipan nyo na naman po ang mama mo, Mr. Hwang."

Huminga ako ng malalim. Napayuko na lang ako sa aking mesa at napahawak nalang ako sa aking ulo. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa aking upuan dito sa opisina.

I Am NamelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon