Sshh's POV
Sobrang himbing ng tulog ko. Ninanamnam ko ang bawat segundo ng aking pagtulog. Sobrang bigat ng katawan ko dahil sa mga nangyari sa akin kahapon. Iniisip ko baka umabsent na lang muna ako ngayon. Gusto kong matulog ng buong araw ngayon para naman mabawi ko ang buo kong lakas.
Maya-maya, biglang tumunog ang cellphone ko.
"Ano ba yan... Isturbo naman sa tulog ko... Hindi naman ako nag-set ng alarm...", habang nakahiga ako sa kama.
Pilit kong inaabot ang cellphone ko habang nakapikit pa rin ang mga mata ko para patahimikin ito. Nung nakuha ko na ay pinatay ko agad ang tunog at sa kama ko na lang inilagay ang cellphone ko para makatulog ulit.
Mga 5minutes siguro ang lumipas, tumunog ulit ang phone ko kaya medyo naiinis na ako.
"Ano ba! Magpatulog ka nga cellphone ka! Wag mo na nga dagdagan ang pagod ko...", habang nakapikit pa rin ako at pinatay ulit ang tunog ng cellphone ko.
Wala pang tatlong segundo, tumunog ulit ang cellphone ko kaya sa sobrang inis ko ay kinuha ko ang cellphone ko at parang baliw na sinasakal ito!
"KUNG AYAW MONG TUMAHIMIK, MAGPATULOG KA NG TAO!!!"
"ANONG SABI MO?!"
"HESUS MARYOSEP SANTISIMA!"
Naitapon ko agad-agad ang cellphone ko sa kama.
Nababaliw na ba ako? Na-nagsalita ang cellphone ko???
Hindi, hindi, guni-guni ko lang yun. Pagod lang ako kaya kung ano-ano na lang nai-imagine ko..
Nagtago ako sa ilalim ng kumot ko, pumikit ako at nagtabon ng tenga.
Diyos ko po, ano na ba ang nangyayari sa akin...
"Our father in heaven, holy be thy name. Thy kingdom come--", habang nanginginig at nanlalamig ako sa takot.
"HOOOOOY!!!!!"
"HAH! HAIL MARY FULL OF GRACE THE LORD IS WITH YOU--"
"SASAGUTIN MO BA AKO SHINE O HINDI?!"
"MAAA! MAMA KOOO!! SINONG SHINE?! HUHU!"
"HELLO?! HELLO?!!"
"HELLO! HELLO RAW! Ha? Hello?"
Napaisip ako bigla.
Hello?
Lumabas ako sa pagtatago ko sa kumot ko at inayos-ayos ang aking sarili dahil ramdam na ramdam ko na buhaghag na ang aking buhok at pinagpapawisan na ako. Pagkatapos ay dahan-dahan kong kinuha ang aking cellphone. Napapikit pa ako bigla nung nahawakan ko na ang aking cellphone. Habang nakapikit ako ay dahan-dahan kong inilapit sa akin ang cellphone ko at dahan-dahan kong minumulat ang mata ko.
"HOY SHIIIIINE!!!!!"
"Ay! Kabayong bakla!"
"Sinong bakla?! Ako ba ay pinagloloko mo?! Ha?!!"
Napabuntong hininga na lang ako. Napapraning na talaga ako. Kaya pala tunog ng tunog itong cellphone ko ay may tumatawag pala. Hahaha! Nababaliw ka na talaga Sshh! Parang adik lang... Wala eh, wala akong sapat na pahinga kaya kung ano-ano na lang ang iniisip ko.
Sa sobrang pagod ko, di ko na namalayan na may tumatawag pala sa phone ko at imbis na patayin ko raw ang alarm na wala namang naka set na alarm, nasagot ko pala ang tawag sa phone ko.
"ANO BA?! SASAGUTIN MO BA AKO O HINDI?!!"
"Ma-manager Tsu?"
"Ayun! Salamat naman at sinagot mo rin ako sa wakas! Akala ko, ica-career mo na yang pagiging 'sshh-sshh' mo!"
BINABASA MO ANG
I Am Nameless
RomansaA girl who unfortunately named as Sshh Reynes, 24 years old, is working in a coffee shop together with her bestfriend Lucy. Unexpectedly, she will meet Geo Hwang, a rising K-Pop superstar in Korea and half blodded korean businessman Andrei Hwang who...