Sshh's POV
"Che-che! Che-che! Che-che!"
"Sshh nga po, Manager.."
"I don't care! I don't care! I don't care!"
"Pero nasabi nyo nga ng tama kanina--"
"I DON'T CARE!!!!!"
"O-oo nga po, oo nga po..."
Grabe... Katakot naman itong si Manager ngayon. Sanay na akong makita syang nagagalit o pinapagalitan ako palagi pero ibang-iba ang galit nya ngayon.
Ano ba talaga problema ni Manager? Dapat nga, ako yung pinagtanggol nya kanina dahil ako yung na-agrabyado ng pusong batong lalaking yun at ako dapat ang may karapatang pagalitan sya dahil pumayag syang magtrabaho ako sa manhid na taong yun!
"Mabuti na lang talaga! Mabuti na lang talaga na mabait na tao si Mr. Hwang dahil kung hindi, nakakulong ka na ngayon at nakasara na itong coffee shop ng dahil sayo!", sabay turo ng kanyang daliri sa aking mukha.
"Mabuti? Anong mabuti dun Manager? Eh, mas okay pa ngang makulong kesa pagsilbihan yung lalaking yun! Ni katiting na bait, wala sya nun noh!"
"Ah talaga? Sige! Tatawagan ko agad si Mr. Hwang para ipakulong ka ngayon din para naman hindi na rin ako nagtitiis sayo!"
"Okay! Atleast, kahit nakakulong na ako, wala na rin itong coffee shop sa'yo gaya ng sabi nyo...", sabay crossed-arms ako
"Ha! Ako talaga ang tinatakot mo? Tandaan mo! Tayong dalawa ang nag agree kay Mr. Hwang! Kaya paghumindi ka, makukulong ka pero open pa rin itong coffee shop ko dahil ikaw lang ang hindi tumupad sa kasunduan...", sabay smirk sa akin.
Napalunok ako ng di oras nun ahh... Bwiset, talagang wala akong takas sa dalawang ito. Okay na sana eh na si Manager Tsu lang ka-engkwentro ko palagi. Dumating pa talaga ang taong yun at nagsanib-pwersa pa talaga sila! Si Goku at Vegetta ata ang dalawang ito kaya nag-fusion ng di-oras!
Kaya, dahan-dahan kong ibinaba ang dalawang kamay ko papunta sa bulsa ko.
"Oh? Ano? Tatawag pa ba ako?"
"Hindi na po kailangan...", pilit kong sagot.
"Ayun! Tapos ang usapan! Sa loob ng isang buwan, magtatrabaho ka kay Mr. Hwang. Sasabihin ko sa kanya, limang araw ka sa kanya magtatrabaho sa loob ng isang linggo, isang araw para sakin para may day.off ka pa rin. Pasalamat ka, mabait pa rin ako sa'yo kahit binabastos mo ako."
"Eh! Manager naman kasi... Sapat na po kasi sa akin ang pagtatrabaho dito sa coffee shop. Hindi ko na kailangan ng isa pang trabaho....."
"Manager mo pa rin ako kaya ako ang masusunod! Kasalanan mo rin kung bakit nangyayari ito ngayon sayo!"
"Eh, hindi ko nga kinatnip yung pusa nya!"
"Ssh! Ssh! Ssh!"
"Tinatawag mo ba ako Manager o pinapatahimik mo ako?"
"GRRR! PINAPATAHIMIK KITA! BWISET! LUMAYAS KA NA NGA! Pinapainit mo lalo ang dugo ko! Layas!"
"Akala ko pa naman--"
"LABAAAAAS!!!!!"
"O-opo! Opo! Eto na! Lalabas na ako."
Lumabas na agad ako ng opisina ni Manager. Ramdam na ramdam ko pa rin ang init ng dugo ni Manager sa akin. Talagang kakaiba si Manager ngayon. Nakalimutan ko tuloy itanong kung sino ba talaga ang lalaking iyon kung bakit ganun na lang sya kung makapag-galang sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Am Nameless
RomanceA girl who unfortunately named as Sshh Reynes, 24 years old, is working in a coffee shop together with her bestfriend Lucy. Unexpectedly, she will meet Geo Hwang, a rising K-Pop superstar in Korea and half blodded korean businessman Andrei Hwang who...
