IAN.01

45 10 0
                                    

Sshh's POV

Natapos na ang 15 minutes break namin ng bestfriend ko kaya bumalik na agad kami sa Coffee shop. Sinuot namin agad ang aming apron at sabay nginitian ang kakapasok lang namin na customer.

"Welcome to Sweet Cup Coffee! The perfect place to make your bitter day, sweeter! What would you like to order?", sabay naming bati ni Lucy sa aming customer.

"May isa pang customer. Ikaw na ang bahala dyan, Sshh", bulong ni Lucy sa akin.

"Sige. Ahm, ma'am? Would you like to order something?"

Nakatitig lang ang customer naming babae sa akin. Para bang yung titig nya ay may halong galit at pagtataka habang ako naman ay nakatitig rin sa kanya ng may pagtataka dahil hindi pa rin sya umo-order.

"Ma'am? O-okay lang ba kayo?"

Bigla nya akong pinandilatan ng mata habang nakahawak ang kaliwang kamay nya sa eyeglasses nya. Napadilat din ako ng di oras sa kanya.

"Do we have any problem here?", medyo mataray na tanong nya sa akin habang ako ay medyo kinakabahan na nagtataka kung ano bang problema nya.

"N-no-no ma'am! No..."

"Bat kayo nagbubulongan ng kasama mo...", sabay turo kay Lucy,"At may kasama pang, shh-shh? Magtsi-tsismisan na lang kayo, sobrang obvious pa at sa customer nyo pa?!"

"Naku! Naku! Naku ma'am, nagkakamali po kayo. Hindi ka po namin pinagtsi-tsisman ng bestfriend ko. Hi-hindi nyo po naiintindihan"

"Here's your coffee sir. Enjoy your day!", lumapit agad sa akin si Lucy pagkatapos nyang maibigay ang order ng isa naming customer.

"Ahm, excuse ma'am. Makikisabat lang."

"ANO?!"

Naku! Lagot na talaga kami ni Lucy nito. Pagagalitan na naman kami ulit nito ni Manager. Juskolored.....

"Chill lang ma'am, chill. Sayang po ang ganda nyo po at desente ninyong damit kung maiistress kayo ng sobra."

"Oo nga po ma'am. Tingin ko nasa 26 years old pa lang kayo pero magmumukha po kayong 46 pagnagagalit kayo ng ganyan"

"Sino ba ang hindi magagalit sa masamang gawain nyo?! At oo! 26 pa lang ako!"

Ang galing manghula ng edad itong bestfriend ko ah.

"Wag na po kayong magalit sa bestfriend ko, ma'am. Ang ibinulong ko lang naman po sa kanya kanina eh sya na po bahala mag-asikaso sa inyo dahil may isa pang customer na dumating", mahinahong sabi ni Lucy sa aming customer habang ako ay nanlalamig na at namamawis.

"Kung ganun, bat may pa shh-shh pa kayong nalalaman? Ha?!"

"Eh kasi po ma'am, maniwala man kayo o sa hindi, ano po kasi...ano...ahmm...", hindi na talaga ako mapakali plus nahihiya pa ako.

"ANO?!!"

"ANG PANGALAN KO PO KASI AY SSHH REYNES KAYA TAMA PO ANG IYONG NARINIG KANINA SSHH KASI SSHH PO ANG AKING PANGALAN KAYA WAG NYO NA PONG ULIT-ULITIN ANG PAGBANGGIT SA AKING PANGALAN KASI YUNG SHINI-SSHH-SSHH NYO PO AY PANGALAN KO PO AT NA A-AWKWARD NA PO AKO SOBRA AT YUN PO ANG TOTOO SSHH PO ANG AKING PANGALAN SSHH REYNES 24 YEARS OLD!", sigaw ko habang nakapikit ako at nakahawak ng mahigpit sa apron ko.

Habang nakapikit at nagsasalita ako, pakiramdam ko parang nawala ang kaluluwa ko sa aking katawan. Parang nakalutang lang ako sa hangin na hindi alam kung ano ang gagawin, kung saan ako dadalhin ng hangin na parang ang payapa ng lugar at sobrang tahimik.

Maya-maya, napabuntong hininga na lang ako kasi nagbalik-loob na sa aking katawan ang aking kaluluwa at napagtanto kong nagta-trabaho ako ngayon at may isang customer sa aking harapan na isang sindi na lang ng posporo, sasabog na ito.

"Ma-ma- ma'am... Hi-hindi ko po-"

"MANAGER!!!!!!!!"

Napapikit na lang ako sa nagawa ko. Narinig ko na lang na bumulong si Lucy sa akin,"Patay ka na naman best".

Anak ng pato naman ito ohh. Iiyak talaga ang linggo na hindi ako makakakita ng away sa mga customer namin dito sa coffee shop ng dahil lang sa pangalan ko.

May sanlaan ba ng pangalan dyan ng maisanla ko naman ito at magkaroon ito ng silbe sa akin at maiparemata! Kamalasan talaga ang dala nito lagi sa akin. Haay...

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

"Ai butete!", nabigla ako sa paghampas ng malakas ni Manager sa kanyang dalawang kamay sa kanyang mesa.

"Wag mo akong ma butete-butete dyan, Che!"

"Sshh po sir"

"I don't care! Mas gusto kong Che dahil nagdadala ng kamalasan palagi yang pangalan mo!"

"Sorry po, sir", nakayuko lang ako habang nagsesermon si Manager sa akin.

Magda-diet na po talaga ako Lord pag hindi ako sinisante ni Manager ngayon, Lord. Promise po talaga, Lord!

"Sorry! Sorry! Naiirita na ako sa mga sorry mo! Pero wala naman akong magagawa dahil hindi mo namam kasalanan kung bakit silent mode ang pangalan mo!

"Oo nga po. Tama po kayo, sir.", malaking tango ng ulo ko sa sinabi ni sir dahil totoo naman ang sinasabi nya.

"Ano ba naman ang pumasok sa utak ng mga magulang mo at pinangalanan ka nilang Sshh!"

"Oo nga po, sir. Bakit kaya nila ako pinangalanan ng Sshh. Sana ginawa nalang nilang Shiela."

"Oo! O di kaya, Shaina!"

"Pwede ring, Sheena. Di ba sir?"

"Oo! Pwede rin yun!"

"Shaila! Maganda rin-"

"Shut up!! Pinaglalaruan mo ba ako miss, Che?!"

"Hi-hindi po, sir."

"Bat parang nila-laylo mo ang usapan?!"

"Hindi po sir... Sa katunayan nga po, nag a-agree po ako sa inyo. Ang galing po kasi ng mga naisip nyo po kaya napabilib mo talaga ako dun sir."

"Oh, sya! Sya! Wag mo na akong bolahin. Umuwi ka na dahil maaga ka pa bukas"

"Opo sir!", sabay ngiti ako ng malaki," Uwi na po ako and don't forget to drink a cup of Sweet Cup's coffee to make your bitter day, sweeter!", masigla kong paalam kay Manager.

Magaan ang pakiramdam ko pagdating ko ng apartment ko. Masaya ako dahil sa kabila ng nangyari kanina sa coffee shop, hindi pa rin ako tinanggal ni Manager sa trabaho.

Sa totoo lang, nahihiya na rin talaga ako kay Manager dahil palagi ko na lang pinapasakit ang kanyang ulo ng dahil lang sa pangalan ko. Hay, kainis na buhay to oh! Bat sa akin pa talaga ibinigay itong pangalan ko!

Pagkatapos kong maglinis ng katawan, diretso na agad ako sa aking kama nang bigla akong may naalalang sobrang nakakatakot.

"Magda-diet na ako?! WAAAAA! Grabeng pagpapahirap nato!!!"

I Am NamelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon