IAN.08

10 2 2
                                        

Sshh's POV



"ANO?! GAGAWIN MO LANG AKONG KATULONG NG PUSA MO?!"

"How many times do I have to tell you that she's Snow White?"

"May pangalan man sya o wala, pusa pa rin sya!"

"One last chance Miss Reynes or I might be calling a police right now."

"ANO?! IPAKUKULONG MO AKO DAHIL LANG SA- SA--", tinitigan nya ako ng masama.

Grabe! Kung makapagsalita ang lalaking ito, halatang-halata na wala talaga syang pakialam at pakiramdam kung magsalita. Kahit expression sa mukha, walang-wala sa sobrang pangmamanhid sa lamig!

"Snow White! Snow White! Snow White! Ano?! Masaya ka na?!"

"Bakit mo ba ako laging tinatanong kung masaya na ba ako?"

"A-ano???"

"At yang 'ano', bakit paulit-ulit mong binabanggit?"

"Talaga bang ganyan kalamig ang pagkatao mo para wala kang alam sa ganyang kaliliit na bagay?"

"Nevermind, I just remembered something and my question has been answered already. Maybe I should consider buying the volume 2 and 3 of this book."

"Book? Anong book? Anong ibig mong sabihin?"

"I bought this book yesterday because I believe I will be needing this. I need to study the commoner's life and behavior while you are working with me."

Iniangat nya ang medyo may kapakalang libro at iniharap nya sa akin ang cover ng libro kung saan nakasulat ang title nito.


The How's and Why's of a Commoner's Life


"Bumili ka talaga ng libro para lang pag-aralan kung paano makipag-usap at makisama sa mga taong tulad ko?!"

Grabe! Hindi ko alam na may ganyang klaseng libro pala? Tauhan nya siguro writer nyan panigurado!

"Oo. Binili ko rin ang librong ito para pag-aralan kung paano tumawa at magpatawa."

"Nababaliw ka na ba? Hindi ko alam kung sadyang manhid ka lang ba talaga o sobrang tagal mo ng hindi humahabilo sa ibang tao para bumili ka pa ng ganyang mga libro."

"I am sorry. Hindi ko naman alam na nakakabaliw pala ang pagbili ng libro. Sa bagay, sa Google na naghahanap ng sagot ang mga tao sa generation ngayon."

Haaaaay! Ako ang mababaliw sa taong ito. Halatang-halata talaga na hindi nakaranas ito ng paghihirap o mga bagay o pangyayaring hindi marangya.

"By the way, I am just curious."

Talaga bang ganito talaga syang makipag-usap? Yung walang ka expre-expression ang mukha? Nakakainis lang dahil hindi mo talaga mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan nya.

"Oh? Ano naman yun?"

"Bakit kaya hinihila ang tali?"

"H-ha???"

Ano ba ang pumasok sa utak ng ice man na ito? Anong nag-udyok sa kanya para biglang magtanong tungkol sa tali?

"meow~~~"

Tama. May pusa nga pala itong si ice man.

"Para---"

"Kasi mahirap itulak ito.", with face that as cold as ice.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Oct 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Am NamelessMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon