Medyo magkalapit lang ang bahay namin sa bahay nila Shane,kaya ng dumating na si Patrick dun nagpakilala sya na sya 'y pinsan si James agad naman syang pinatuloy at dun nagpasama kay Divine na pumunta sa aming bahay..
Divine: beth,si ate Mich nasaan??
Beth: nasa likod,dun po sa silok ng mangga.
Patrick: anong ginagawa niya dun? May kasama ba sya!?
Beth: ahmm(nag-aalangan sumagot)ate Divine sino po sya!?
Divine: ah,,si Kuya Patrick.. pinsan ni kuya James.galing pa sa Amerika.
Patrick: na kaibigan ni Mich.
Beth: ah,ok po..
Patrick: ano,may kasama ba sya!?
Beth: wala po..sandali lang po at tatawagin ko sya..
Patrick: no.no.no..wag na... samahan mo na lang akong pumunta roon..
Beth: sige po.
Patrick: Divine,maari ka ng umuwi.. uuwi na lang ako mamaya..
Divine: sige po.
--
Beth: ayon po sya.(turo niya sa akin na nakapaligid) Ate.. (sigaw niya)
AKO: (lumingon) Patrick!!
Patrick: sige maglaro ka na dun,salamat ha.. (linapitan ako)
Ako: anong ginagawa mo rito!?
Patrick: it's because of you. Nandito ka nga.
Ako: pa-papano mo nalamang nandito ako!?
Patrick: Hindi na importante yun..ang importante sa akin ngayon ay nakita kang muli at magawa ko yung dahilan kung bakit ako nandito.
Ako: anong ibig mong sabihin!?kung ipapaalala mo na naman sa akin ang damdamin mo para sa akin,please lang tama na. Lumayo na nga ako sayo tapos ngayon nandito ka na naman..ilang beses ko bang dapat sabihin ito,ayaw ko..Ayaw ko ng umibig...kaya umalis ka bumalik ka na sa Amerika. (Iiwan ko na sana sya ngunit hinawakan ako sa braso)
Patrick: babalik lang ako dun kung kasama kita.
Ako: ano ba!?bitiwan mo nga ako..para saan!?anong babalikan ko dun?dito ang bayan ko,dito ako nakatira,yan yung bahay namin oh..kaya dito ako nararapat,hindi doon sa Amerika.. kaya umalis ka na..(inis ko)
Patrick: oo alam ko,pero iniisip ko yung magandang oportunidad na nandun para sayo at bibitawan mo na lang ba basta basta yun!??nang dahil lang sa akin!??alam mo .. hindi sana ako yung kaharap mo ngayon at nakikiusap sayong bumalik dun kundi si Shane.. sya sana ang nandito nakikiusap sayo,sya yung mas nasasayangan sa oportunidad na nandun para sayo.. Ngunit nakiusap ako,na ako na lang pumunta rito tutal ako naman yung dahilan kung bakit mo bibitawan ung oportunidad mo dun lalo na ngayon nasimulan mo na.. sige,tatanggapin kong kaibigan lang ang turing mo sa akin kahit masakit para sa akin... kapag bumalik ka dun,hahayaan na kita,lalayuan, at kakalimutan..kung yan ang gusto mo.. ako na lang ang lalayo para sayo wag lang yung oportunidad ang layuan mo...(napaluha ako sa mga sinasabi niya) hindi naman pag-ibig ang dahilan kung bakit ka napunta doon diba?kundi makahanap ng magandang trabaho para makatulong ka sa pamilya mo.. at ng dahil sa akin bigla mo na lang hahayaang mawala yung oportunidad na yun para sayo.sana naman... wag mong sayangin yun,Mich.. mahal kita at hindi ko hahayaang bitiwan mo yun..sana bumalik ka na...pangako lalayo na ako,bumalik ka lang doon.. (at iniwan na niya ako)
Ako: (di na ako nakapag salita,bagkus pinunasan ko ang aking luha at napaupo sa upuang kahoy)
Nang gumabi,napapaisip pa rin ako sa mga sinabi sa akin ni Patrick.
"sige,tatanggapin kong kaibigan lang ang turing mo sa akin kahit masakit para sa akin... kapag bumalik ka dun,hahayaan na kita,lalayuan, at kakalimutan..kung yan ang gusto mo.. ako na lang ang lalayo para sayo wag lang yung oportunidad ang layuan mo..." -PATRICK