Kumatok sa kwarto ko si Shane.
AKO: Pasok!
Shane: ano,mananatili ka pa rin ba rito?hindi mo ba pipigilan??siguro naman naririnig mo kami kanina,tutuluyan ka na ngang lalayuan.. gusto mo ba ulit maiwanan ng taong minamahal mo pero sa sitwasyong ngayon mahal mo ngunit hindi mo sya pinapasok sa buhay mo ,tandaan mo.. hindi sa lahat ng pagkakataon mapagbibigyan ka at ang pagsisisi ay laging nasa huli.
Ako: tama ka..tama ka!! (Agad ko syang iniwan sa kwarto)
James: wow!ha timing!!Wala na si Patrick umalis na sya.. (Tiningnan ko lang sya at agad ko rin syang iniwan)
Shane: (lumabas sa kwarto)
James: ano ba talaga nangyayari sa babaeng yun!?
Shane: narealize lang niya kasi na hindi dapat tinitiis ang taong mahal niya. :)
James: ha?ano?
Shane: kaya hahabulin niya si Patrick para sabihin na mahal niya ito.
James: ahh..ang labo talaga nitong si Mich..hay,ewan ko ba sa inyong mga babae minsan ang hirap niyong spellingin.. buti na lang hindi ka ganun.tssk..
Shane: sana mahabol niya.
James: kung mahahabol niya..
Shane: bakit hindi?? Kung tayo ang gagawa ng paraan.
James: ha!?paano?
Shane: pababalikin natin sya rito..kaya akin na yang cellphone mo..
James: hindi...hindi tayo kikilos.hayaan natin sila.
Shane: ha!?pero bakit? Hindi ba't ikaw tong unang nagpupush sa kanila tapos ngayon pipigilan mo ako para ipush ko rin sila.
James: I know!! but try to think of this.. pinili ni Mich mangyari to sa kanila kaya dapat niyang panindigan to..kung hindi niya mahabol si Patrick parusa na sa kanya yun pero kung sila ay nakatadhana para sa isa't isa mahahabol niya ito ng wala tayong ginagawang paraan..kaya hayaan natin sila.
Shane: sssshhh!!ok fine!!
-
nakalabas na ako sa eskinitang madadaanan papunta sa highway kung saan nakita ko Patrick na tumutungo papunta sa parking lot kung saan nandoon ang kanyang sasakyan medyo malayo na sya kaya sinigaw ko pangalan niya habang hinahabol sya, ngunit hindi niya ako pinapansin.sinubukan ko syang tawagan sa cellphone ngunit hindi ko akalain na nag-iba na pala sya ng number kaya sumigaw ulit ako.pasakay na sya sa kanyang sasakyan ngunit may bomusina napalingon ako,napalingon din sya.. nahakip ako ng humaharurot na sasakyan na tila hinahabol ng mga pulis,carnapping pala yung nakabangga sa akin,tumilapon ang katawan ko..agad namang tumakbo si Patrick papunta sa akin..at dinala niya agad ako sa hospital at agad niya ring ibinalita kina James at Shane ang nangyari sa akin.. At dahil wala pa akong malay nag-usap usap silang tatlo tinanong ni Patrick kung bakit ko sya hinahabol,agad naman ipinaalam ni Shane ang balak kong pigilan syang umalis,at upang sabihing mahal ko sya..
After ng 5 oras nagkamalay na ako. Mukha ni Patrick ang bumungad sa akin.
Patrick,Shane: Mich!
Ako: Patrick!! Aray!! (Masakit ang likod ko na mukhang napuruhan)
Patrick: ok ka lang!?
AKO: (binaling ko ang tingin kay Shane) ..Shane!! (Tumulo luha ko) it's my fault!!
Shane: Mich!!
Patrick: don't blame your self..
Ako: no,hindi mangyayari sa akin to kung noon palang hindi na ako nag-inarte at hindi sana kita hinabol kanina... it's my fault.. Patrick!!I'm sorry,alam kong hirap na hirap ka sa sitwasyon natin dahil ganun din nararamdaman ko..Patrick,sana... sana wag ka ng umalis..dito ka na lang..hindi ako papayag na aalis kang hindi ko man lang nasasabing mahal din kita at ayaw kong lumayo ka..I'm sorry,natakot lang ako na baka mangyari ang nakaraan ko... yan sana mga katagang gusto kong sabihin sayo kanina..pero...ganito naman ang nangyari..
Patrick: stop it!!it's my fault!!kung nilingon kita nung unang sigaw mo siguro wala ka ngAyon rito.sorry... hirap na hirap na talaga ako sa sitwasyon natin.kaya mas mapapadali sana sa akin ang lumayo na lang ng tuluyan sayo..