001

23 5 0
                                    

001

Elrene

"Elrene, sinasabi ko sa'yo ha, 'wag mong ipahalatang devastated ka sa breakup niyo ng ex mo, you know how media works!" Paalala ni Zeus sa akin nang i-park niya ang sasakyan namin sa parking lot ng school.

"Of course I will. Sanay na akong magtago 'no!" Noong kami pa nga lang ay nagtatago na kami, paano pa kaya ngayon?

I admit it, our breakup is not that easy for me. Matagal din namang naging kami and it still hurts me kapag naalala kong wala na nga. But then, I need to move forward and just accept it. Maybe things don't work out sometimes kahit na you hope that it would.

But on the positive side, I can party again! Gosh, it's been years simula nang pigilan niya akong magpunta sa bar para mag-party. I missed going to night clubs every midnight just to unwind.

"Elrene!" Lumundag na niyakap ako ni Shawn nang makita niya kami ni Zeus papasok sa campus. "Langhiya, ang tagal niyong nawala! Marami kayong activities na namiss," Bungad pa niya.

Tumaas naman ang kilay ni Zeus, "Activities lang ba talaga ang namiss? Baka pati ikaw namiss mo kami?" Biro niya, ngumisi si Shawn at sinuntok nang pabiro ang braso nito.

"Syempre namiss ko kayo!" Aniya at inakbayan kaming dalawa. We headed on our way sa loob ng building namin.

Shawn, Zeus and I were block mates and we're soooooo close! All thanks to Circe tho, once na nalaman kasi naming kapatid niya iyong blockmate namin ay we didn't miss a chance para kausapin ito, and ayun nga, we became a trio!

Also, we're the shiftee trio. Lahat kami ay iba ang course bago kami maging Psych student. Iyon din ang dahilan kaya nahuli kaming dalawa ni Zeus. He was already 3rd year that time nang naisipan niyang mag shift, ako naman ay incoming 2nd year nang magshift.

Shawn's become our hero since we had our bond closer, siya ang lumiligtas sa amin ni Zeus sa bingit ng kapahamakang bumagsak. He's there to remind us in each and every activities we have. We're so lucky to have him, nga e.

"Oo nga pala, since graduating na raw tayo, di na raw dapat kayo umabsent kasi baka hindi kayo makasama sa graduation," Paalala ni Shawn, it's just the start of our last semester pero nanlumo na kaagad ako. Bakit ba kasi nag-aaral pa kami? Huhu.

Nakakainggit tuloy sila kuya Cannon! Hay, they're older than us kasi kaya talagang graduate na sila bago pa kami nagkaroon ng career. As for me and Zeus, hindi madali. As in halos hindi na kami natutulog para lang pagkasyahin ang oras namin sa lahat lahat.

We're already 4th year college, taking BS Psychology. Internship, thesis  at kaunting subject na nga lang ang kailangan namin tapusin ngunit napakahirap noon para sa akin!

"I don't think kaya naming pagsabayin 'tong career namin at iyong studying," Sagot ko, Zeus pats my back.

"C'mon, Elrene, we can do it! Yari tayo kay Cannon once na sumuko tayo," He took a glance at me and smiled. Tumango ako at ngumiti pabalik.

The truth is, tinatamad na talaga akong mag-aral. My grades are failing and we're always absent in class last sem. Halos wala na nga akong matutunan. Having a hectic schedule habang graduating student is so exhausting!

Why do we even need to study? We're already famous naman na. I don't need a degree just to earn money and to support myself.

"Shawn, pahiram ako ng notes mo," I told him nang makapasok kami sa room. Second week pa lang kasi ngunit napakarami agad diniscuss. Naupo agad kami sa pinakadulo ng room at binigay rin naman agad sa akin ni Shawn iyong notes niya.

End To Start (SS#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon