tw: su1cide
006
I spent two days kila Ember dahil sa project ko kay Phoenix and mabuti na lang at natapos ko rin naman agad. Mabuti na lang din at mabait iyong magulang nila at hindi manlang nagalit na may ampon sila for two days. Char. It was supposed to be three days but since natapos ko naman agad itong project, nagmadali na rin akong umuwi.
Phoenix and I became more closer and nagta-talk na rin kami everytime na magco-cross ang landas namin sa bahay. Minsan ay niyayaya niya pa akong samahan siyang manood ng Netflix at ako pa ang papipiliin niya ng movie kapag nasa practice ng band si Ember.
"Do you wanna hang out? Bago ka umuwi sa inyo, I mean," Nag iimpake na ako ng gamit nang pumasok si Phoenix sa kwarto ni Ember.
Kumunot ang noo ni Ember sa narinig at nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa. Kalalabas niya lang sa banyo ng kwarto niya at mukhang hindi pa siya napansin ni Phoenix dahil sa akin ito nakatingin. Agad na nag init ang mga pisngi ko at pinagpawisan kahit na malamig naman sa loob ng kwarto niya.
"Are you hitting on her?" Para bang na-estatwa si Phoenix sa kinatatayuan niya at dahan dahang nilingon ang kapatid.
"What the hell, Ember, nandyan ka pala!" Ember just shrugged, hindi na siya umimik pa at dumiretso sa vanity table niya. Tinignan niya pa ako gamit ang reflection sa mirror saka ako kinindatan. Halatang nang-aasar!
Napakamot ng batok si Phoenix at lumabas ng kwarto niya without uttering a word. Nagmadali na rin akong mag impake dahil naiilang ako sa mapang-asar na tingin ni Ember.
Nagpaalam ako sa parents nila bago umalis, Phoenix also volunteered na ihatid ako.
"Kumain na muna tayo bago ka umuwi, ayos lang ba?" Sumulyap sa akin nang saglit si Phoenix, napataas ang kilay ko. Bihis na bihis siya at bagong ligo pa, parang may date na pupuntahan samantalang ihahatid niya lang naman ako.
"Hindi ako gutom," I saw the disappointment in his eyes na siyang nakatuon sa daan. So he's expecting me na pumayag? Is that why he's nakabihis?
"Are you asking me on a date? Pwede mo naman akong i-ask nang maayos, Phoenix," Pilya kong sabi, his eyes widened bago i-preno ang sasakyan.
"Elrene..." Umiling iling ito saka nagdrive ulit, parang ewan!
"Okay, starbucks tayo."
Hindi na umimik si Phoenix at hininto na lang iyong sasakyan sa parking ng pinakamalapit na starbucks.
I was about to remove my seatbelts when he leaned against me and took my seatbelts off. Sobrang lapit niya kaya pigil hininga akong nakatingin sa kanya. Fuck, ang bango!
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ilang beses pa akong napalunok dahil sa lapit niya. Lalo pang nagwala ang puso ko nang nilingon niya ako at ngumisi. Fuck, ang init ng mukha ko, lalagnatin ata ako!
"Okay ka lang?" Tanong niya, I unconsciously nodded. He chuckled bago bumaba ng car niya at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya pa akong bumaba, mabuti na nga lang at ginawa niya 'yon dahil nanghihina ang mga tuhod ko.
Fuck, Phoenix Perez! Parang nanghihigop ng energy, nanghihina ako kapag nasa tabi ko siya, damn.
After magbreakfast sa starbucks at dumiretso kami sa people's park to unwind. We catch up with our lives nang hindi na kami nagkikita.
Naglatag kami ng blanket na galing sa kotse niya at doon kami naupo.
"Did you know I was waiting for your text, the day that I graduated? You're always there rooting for me back then, pero bigla kang nawala kaya kahit simpleng 'congratulations' manlang na hinihintay ko ay malabong mangyari," Tumawa siya nang mapait. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya, nakatingala siya, looking at the clouds.
BINABASA MO ANG
End To Start (SS#5)
Romance[ Guitar Girl ] Elrene, the youngest member of Starlight learns that everything you do will eventually brings back to you. What if someone from her past came back to haunt her present life? +on-going