008
"What? Akala ko ba break na sila?!" Tinignan ako ni Chyra habang ini-scroll iyong article na pinakita ni Kaiya.
Naroon pa iyong litrato ni Blake nang papasukin namin siya sa kotse at iyong paglabas niya sa kotse. My gosh. Nakalap din nila iyong information na we're in a relationship for three damn years!
Nakakaloka, late sila sa balita break na kami!
"Break naman na talaga kami!" Giit ko, tumayo pa ako at napa-padyak out of frustration, "Blake's just insisting na makipag-balikan sa akin."
Tumingin si Kaiya kay Zeus like she's confirming ba kung totoo ang sinasabi ko. I scoffed, so tingin niya sa akin ay liar? I'm not a liar!
"It's true, ayaw naman na kasi talaga sa kanya ni Elrene," Paliwanag ni Zeus, I proudly smirked dahil sa sinabi niya.
"See? I told you!" I said proudly, Zeus chuckled and crossed his legs.
"Sila na kasi ulit ni Phoenix," Nanlaki ang mga mata ko sa dinagdag niya, what the fuck?! Fuck you, Zeus! Sinamaan ko ito ng tingin samantalang gulat na gulat naman ang mga ka-banda namin. Fuck!
"Fuck, we're not together pa, okay?!" Paliwanag ko bago pa sila makapag comment sa sinabi ni Zeus.
"Oh, 'pa' huh?" Humagikhik si Alyx na siyang nakasandal kay Aiden, ugh! Napakadaldal ni Zeus, nakakainis!
Kaiya still scolded me and Zeus saying na hindi kami nag-iingat kaya we apologized for it. Kumalma naman kaagad si Kaiya at sinabing siya na lang ang magpapaliwanag sa mga press. Hindi kasi kami pu-pwedeng madawit sa dating issues lalong lalo na sa mga Valdez dahil kilala silang corrupt. Dating someone like Blake na siyang anak ng corrupt will truly make people hate us.
Pumasok na lang kami ni Zeus sa school upang magpasa ng mga requirements at dumiretso rin agad sa hospital para kumpletuhin ang oras na kulang. I only have one week left while si Zeus naman ay three weeks pa. Ang sabi niya ay day and night shift na lang daw ang gagawin niya para makahabol.
From: Phoenix
Kumain ka na?Automatic na napasimangot ako sa nabasa. Inaasar niya ba ako? Naalala ko nanaman tuloy ang paglalandian nila ni miss Gonzalez sa harap ko. Kainis.
"Hoy nagti-tiktok ka nanaman," Saway sa akin ni Zeus nang makitang nagse-cellphone ako habang nasa ojt. Sinimangutan ko ito bago itabi ang phone ko.
"Hoy hindi!" Giit ko, tumawa lang si Zeus.
Masyado kasi akong nawiwili sa tiktok these days so I made an account and posted videos of me doon. Pinagtitripan tuloy ako nila Zeus dahil nakikita nila 'yung mga tiktoks ko! Hmp. So what naman kung nagti-tiktok ako, ayaw nga nila akong papuntahin muna sa bar!
"Ember, thank you pala sa pagtulong sa akin, ha!" I told her, she just smiled and nodded.
"Hala, wala 'yon. May gig kami mamaya, same place, pupunta ba kayo?" Naupo siya sa tabi ko bago niya kinuha ang phone niya sa bulsa. Nagpapahinga kasi kami dahil katatapos lang namin mag assist kanina sa labas.
"I think I can't, I'm currently not allowed to go to bars dahil sa issue namin ni Blake," Sumulyap saglit si Ember kay Blake na siyang may binubuhat na mga libro. Ngumiti ito nang magtama ang tingin namin.
"Totoo bang you're dating him?" She asked, abang na abang pa ito sa isasagot ko.
Kaagad akong umiling, "no! He's just an old friend," Pagsisinungaling ko saka sumulyap ulit kay Blake. I feel bad tuloy dahil sa pagsisinungaling ko.
Ember's such a good friend, Raven, too! They're fun to be with along with her bandmates. But I couldn't trust them fully, yet. Kahit kapatid pa siya ni Phoenix.

BINABASA MO ANG
End To Start (SS#5)
Romance[ Guitar Girl ] Elrene, the youngest member of Starlight learns that everything you do will eventually brings back to you. What if someone from her past came back to haunt her present life? +on-going