002

16 6 0
                                    

002

Elrene

Lumingon si Ember sa babaeng nagtatago sa likuran niya. Matangkad ito, hanggang balikat niya nga kami at may hanggang balikat siyang buhok, singkit ang mga mata at matangos ang ilong.

"Nice to meet you, Elrene," Ember chuckled, "I'd like you to meet my friend, Raven," Aniya, ngumiti ako at tumayo upang makipagkamay kay Raven.

"Hi, Raven!" Bati ko ritong nakangiti, nakakatuwa naman at kahit hindi pa kami nagsisimula ni Zeus ay mayroon na akong kaibigan.

Hirap kasi akong makisama, nako, ipagawa niyo na sa akin ang lahat ngunit hirap talaga akong makipag-kaibigan! Ewan ko rin sa sarili ko, I'm scared to approach people.

"H-hi!" Nahihiyang bati nito, napakunot ang noo ko nang marealize na lalaki pala siya! Ang lalim ng boses niya para maging babae! Ngunit ang ganda niyang lalaki! He has feminine features kasi!

"Oh my god, lalaki ka pala!" Nasabi ko nang malakas, mukhang nabigla si Raven sa sinabi ko kaya napatakip ako sa bibig. Bastos talaga bunganga ko minsan, I know what I said is rude, "hala, sorry!"

Ember chuckled, "it's okay, right, Raven?"

"Oo naman," Nahihiyang kumamot sa batok si Raven, still smiling.

They are totally complete opposites! Raven is that shy na halos gustong tumiklop sa hiya while Ember is like a social butterfly na halos hindi mo mapigil ang bibig sa kadadaldal. It suddenly reminds me of Zeus and I. Kagaya ko si Raven, while Ember... kagaya siya ni Zeus.

Ember told me that they really adore our band at dahil daw sa amin ay na-inspire silang gumawa ng band, posting covers of our songs in youtube. It feels surreal knowing na mayroong humahanga sa amin, na may nai-inspire din kami. It feels too good to be true. Kasi parang dati lang, nangangarap pa kaming magiging kagaya kami ng ibang mga banda. Ngayon, ito na kami, masayang nagpe-perform sa madla.

"May gig kami within this week, gusto mo bang sumama?" Ember asked with her hopeful eyes. Nagniningning ang mga ito na para bang nakikiusap na pumayag ako.

Sumulyap ako nang pabalik balik sa kanilang dalawa ni Raven bago tumango, "Oo sige," I answered, napatalon sa tuwa si Ember at niyakap pa ako.

Bumalik din agad kami sa studio nang matapos kaming makipag-kilala sa mga kasama namin. Aiden is not there at silang tatlo lang ang nasa loob ng studio. Mukhang hindi pa rin nga sila magka-ayos.

Sabagay, kahit sa bahay ay hindi sila pinapansin ni Aiden.

"Oh, Elrene, Zeus!" Bati ni Circe na may dalang tray ng pagkain pagpasok. Kasama niya pa si Alyx, iyong best friend ni Aiden.

Binati namin sila pabalik at pinanood na lang namin silang tatlo na mag-practice. Si Cannon iyong naging bassist, pinalitan niya muna si Zeus, si Chyra sa guitar at si Zayden sa drums. Wala si Aiden kaya si Chyra rin muna ang kumakanta. Napakunot ang noo ko. Alam ko naman sa sarili ko na may mali, wala ba kaming gagawin para rito?

"Alam mo ba ang nangyari sa kanila?" Tanong ko kay Zeus, hindi naman kasi kami nagpa-practice dahil di kami kasali sa mga ganap nila ngayon. Huhu. Kinda missed going on a show.

"Hindi nga eh, ayaw rin akong kausapin ni Aiden kahapon," Paliwanag niya, napailing ako sa narinig. Maaaring masyadong malalim ang pinag-awayan nila kung gano'n, pero hindi naman pwedeng maapektuhan iyong banda namin nang dahil lang doon.

End To Start (SS#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon