007

8 0 0
                                    

007

"Can we start all over, Elrene?" I was taken aback. Bakit naman agad agad niyang itatanong 'yon sa akin. It's only been months simula nang magkita ulit kami after I left him years ago.

Nahihilo ba siya? My reasons were not enough kung bakit siya nasaktan for almost five damn years. It still haunts me everytime na naalala ko 'yon or everytime na nakikita ko siya. Lastly, he's my fucking instructor! It was against the law, right? I know I'm dumb but I can still learn a few of law, right?

But I also hate this feeling na kapag kasama ko siya, imbis na guilt ang nararamdaman ko ay natatabunan pa ito ng saya. Hindi ko maipaliwanag. Para akong lumulutang sa ere kahit na tinatawag niya lang naman iyong pangalan ko, kapag tititigan niya ko para bang pakiramdam ko ako ang pinaka-magandang babae sa balat ng lupa kasi gano'n niya ako tignan!

Pero alam kong mali iyong nararamdaman ko. I shouldn't feel that way kaya kahit na alam kong masaya ako sa kanya, tinatanggi ko na lang kasi he already suffered too much nang dahil sa akin.

"Phoenix I..." I heave out a sigh, "I don't know."

He just smiled and stood up. Sinapo niya pa ang noo ko upang tignan siguro ang temperatura ko.

"I'll be there outside, if you need something you can just call me, I'll leave the door open so I can hear you."

Days passed at muli ay pasukan nanaman. Naipasa ko naman na iyong project ko at kasalukuyan akong nakaharap ngayon sa salamin ng girls bathroom ng school.

Today's our defense kaya sobra sobrang kinakabahan ako! Hindi na nga ako makahinga. Ilang buntong hininga na ang ginawa ko sa harap ng salamin habang pinapaypayan ang sarili ko gamit ang kamay. Pinagtitinginan na ako ng mga estudyanteng nagbabanyo but I didn't care at all! I'm so scared that I might messed up Zeus and Shawn's hardwork!

Nang bumalik ako sa tapat ng room kung saan magdedefense ay nakita kong hinihintay ako ng dalawa kong ka-group.

"Okay ka lang?" Tanong ni Zeus, kinuha nito ang panyo niya sa bulsa at pinunas sa mukha ko. Yumuko pa ito upang makita niya iyong nga pawis sa mukha ko  Hala, pinagpapawisan na pala ako!

"Hala Elrene, kumain ka na ba? Namumutla ka," Inabutan naman ako ni Shawn ng bottled water na siyang inabot ko naman.

"Salamat," Gosh I really need this! Mabuti na lang at binilhan nila ako.

Nagpractice kami ng mga maaari nilang itanong sa amin pati na ng mga sasabihin namin. Mabuti na lang nga at pinapagaan nilang dalawa kahit papaano ang loob ko kahit na sobrang kinakabahan ako.

"We got this, Elrene," Pinat ni Zeus ang likuran ko so I smiled. He really is like a kuya to me, sila ni Shawn. Ang swerte ko talaga sa kanilang dalawa, hindi naman ako masyadong nakatulong aside from making the RRL but for them it's okay na raw, feeling ko super pabigat ako sa kanilang dalawa, but here they are, rooting for me.

I was practicing by myself, memorizing stuff when I saw Phoenix walking from the aisle. Nasa malayo pa lang siya ngunit grabeng lakas na ng pintig ng puso ko. This time, hindi na sa kaba iyong dahilan, hindi ko na alam!

I suddenly got conscious sa itsura ko at inayos ang blazers at skirt ko. Hindi ko alam pero hindi ako mapakali. Ilang araw na rin kaming hindi magpapansinan kaya ewan ko ba kung bakit ganito nararamdaman ko!

Huminto si Phoenix sa tapat namin habang nakapamulsa, he's wearing a red dress shirt and a slocks while wearing his glasses on. Sinuklay niya iyong buhok niya palikod saka ibinalik sa bulsa iyong kamay niya.

End To Start (SS#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon