005
"Elrene!" Napalingon nanaman ako nang tawagin ako ni Blake. Kainis! Bakit ba palagi niya akong kinakausap lately? Parang hindi ako sinaktan. Sapatusin ko kaya siya nang masaktan?!
Hindi biro ang pananakit niya sa akin noong nakipag-break siya sa akin months ago kaya ang kapal ng mukha niya para i-approach ako na para bang walang nangyari!
"Elrene we need to go," Sabi ni Zeus nang mapansin na dumarami na iyong nakapaligid sa amin, mayroon pang mga kumukuha ng litrato. For sure ay lagot ako nito sa manager namin once na may kumalat nanaman na balita sa akin.
Muli ay sumulyap ako kay Phoenix, "next time," Saad ko bago tumalikod sa kanya at sumakay sa sasakyan ni Zeus.
"What's going on between you two?" May halong pang-aasar na tanong ni Zeus nang makapasok kami sa loob ng car.
Umirap ako rito habang nagsusuot ng seatbelt, "wala!"
"Someone told me na nakita niya raw kayong kumakain sa restaurant last week. Wala, hmm?" Sumulyap pa siya sa akin nang nakangisi habang nag d-drive, I rolled my eyes at hindi na sumagot pa.
I can't see nothing wrong with it naman. Bumawi lang ako dahil nawalan siya ng kasama mag lunch dahil sa akin. Hindi ko lang gets kung bakit after no'n ay naging magaan na ulit ang pakikitungo sa akin ni Phoenix! He even compliment me tuwing tumatama ang sagot ko sa recitations.
Natigil ako sa pag-iisip nang marinig na nagring ang phone ko, oh, someone texted me!
From: Blake
Ayusin naman natin 'to, Elrene. I want you back. I still love you.Napairap ako sa nabasa at binlock na lang iyong number niya. How annoying! Kung kailan nae-enjoy ko na ang pagiging single saka niya ako guguluhin? Duh as if! Hindi na ako marupok 'no!
"Is that Phoenix?" Umiling ako sa tanong niya.
"It's Blake," Kinwento ko kay Zeus iyong pangungulit sa akin ni Blake noong wala siya. It frustrates me so much dahil ang laki na nga ng problema ko dahil sa school works ko, di ako nakakapag-gig kasama ng banda tapos guguluhin niya pa ako!
Zeus chuckled, "Maybe he realizes your worth,"
Napailing ako at tuminging muli sa labas, "Well, it's too late for that."
Nang makarating kami sa condo ay naabutan naming paalis nanaman sila Chyra, nagpaalam sila sa amin bago umalis. Sana all kasama sa tour!
Ginawa na lang namin ni Zeus iyong thesis namin sa sala. Nakaupo kami sa carpet at iyong laptop ni Zeus ay nakapatong sa coffee table. Nagre-revise na lang naman kami dahil mabilis gumawa si Zeus at Shawn, makakaabot pa kami para sa final defense.
"Zeus is it okay if I promote Ember's band? She told me earlier na tutulungan niya raw ako sa project ko sa accounting, maybe helping their band grow will be enough to return the favor?" I just wondered na it will be also great opportunity for their band! I know how big our band is kaya promoting them will be a good idea, right?
"That's a good idea but you should definitely ask our manager first," He said without even looking at me, I sighed. Ayun lang. Ang higpit kasi sobra ng manager namin pati posts namin ay mino-monitor niya. It's to keep our image clean daw.
Kaya nga katakut-takot na sermon talaga ang matatanggap namin once na magkaroon ng issue sa amin. Noong kami pa nga ni Blake ay palagi niya kong sinisermunan sa tuwing lalabas ako. Buti nga wala gaanong nakakakilala sa akin tuwing may dates kami.

BINABASA MO ANG
End To Start (SS#5)
Romance[ Guitar Girl ] Elrene, the youngest member of Starlight learns that everything you do will eventually brings back to you. What if someone from her past came back to haunt her present life? +on-going