003

12 6 0
                                    

003

Nagising ako sa kwartong hindi pamilyar sa akin. Kulay puti ang lahat pati ang blanket. May salamin sa ceiling at sa gilid ng kama. Where the hell am I?

Napaupo ako nang marealize kung nasaan ako. Why the fuck am I in a motel?! Lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang makitang may lalaking nakahiga sa tabi ko, tho may pillow sa pagitan naming dalawa. He's covering his face with a pillow na kulay puti kaya hindi ko makita ang mukha niya. What the fuck?! Who the fuck?

Lalo akong nawindang nang umikot siya paharap sa pwesto ko at nakitang siya iyong professor namin sa accounting! Sa sobrang gulat ko ay napaatras ako at nahulog sa kama kasama iyong blanket. Hijo the puta! May nangyari ba sa amin?! Jusko mahabag! I would never ever patol sa instructor 'no! Lalo na sa kanya! Fuck! I couldn't even imagine!

Napatayo rin agad ako nang magising siya. Siguro nagising sa pagbagsak ko sa kama?!

"Good morning, babe," Aniya kaya napakunot ang noo ko. The fuck? Anong babe? Putang—

"Babe ampota," Napatayo ako at binato sa kanya iyong blanket at dumiretso sa banyo. Babe niya ulo niya. I even saw how his eyes widened, he's probably surprised sa sinabi niya.

Mabuti na lang I still have my clothes on. I'm pretty sure na wala namang nangyari sa amin ng lalaki na 'yon. Kaloka. Pero he's familiar, have we met before? I mean, yes, he's our instructor, but I do think that we already met before... like, years ago, maybe? Or hangover lang 'to kaya naiisip ko 'to?

After showering, he's already gone pero nag-iwan siya ng kape, beside that, there's a note saying na wala akong bag na dala kaya he didn't know who to contact to last night. Mabuti na lang nag-iwan din siya ng pamasahe ko worth five hundred. He said sorry and that's it! Napairap tuloy ako, talagang sinulat niya lang pwede niya naman sabihin? Ang stupid ha! Madaling madali?

"Hoy Elrene, saan ka nagpunta kagabi? Bakit absent ka sa first subject, ha?" Nakapamewang pa si Zeus na parang nanay habang nilelecturan ako.

I massaged my head saka naupo sa tabi niya. Kapapasok ko pa lang at itong putragis na 'to sinermunan kaagad ako. Kaloka. Ang sakit sakit pa ng ulo ko 'no!

"Duh, ikaw pa galit?! Kayo nga ni Shawn ang biglang nawala kagabi!" Naiinis kong sabi sa kanila.

"Sorry, someone called me, emergency," Paliwanag niya, I just rolled my eyes and nodded. I get him. I guess he have to deal with his own problems that night.

"You're unable to contact, ikaw ang biglang nawala sa paningin ko, Elrene," Saad naman ni Shawn.

"My bag is missing," Paliwanag ko. Fuck! Naalala ko nanaman. Malamang ay nanakaw na iyon huhu. Sayang naman iyong LV ko na bag, unang pundar ko pa naman 'yon.

I also didn't even got the chance to post Ember's performance last night. Maybe next time na lang.

After our class ay dumiretso kami ni Zeus sa internship namin to complete our remaining hours. We had our same task sa hospital kaya thank god naman. Nagkaroon lang ng konting problema dahil umuwi bigla si Zeus without even telling me why. Ang mysterious talaga no'n! I'm his closest friend sa band pero wala pa rin ako gaanong alam tungkol sa kanya.

"Did you even know how worried are we, huh?! Elrene naman!" I even got a lecture from Chyra nang makauwi sa condo. Huhuhu para talaga siyang nanay.

Matapos niya akong sermunan ay panay pang-aasar naman ang natanggap ko kay Zayden. Para talaga 'tong bata. Nakakapagtaka na may jowa siya, hindi ko na matimpi ugali niya madalas.

Nagpapansinan na rin sila Aiden at Cannon. Naghaharutan na nga ulit sila at nagyayakapan habang nanonood ng netflix, hindi pa rin umuuwi si Zeus at nagtext din siya kila Chyra na hindi muna siya uuwi dahil may emergency raw. He really is like that. Bigla siyang nawawala at babalik na parang wala lang. I'm scared sometimes na baka hindi na siya bumalik pa, pero once he said na babalik siya, talagang babalik siya.

End To Start (SS#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon