Chapter 1

139K 2.9K 761
                                    

Kira Rhianne's POV

Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon. Magpapaalam ako kay Auntie tungkol sa field trip namin bukas.

Nakatira ako sa bahay nila at tinitiis ang ugali ng aking pinsan. Mabait si Auntie ewan ko lang sa pinsan ko na hindi malaman kung saan pinaglihi kaya ganon ang ugali. Bata pa lang ako hindi ko na nakilala ang mga magulang ko kaya si Auntie ang tumayong ina at ama ko sa buhay ko.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Auntie.

"Come in." Pumasok ako sa kwarto ni Auntie at naabutan ko siya nag titiklop ng mga damit.

"Hello po auntie! Ipapaalam ko po sana na may fieldtrip po kami." nakangiti na saad ko.

"Ahh ganon ba? Sige ako na bahala mag ayos ka na ng gamit mo para bukas" sabi auntie at nginitian din ako. Nice! Ang bait talaga ng Auntie ko!

"Sige po salamat auntie!"

Palakad na ko papunta sa silid ko na muli nag salita siya.

"Kira." sabi ni auntie, kunot noo ko naman siyang nilingon.

"Po?"

"Inaaway ka pa ba rin ni Sarah?" nag aalala na sabi ni Auntie. Natigilan ako sa tinanong niya.

"Hindi po..." sabi ko at umiling sa harapan niya.

"Ahhh, mabuti kung ganon, sige you may go." Tumango nalang ako.

Si Sarah ay pinsan ko na lagi akong inaaway. Pinagbibigyan ko na lang siya dahil anak siya ni Auntie Regina at malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil sa pag kupkop nila saakin.

Kinabukasan, napakasarap ng tulog ko kaso lang nasira dahil sa alarm. Napa bangon ako sa walang oras. Nakapikit palang aking mga mata ng marinig ko ang boses ni Auntie.

"Kira gising na! Aba, may fieltrip pa kayo!" sigaw ni Auntie mula sa labas ng kwarto ko. Nag buntong hininga ako, sa una hindi ko naintindihan ang kaniyang sinabi pero ng naintindihan ako napatayo ako at namadaling kumilos.

Inayos ko yung mga gamit na dadalhin ko. Buti nalang yung iba kong gamit ayos na dahil inayos na ni Auntie yun mga yon.

Pagkatapos kong maligo at nag bihis, kinuha ko na ang mga gamit ko na dadalhin at bumaba.

Pag bababa ko nakita ko yung bestfriend ko sina Tyler at Bea kumakain sa hapag kainan. Tumaas ang kilay ko dahil sa nakita ko. Alam ko naman na makakapal talaga ang pagmumukha ng mga kaibigan ko pero hindi ko inakala na may kakapal pa pala.

"Halika na bess! Kain na tayo mag aalasais na!" Makapal na sabi ni Bea habang may nginunguya pa sa bunganga. Kahit makapal ang mukha nito siya pa rin ang totoong at maalaga na naging kaibigan ko.

Kumain kami lahat at tinitignan ako masama ni Sarah ang pinsan ko, Hindi siya makakilos ng masama kasi nandiyan mama niya pero kapag nasa school kami doon niya ako aawayin.

"Oh, Bakit parang nangangarap ka pa diyan at hindi ka pa kumain? " sabi ng matalik kong kaibigan na si Tyler. Sinamaan ko siya ng tingin at umirap nalang.

"Kumakain ako wag ka ano," sabi ko sa kaniya, nag kibit balikat nalang siya at tumuloy sa pagkain.

"O sige na, kunin niyo na yung mga gamit niyo at malalate pa kayo." Sabi ni auntie habang inaayos ang mga gamit namin.

"Tss." rinig kong singhal ni Sarah nag buntong hininga na lang ako.

"Sige po salamat po sa almusal tita." sabi ni Bea.

"Walang anuman iha sige na baka malate pa kayo." sabi auntie at inayos na ang mga pinggan na pinagkainan namin.

Naghaharutan kaming tatlo habang papunta sa sasakyan namin papunta sa school. Habang nasa loob mg van narinig ko ang tili ni Bea.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon