Pumunta ulit kami sa tindahan na binilhan namin ng pag kain kanina pero pag punta namin nakasarado na. Sinasadya yata to talaga ng tadhana. Sa lahat ng ayoko mangyari talaga sa amin ay maligaw sa isang lugar at walang tao na pwede hingan ng tulong!
"Ano na gagawin natin?" malungkot na sabi ni Bea. Halata rin sa kaniyang boses ang takot.
"Hanap muna tayo ng bahay na matutuluyan okay? Huwag ka mag alala, makakalis rin tayo." pagpapagaan ko sa loob niya.
Hindi ako pamilyar sa gubat na ito kaya mas lalo ako kinabahan. Ang sakit na rin ng aking paa dahil sa paglalakad.
"Bess kanina pa tayo nag lalakad pwede pa mag pahinga muna tayo? Sakit na ng paa ko." reklamo niya.
Hindi ko siya pinakinggan, tumingin tingin ako sa paligid. Nanliit ang aking mga mata para tignan ng mabuti kung kubo ba talaga ang nakikita ko.
Napangiti ako bago tignan si Bea. "Magpapahinga ka pa eh may nakita na akong kubo?" biro ko at iniripan niya lang ako.
Sana may tao sa kubo para matulungan na rin kami makauwi. Sigurado ako nag aalala na si Auntie sa akin. Bumuntong hininga ako.
"Tao po?" kinatok ko yung pintuan pero laking gulat ko nang binuksan ni Bea ng malakas ang pintuan at saka humiga sa sahig.
"Halata namang walang tao, gaga." sabi niya kaya napatawa nalang ako at pumasok na rin sa loob.
Pagkalipas ng mga ilang oras, minulat ko ang mga mata ko. Napansin kong natutulog pa si Bea. Napangiti ako dahil napansin ko na napaka himbibg ng tulog niya.
Lumabas muna ako ng kubo dahil hindi ako makatulog. Siguro magpapahangin muna ako at maghanap ng makakain namin ni Bea sa umaga. Kahit prutas man lang para magkaroon kami ng lakas sa paglalakad.
Natigilan ako nang may nakita akong kakaiba sa mga likod ng puno. Nanlaki ang aking mga mata ng mapagtanto ko na may isang malaking kastilyo na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung totoo ba to o isang esklwehan lamang. Napaatras ako at napatakbo papunta sa kubo.
"Bea! May nakita ako parang castle. Halika puntahan natin!" parang bata na sabi ko. Baka pwede nila kami matulungan pabalik sa amin.
"Ano ba 'yan Kira, kaaga aga ingay ingay mo!" reklamo niya saka inalis ang kamay ko na nasa braso niya. Hindi ako nag patinag.
"Halika bilis!" Hinila ko siya kaya wala siyang nagawa kundi tumayo habang nakapikit pa ang mga mata.
Nang makita niya ang kastilyo na sinasabi ko ay agad na bumagsak ang panga niya. Napangisi nalang ako. Sabi ko na nga ba iyon ang magiging reaksyon niya. Siguro dahil mahilig kami sa mga fantasy na movies kaya tuwang tuwa kami pag may nakikita na ganito.
Malay mo may mga magic nagaganap dito diba?
Hinila ako bigla ni Bea sa kung saan kaya sa hindi inaasahan pareho kami nahulog sa isang bitag.
"AHHHHH!!"
At ang aking huling naalala ay nakapasok na kami sa isang delikadong lugar. Bago pa ako makapagsalita ay bumalot na sa amin ang kadiliman.
~~••~~
SOMEONE'S POV
Susmaryosep ginoo! Dalawang dalagita!
Natigilan ako, bakit parang kakaiba yung amoy ng isang babae? Kung hindi nagkakamali ang aking pang amoy ang kasama niyang babae ay may kakaiba ding amoy. May iba ako nararamdaman sa mga dalagita na ito pero ano ba ang ginagawa nila dito?
Bampira ako, isa ako sa tagabantay sa academy. Sa tagal ko na rito ngayon lang ako nakasalamuha ng mga taga labas.
Ang mga prinsipe ang nag lagay ng patibong para kapag may gusto pumunta dito mahuhulog muna dito.
BINABASA MO ANG
The Royal Vampires Academy ✔
VampirosA school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with an unexpected incident which is why everything has changed. She had no idea that her life would turn...