Iniwan kami ng mga Prinsipe para bigyan ako ng oras kausapin ang mga kaibigan ko. Si Tyler ay bumili muna ng pagkain kaya si Bea lang ang kausap ko.
"Sigurado ka ba na ayos ka na talaga?" Tanong ko habang inaayos ang kama.
"Ayos lang, kaso si B-blake..." Sabi niya bigla kaya napalingon ako sa kaniya.
"Ano?! May ginawa na naman ba siya sayo?" Tanong ko at handang handa na sumugod pero umiling siya.
"Hindi sa ganon! OA mo ah. A-ayoko mag-assume pero yung mga araw na wala ako naalala siya ata ang laging nagbabantay sa akin--eh ewan!" napahawak siya sa ulo niya. Napailing nalang ako.
"Tsk, mahirap talaga mag-assume." sabi ko hababg nakangisi kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Nga pala, bakit naisipan mo bumalik dito?" Sabi niya kaya natigilan ako at naalala ang naging dahilan ko bakit ako naririto.
"Just a strange things that happening to me. Pero sa tingin ko apekto talaga lang iyon ng stress at takot na nararamdaman ko doon." Sabi ko. Nagulat siya at bahid sa mukha niya ang pag aalala. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Alam mo naman na ayaw ko nagkaka-sakit ka kahit physically o mentally pa iyan. You deserve to rest, Kira." Sabi niya tumango ako at niyakap siya. I'm lucky to have a best friend like her at wala na ako hihilingin pang iba.
"Thank you." emosyonal na sabi ko.
"Pero sa tingin ko talaga na may pag tingin sa iyo si--" agad ko na pinutol ang dapat niyang sasabihin lalo na baka may makarinig sa kaniya.
"Halika na nga, masama pag-hintayin ang mga iyon." Sabi ko tumango naman siya pero nandoon pa rin ang ngisi niya kaya nayamot ako.
Pagkalabas namun ay bumungad sa amin ang mga prinsipe na nakakalat. Hinihintay ata kami kanina pa. Yung iba ay may kausap na babae at ang iba naman ay nanghaharot lang ng ibang tao. Napahawak ako sa ulo ko. Bakit ba kasi sila nandito?
Nakita ko naman si Andrew na tinatakot ang mga kababaihan habang si Dylan naman ay ginugulat ang mga guro. Napayuko na lang ako dahil sa hiya.
Lumapit ako kay James.
"Una na kami ha may klase pa kami, master." sabi ko habang inaalayan si Bea. Narinig yun ng iba at dali dali lumapit sa puwesto namin. Nakangisi naman sila tumingin saakin at parang may iniisip sila. Sinamaan sila ng tingin ni James at tumikhim.
"Just James, Kira. Tawagin mo kaming lahat tulad ng pag tawag mo kay nila Ace at Kevin." Natigilan ako sa sinabi ni James. Nanlaki ang mga mata ni Bea kaya napapikit ako. Kailangan niya ba talaga sabihin iyan? At paano niya nalaman ang tungkol sa bagay na iyon?
"S-sige, mauuna na kami. H-hindi pa ba kayo aalis?" Tanong ko at tinabig ko ang kamay ni Bea na pilit kinukurot ang tagiliran ko.
"Hmm, it depends. Pumasok na kayo at baka ma-late pa kayo." Sabi niya at kumaway pa. Agad na ako hinila ni Bea. Tinignan ko sila ulit sa likod at nandoon ang mga ugok na nakangisi saakin at kumakaway pa saakin.
Mga isip bata.
Habang naglalakad kami, dumadami ang tao sa hallway. Baka kasi kumalat na ang balita na nandito na sila Mater Ace.
"Ang ga-gwapo nila." wala sa sarili na sabi ni Bea. Ghad Bea ngayon mo lang na-realize?
"Sus, crush mo lang isa sa kanila eh." pang aasar ko sa kanya. Sinamaan niya lang ako ng tingin. Aasarin niya sana ako pabalik na binuksan ko na ang pinto ng aming classroom.
Bumungad sa akin ang mukha ng guro namin na galit ang reaksyon.
"Ms. Kira and Bea you are 20 minutes late. Oh mabuti naisipan niyo pa pumasok? Naiwan ba ang kaluluwa mo sa bus kaya hindi ka naka-balik?" Sarkastikong sabi ng guro at narinig ko ang tawa ng klase. Napakamot nalang ako ng batok.
BINABASA MO ANG
The Royal Vampires Academy ✔
VampireA school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with an unexpected incident which is why everything has changed. She had no idea that her life would turn...