Nandito na kami sa bahay ni Auntie at hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari sa akin to. At tinatanong ko ang sarili ko kung bakit kailangan ba mangyari pa sa akin. Natatakot ako.
"Salamat po manong mauuna na po ako." wala sa sarili na sabi ko.
"Walang anuman, mag ingat ka." sabi niya at gumayak na. Naawa ako kay Tita binigyan ko pa siya ng problema pagkatapos ng pag-aalaga niya sa akin tapos ito ang isusukli ko sa kaniya.
Lumingon ako sa mga puno malapit dito sa bahay, may nakita ako mga lalaki naka black at kung kumilos ay parang nasa panganib ang buhay ko. Wala talagang tiwala ang mga prinsipe sa akin. Siguro iniisip nila na tatakas ako o hihingi ng tulong sa pulis. They are so smart.
Nahagip ng paningin ko si Sarah, nakatayo kausap ang driver niya. Nakita niya ako at nanlaki ang mga mata. Hindi siya nagulat nang makita ako nandito, nagulat siya dahil sa koste na sinakyan ko.
"Saan ka na naman pumunta ha?! At kaninong kotse yun?!" sigaw saakin ni Sarah. Nagbuntong hininga ako.
"Wala!" Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Ayoko rin mapahamak si Sarah kahit anong mangyari pinsan ko pa rin siya. Napansin ko kumilos ang isang lalaki na nakatago sa puno.
"Huy ano ano tingin tingin mo diyan? pasok!" maldita talaga, tsk.
Pag pasok ko sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Auntie. Gusto kong umiyak ngunit pinipigilan ko lang dahil baka lalo siya mag alala.
"Saan ka pa nag galing?! Pinag alala mo kami!"
"Naligaw lang po.. Auntie pwede po ba mag request?" magalang na tanong ko.
"Ano naman iyon iha?" kunot noo niyang tanong.
"Auntie, may bisita ako bukas pwede po ba ayusin tong bahay? Tutulong rin po ako." dadarating ang mga halimaw, Tita.
"Yon lang pala iha lagi naman may nag lilinis dito... Sino pa yung mga bisita mo?" I gulped.
"Mga Winston po." nakita ko ang pagbanata na tingin ng mga bampira sa labas.
"Winston? P-Paano mo sila nakilala, iha?" gulat na sabi ni Auntie.
"S-sila po yung t-tumulong saakin makauwi." nauutal ako at dahil iyon sa kaba.
"Ahh ganon ba? Naku kailangan ko bumili ng mga pagkain para bukas." natataranta na siya.
Bumuntong hininga ako. "Sige po auntie."
"Mom! Sinearch ko yung mga Winston--ang yayaman nila! At mga gwagwapo pa! Hoy kira umayos ka bukas at ipakilala mo ako bukas sabihin mo--" hindi ko na siya pinatapos.
"Susubukan ko at hindi sila masyado friendly kaya wag ka umasa."
"I don't need your opinion, dumbass!" kahit kailan talaga.
Umakyat na ako sa kwarto ko at inayos yung mga gamit ko habang inaayos ko to naiiyak ako. Syempre kahit hindi ko sila tunay na pamilya napamahal na ako sa kanila, mamimiss ko yung bonding namin.
Pero sa totoo lang, ayoko talaga umalis pero kailan ko gawin para hindi sila madamay.
Bampira ang nakilala mo, Kira. Hawak na nila yung buhay mo kaya kailangan mo na lang sumunod. Huwag mo hayaan mapunta sa kapamahakan ang nagkukop sayo.
Kinabukasan mabigat na agad ang pakiramdam ko. Naghalo halo ang mga nararamdaman ko ngayon, takot at kaba.
"Iha gising na! Diba may mga bisita ka? Bilisan mo na!" gising ni Auntie sa akin mula sa labas ng aking silid.
Pag gising ko parang naiiyak na agad ako. Ngayong araw na ako aalis at hindi ko na sila makakasama. Tumulo agad ang mga luha ko. Tumingin ako sa salamin bago ayusin ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
The Royal Vampires Academy ✔
VampireA school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with an unexpected incident which is why everything has changed. She had no idea that her life would turn...