Chapter 23

44.5K 1.5K 449
                                    

Minulat ko na ang aking mga mata dahil sa tumamang ilaw sa aking mukha. Napangiti ako dahil ang sarap ng tulog ko, tinabihan lang naman ako ni Ace at binantayan ako habang natutulog.

"Good morning!"

Halos napasigaw ako sa gulat na makita si Dylan pero mas nagulat ako na lahat sila ay nandito. Nanlaki ang mga mata ko pero nakangisi lang sila. Dahan-dahan ko tinakpan ng kumot ang aking katawan.

Ano ginagawa nila dito?

"Ano na naman ang kalokohan ito?" Sabi ko at tinaasan sila ng kilay. Napahawak si Dylan sa dibdib niya at kunwaring nasasaktan sa sinabi ko.

"Nakita mo lang ang mukha ko kalokohan na agad naisip mo? Tsk." nagtatampo na sabi ni Dylan. Hindi ako makapaniwala tumingin sa kaniya at sa mga kasama niya, umiwas lang ito ng mga tingin at sumisipol pa.

Seriously? Porket na Hindi sila natutulog pwede na sila umistorbo!

Nakita ko si Bea nakapikit pa ang mata habang naglalakad palabas sa cr. Wala sa sarili siya tumingin sa akin pero agad Nanlaki ang mga mata niya na makita ang mga kasama ko sa kwarto.

"Tangina!" sigaw ni Bea saka tumakbo na sa wakas sa kaniyang kuwarto. Ang gulo pa naman kasi ng buhok niya at sigurado may muta pa iyon. Natawa na lang ako.

"Can you just shut your mouth? Natutulog ang tao oh!" rinig kong sigaw ni Tyler. Napailing na lang ako. Sleep over pa kasi ang mga loko. Mabuti na lang na-planuhan ni Bea bumalik sa dorm niya.

"Ayan tuloy, kasi naman bakit kasi kayo bigla pumupunta dito?" sabi ko sa kanila. Umiwas ulit sila ng tingin ay kunyaring may mga ginagawa at kung ano ano kinakalikot sa mga drawer ko.

Napatingin ako sa suot ko desente naman ito. Hindi matutuwa si Ace kung sakali magsuot ako ng sexy baka umusok iyon sa galit. Napangiti na lang ako nang maalala siya.

Natigilan ako na may pumulupot na braso sa aking bewang. Alam ko na agad kung sino dahil sa pamilyar niyang amoy. Agad ko siya nilingon at nakita ko siya na nakangisi sa akin. Ang gwapo shit.

"How's your sleep, love?" Malambing na tono niya sabi habang siniksik ako sa kaniya. Narinig ko pag-ubo ng mga kapatid niya at pa-simpleng sumusulyap sa amin.

"Hmm, ayos lang naman." Sabi ko at ngumiti sa kaniya. Tumango na lang siya at hindi na nagsalita. Bumaling naman ako sa kanilang lahat. Pa-simpleng umubo si Rachel at nag-salita.

"Wag ka mag alala Kira wala naman kami ginawa, hinintay lang namin talaga kayo magising sa labas kaso nainip na kami kaya pumasok na kami." sabi ni Rachel habang binabasa ang libro na nasa table ko.

Yung iba naman nakahiga pa sa sahig, Si Kevin naman ay nakaupo sa maliit na couch habang nag se-selpon.

"Except lang sa lalaking 'yan." sabi ni James sabay nguso kay Ace na nasa tabi ko. Siniksik niya pa ang sarili niya sa akin na parang bata na gusto magpa-lambing sa ina.

"Sinabi mo pa, buong gabi pa ata yan nasa tabi ni Kira." Ngising sabi ni Jacob. Napailing na lang ako.

"Grabe parang nananaginip pa ata ako." sabi ko sabay hilot sa ulo ko.

Napatingin ako kay Blake na kapapasok lang ulit. Nakasimangot ang mukha at badtrip na badtrip.

"Kira, palabasin mo nga si Bea. Ayaw niya ako papasukin sa room niya. Nahihiya daw." sabi ni Blake habang kinakamot ang batok.

"Bahala ka diyan. Mahihiya talaga iyon, crush niya pa naman ang sumalubong sa kaniya sa ganitong ka-aga." sabi ko sa kanya. Napangiti siya bigla at napailing. Umirap na lang ako.

"If I were a human, I want to spend my whole night sleeping on this bed with you." bulong ni Ace habang nakayakap pa sa akin. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko.

The Royal Vampires Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon