Break up Plan :
Jackets aren't to be borrowed. It must be given.-----
Makky
Busy na naman ang buong university dahil sa gaganaping basketball game bukas. The Jaguars are really practicing a lot for their championship game against the Bounty Hunters. Everyday, there has been loud cheers and noises in the basketball court.
" Makky! Tara sa basketball court." Yaya sa akin ni Bash. We were rushing some paper works when Gelo came in.
" Pres, magsisimula na ang practice game" Tawag sa amin Gelo
Bahagya niyang tinuro 'yung phone niyang nakalapag sa mesa.
" Mahal na hari" I read what had popped out from her screen.
Buti pa 'tong si Gabby, palagi na lang tinetext ni Luis. If I know, kay Venice lang din nagtetext si Blue. Bihira lang magtext sa akin si Blue. Kung trip niya akong asarin o kung may mahalaga siyang sasabihin. But either of the two, he never texted me for something else aside from those reasons.
" Patapos na din 'to. Gelo, Makky kahit mauna na kayo" Saad sa amin ni Gabby.
Nagsalita agad ako.
" Sasamahan ko kayo hanggang matapos 'tong ginagawa natin." I said. Dapat ngang si Gabby ang mauna 'dun eh. Atleast siya, may naghihintay sa kanya dun. No one's waiting for me there.
I'm sure, andun na din si Venice. Hindi naman kase palaging busy ang mga staff writers. Busy lang sila kapag, malapit na ang magpublish ulit ng university paper.
My phone rang all of a sudden. It's Blue.
I bet he's going to ask me to tell Gabby to come over there.
" Oo sasabihin ko" Saad ko agad sa kanya. Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita. Alam ko din naman na kung ano ang sasabihin niya sa akin
The line went silent for a few seconds before he spoke.
" Bakit wala ka pa dito?" He asked.
" Andito kami sa SBA office ngayon. May hinahabol lang" I told him.
" Sabihin mo papunta na" Bulong sa akin ni Gabby.
" Papunta na daw si Gabby jan. Pakisabi na lang kay Luis" I told Blue ngunit iba ang naging sagot niya.
" Ikaw ang tinatanong ko, Makky. Hindi si Gabby. Iwan mo muna ang ginagawa mo diyan, makakahintay ang mga iyan pero ako, hindi ako makakahintay pa" He said.
Ang arte. Andyan naman si Venice mo. Gusto kong sabihin sa kanya.
" Tara na Makky. Nagsimula na daw 'yung laro. We need to be there on time" Saad ni Gelo.
Seryoso!
Ano bang meron sa practice game na iyun.
Practice game lang kaya 'yun. Bukas pa ang totoong laban ng mga Jaguars.
" Papunta na Alvarez." Saad ko sa kanya.
" Maghihintay ako" Wow naman! Marunong palang maghintay ang Alvarez na 'to.
" Alvarez! Put down your phone! I'll talk to you later" Rinig kong sigaw ni coach kay Blue.
" Sorry coach, importante lang" Sagot niya.
I'm flattered.
Importante daw.
Baka wala na naman siyang maibubully pagkatapos ng praktice game nila.
BINABASA MO ANG
The Break up Plan (Completed) [R-18]
Romance[SPG] Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk