30 : Name

73.2K 1.5K 116
                                    


Break up Plan :
A name makes all the difference.

-----

Makky

" Who is Blue, Makky? Who's that man? And who is he to you?" Nakita ko gaano nagbago ang emosyon sa mukha niya.

Napalunok na lamang ako.

He was once my everything

I wanted to tell him.

Siya ang lalaking naging bahagi ng malaking parte ng pagkatao ko.

Ng buhay ko.

Siya ang lalaking minahal ko ng sobra sobra.

" He's Josh Blue Alvarez, Gray. And he has been a friend of mine way back college years." Panimula kong sagot sa kanya.

" And?" Tanong pa niya na tila ba nakukulangan pa sa naging sagot ko.

" And he has been a part of my life, big time" Wala ng dahilan pa para magsinungaling ako sa kanya.

Hindi ko alam ngunit tila ba kakaiba ang reaksyon na ipinapakita sa akin ni Gray.

" Akala ko ako lang. May karibal na pala ako jan sa puso mo" He said.

Damn it.

" When does he plan on showing his face to me?" Walang respeto niyang tanong sa akin.

" Gray" I called his name.

" Josh Blue Alvarez" Ulit niya sa pangalan ni Blue na para bang iminememoryado niya ito.

" So that's his name" Tuloy niyang saad sa akin.

" I seriously want to meet this guy, Babe" Tuloy pa niyang saad sa akin

Ikaw gusto mo

Ako, ayoko

" Kain na nga lang tayo, Gray. Siguro nalipasan ka lang ng gutom niyan" I told him. Mukha kaseng sineseryoso niya masyado ang pagbanggit ng pangalan ni Blue.

" Kanina gusto kong kumain ngunit nawalan na ako ng gana pagkarinig ko ng pangalan ng ibang lalaki na sa kasamaang palad ay magiging karibal ko pala" He said.

I closed my book

Niligpit ko na din 'yung mga gamit ko bago ko siya nilingon.

" Tara na kain tayo" Aya ko sa kanya. Tumayo lamang siya bago niya kinuha 'yung mga gamit ko at nauna ng naglakad palabas ng library.

Sinundan ko siya.

Shit

Mukhang badtrip 'tong lalaking 'to.

" Huy, badtrip ka ba. Alam mo ang OA mo ngayon. Tara na nga kain na lang tayo. Gutom na po ako" I told him ngunit talagang sobra kung hindi mamansin 'tong lalaking kasama ko.

" Hoy! Seryoso ka talaga diyan sa inaasta mo Seranilla. Saan mo ba gustong kumain ha?" Tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang nakitang ganito 'tong lalaking 'to. Kadalasan kase ako 'yung hindi namamansin ngunit baliktad na ata ngayon.

Ayaw na ata niya akong pansinin eh.

Nauna na siyang pumasok sa loob ng isang pastry shop.

Sumunod naman agad ako.

Umupo na ako sa harap niya bago ko siya tinitigan.

" Tell me, naging kayo ba?" Tanong niya muli sa akin.

The Break up Plan (Completed)  [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon