Break up Plan
The ring is a symbol of infinity. It speaks of something you tend to hold on until forever.-----
Makky
I was seating on a cinema house with the Jaguars and with Blue beside me. I was holding the ring necklace he gave while focusing on the movie that was ongoing.
Palagi akong napapatingin sa ibang gawi ng maramdaman kong palagi na lang nakatitig sa akin si Blue. I saw how his hand moves slowly towards the direction of my hand. Inalis ko agad 'yung kamay ko na nakapatong sa may malapit sa upuan niya. Malapit naman talaga kase magkatabi kami. Ngunit nahuli din niya ang kamay ko. Pinasiklop niya iyon sa kamay niya at hinigpitan ang pagkakahawak niyo para hindi ko ito mabaklas. Hinayaan ko na lamang siyang gawin iyun. Wala rin naman akong magagawa pa dahil nahawakan na niya yung kamay ko.
Nakatutok lamang ang mga mata ko sa pinapanoon naman ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa kamay ko. He was kissing my hands like it was the most wonderful thing he wants to do. Halos hablutin ko na yung kamay ko dahil sa ginagawa niya. Alam ko naman kaseng hindi na maganda 'yung ginagawa niya. Hindi na normal sa magkaibigan lang ang ginagawa niya. 'Yung paghawak niya sa kamay ko, pinahintulutan ko siyang gawin 'yun ngunit 'yung pagdampi ng labi niya sa kamay ko, aba'y ivang usapan na 'yon. Hindi naman kase ako puwedeng magsalita ngayon dahil baka marinig ng ibang Jaguars at mapaghalataan pa kami.
Agad kong tinapik ang balikat niya gamit ang isa kong kamay ngunit hindi niya tinigilan ang pagdampi ng kanyang halik sa kamay ko. Hindi ko din lang alam kung bakit niya iyon ginagawa. Halos hindi na ako makakonsentrate sa panood dahil sa mga ginagawa niya. Alam ko din namang alam na alam niya ang kanyang ginagawa.
Bahagya akong napausog palayo sa kanya ng maramdaman ko ang mukha niya sa mukha ko. Halos ang lapit lapit niya na sa akin. At hindi iyon masyadong nahahalata ng mga kasama namin dito dahil madilim sa loob ng sinehan at lahat ng mga mata nila ay nakatutok sa palabas na pinapanood namin.
Agad niya akong binulungan ng makalapit na ang mukha niya sa akin.
" Potatow" He whispered.
Kung mambubully rin lang 'tong lalaking 'to, sana hindi na lang ako sumama pa sa kanya. Ang lakas din kaseng mambully ng lalaking 'to eh, sagad sa buto talaga.
Hindi ko na siya pinansin pa bagkus ay ipinagpatuloy ko na lamang ang panonood ng palabas.
Buong magdamag niyang nilaro ang kamay ko habang ako nama'y busy sa panonood. Wala rin lang akong magagawa pa sa ginagawa niya sa akin. Hindi ko siya kayang pigilan sa sitwasyong ganito, tiyak rin na ang gusto niya ang tanging masusunod.
Sabay sabay na rin kaming lumabas palabas ng sinehan ng matapos na ang palabas. Halos lahat ng mga Jaguars ay may isinamang date.
Luis brought Gabby with him. As usual, si Gabby naman talaga palagi ang isinasama niya. Nagtataka nga ako sa Luis na 'to at may girlfriend na nga, si bestfriend parin ang date.
Code brought with him another girl. Ibang babae na naman ang dinala niya. The last I went with them, ibang babae ang dinala niya. Tapos iba na naman ngayon.
Shawn was with a girl, hindi ko rin lubos masasabi kung seryoso ba siya sa babaeng dinala niya ngayon.
Zeek was with his girlfriend, buti na lang at naisipan pang maggirlfriend 'tong si Zeek. Akala namin nung una, walang balak 'tong magseryoso.
And here I am, with this Jaguar na walang sinasanto kundi ang kanyang sarili. Lahat na lang ng pagkakataong lumalabas ang mga Jaguars, ako na lang palagi ang dinadala niya. I never saw him bring Venice with him.
BINABASA MO ANG
The Break up Plan (Completed) [R-18]
Romance[SPG] Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk