Break up Plan :
Money is the name of the game-----
Makky
" Dinalhan kita ng bulaklak Babe ngunit selos agad ang naabutan ko." Matalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
Batid ko rin ang kakaiba sa tinig ng kanyang boses bago siya napatingin kay Gray.
" You're back Blue" Bulong ko sa pangalan niya.
" Yes I'm back Babe. Mahirap ng maagawan" He smiled before caging me in his arms. I can feel him looking at Gray while hugging me.
Ang lakas ng kabog ng puso ko.
His scent
His warmth
Lahat 'yun ramdam na ramdam ko.
Na hanggang ngayon ay parehong pareho parin.
Walang pinagbago
" Care to introduce to me your companion Babe" He whispered afterwards.
Napapikit ako sa tono ng boses niya.
It was calm yet scarry. Iba parin kase ang dating sa akin.
Nakakainis kase palagi na lang akong nalalagay sa mainit na upuan
Hot seat
Umalis ako sa pagkakayakap ko kay Blue. At binalingan ng tingin si Gray.
I would be impolite if I wouldn't properly introduce Gray.
" Gray, this is Josh Blue Alvarez" Pakilala ko kay Gray.
" Blue, this is Timothy Gray Seranilla, a good friend of mine" Pakilala ko naman kay Blue.
" So, this is him Makky. The pictures didn't lie after all" May halong pag aakusa sa boses ni Blue.
Agad naman akong napatingin sa kanya.
Hindi ko siya maintindihan.
Nagpantayan lamang ng tingin ang dalawa.
Hindi manlang sila nagkamayan.
Tskk, ang aarte nila.
Agad namang nagsalita si Luis.
" Masyado pang maaga para simulan mo Alvarez. Come on Jaguars. Let's start the celebration" Luis muttered
And Luis did a really great job on that.
Nakita ko kung paano rin umigting ang panga ni Gray.
What the hell is wrong with these men?
Lumapit sa akin si Gray ngunit hindi siya makalapit ng husto dahil halos walang espasyo na ang pagitan namin ni Blue.
Naramdaman ko na lamang ang mga kamay niya sa bewang ko.
" Tangina, nakakaselos na Makky." Bulong niya sa akin.
Parang tumaas lahat ng balahibo ko sa sinabi niya.
Damn it.
I moved away. Buti na lang at pinakawalan ako ni Blue.
This isn't going fine. I thought to myself.
Lahat kami, sabay sabay ng umupo sa harap ng mesa.
Halos magkasabay pang umupo sina Blue at Gray sa tabi ko. And I am practically seated in between the two of them.
This awkward moment
BINABASA MO ANG
The Break up Plan (Completed) [R-18]
Romans[SPG] Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk