Break up Plan :
Think outside the box-----
Makky
Paalis na sana ako ng marinig ko ang malakas na boses ni Blue na tila ba nakabibingi na sa sobrang lakas.
" Potatow" At ang kapal talaga ng mukha ng gagong Alvarez na 'to. Tinatawag pa akong Potatow. Hindi kami close.
Hindi ko siya nilingon, imbes ay nagpatuloy parin ako sa paglalakad.
" It's not what you think babe. Hear me out" I rolled my eyes at what he said
" It's not what you think babe, your face!" I mimicked what he said while still walking fastly.
Ramdam ko ang mabilis niyang pagsunod sa akin.
" The woman whom I was talking to wasn't the woman you thought it was" Saad pa niya
Wala akong pakialam.
Magsama kayo ng babae mo.
"Makky" Hinawakan niya ako sa may braso ko upang patigilin ako sa paglalakad.
" Can you stop walking for a while and hear me out. Hindi mo pa nga pinapakinggan yung paliwanag ko, galit ka na agad" He spoke. I am fully aware that a lot of eyes are on us. Sino ba naman ang hindi mapapalingon kung mismong boss mo na ang bida.
" Sinong may sabi sa 'yong galit ako. Hindi ako galit okay. Napadaan lang ako dito para sabihin sa 'yong break na tayo" Nilakasan ko na talaga ng todo ang loob ko ng sabihin ko iyun sa kanya
Sinimangutan niya lamang ako.
" Ayoko. Hindi ako papayag" Saad niya bago niya ako kinaladkad pabalik sa kanyang opisina.
As if naman gusto ko pang pumunta sa loob.
" Bitawan mo nga ako" Saad ko sa kanya ngunit parang wala siyang narinig sa sinabi ko.
" Sabi ko bitawan mo ako. Tatawag ako ng guard kung ayaw mo akong bitawan" I told him ngunit hindi niya parin ako pinansin.
" Wala akong balak kamustahin kayo ng babae mo kaya utang na loob, bitawan mo ang kamay ko at ng maiwan ko na kayong dalawa" Wow Makky, ikaw na ngayon ang nagpaparaya. Gusto kong sumbatan ang aking sarili dahil sa inaasta ko ngayon.
" Wala akong babae, Makky. Alam mo iyan. At kung iyang selos mo ang isusumbat mo sa akin ngayon, kulang iyan sa naramdaman ko kagabi" He muttered. I suddenly wanted to curse at myself hearing it from him. Pati tuloy yung mga tao sa paligid namin ay halata mong nairinig lahat ng mga sinasabi sa akin ni Blue. He doesn't even tone down his voice. He acts like he owns the damn place. Well, sa kanya naman talaga but just damn it! We're not here for publicity purposes.
We're like two spoiled kids who doesn't want to settle on the thought of losing.
" Your secretary told me, you're talking to Ms. Chua. Seriously Josh Blue Alvarez. You cannot lie about it. You can just say the truth and we're done. No further discussion is going to happen" I told him.
I saw him smirked at me.
" I'm not lying when I told you that I'm not talking to my ex" That big word.
EX
I sarcastically laughed infront of him.
" Oo nga pala, I forgot to mention it. Ex mo nga pala 'yung kausap mo" I told him. Maslalo lang siyang napatingin sa akin na para bang tinatantya na kung papaano niya ako aaluking maniwala sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Break up Plan (Completed) [R-18]
Romance[SPG] Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk