Chapter 1 Rain-ing Issues

43K 963 108
                                    

"I am perfectly fine without you."



Rain POV



"Ready ka na ba, Miss Rain?"

Tanong sa akin ng Floor Director ng Fast Talk, isang sikat na celebrity talk show sa Pilipinas kung saan isa ako sa mga invited guests nilang artista.

Naikabit na naman ng isa sa crew ng programa yung lapel sa may left side ng plunging blouse na suot ko. Muli ding inayos ng hair stylist ko yung buhok ko bago kami mag-live. Commercials pa naman and any moment from now magla-live na. Kinakabahan ako although two days ago pa lang ay naibigay na sa akin yung list of questions na itatanong nila sa akin. Na-rehearse ko na din ng ilang beses yung mga isasagot ko.

"Yes." May tipid na ngiting sagot ko.

"Nervous?" Tanong sa akin na kalbong bakla ng talk show host ng programa ng nadaanan niya ako papunta sa set. Mas kilala siya sa screen name na tito Boy.

"A little, tito." Saka kinakabahang ngumiti sa kanya.

"Kaya mo yan." Pampalakas loob niya bago tuluyan akong nilagpasan at nagpunta na sa may set.

"We're going live in five, four, three, two --- one!" Sigaw nung direktor.

"Mga kaibigan, magandang hapon muli sa inyong lahat." Panimula ni tito Boy at nakatutok lang sa kanya yung camera. "At alam kong kasing ganda din ng hapong ito ang guest natin ngayon." Napangiti siya. "Pero handa na kaya siyang harapin at sagutin ang maiinit na katanungan at isyung ibinabato sa kanya?" Pa-suspense pang saad niya. "Please let's all welcome, Rain Medina!"

Yun ang cue ng pagbukas ng automatic wall door at makita ako ng mga audience at iba pang mga nanonood sa kani-kanilang mga tahanan. At pagbukas pa lang nun ay sumalubong na sa akin ang masigabong palakpakan at tilian. Lahat ng anggulo ng camera nakatutok sa akin.

"Hello tito Boy!" Awtomatikong napangiti ako habang naglalakad palapit sa kanya.

"Hello, Rain." Nakipag beso beso siya sa akin at inalalayan akong makaupo sa single couch na kaharap ng kanyang kinauupuan.

"It's good to be back here." Kumaway ako sa mga audience. "Hello po sa inyong lahat!" Nakangiting sabi ko.

"We love you Rain!" Sabay sabay namang sigaw ng mga fans ko na nandito ngayon para suportahan ako.

"Ang ganda mo today." Nakangiting komento sa akin ni tito Boy.

"Maraming salamat po tito." Tugon ko naman. "Syempre salamat sa designer ko na siyang naghanda ng aking susuotin ngayon. Si Paul Ortiz." Bati ko sa sikat ding designer ng mga damit sa bansa. "Hi Paul!" Sabay kaway sa camera. "I know he's watching right now."

"Ready ka na ba sa mga katanungang naghihintay sayo ngayong hapong ito Rain?" Tanong niya sa akin.

I fake a shudder of excitement. "I hope so." Pero hindi ko maitatago yung kaba sa ngiti ko.

"Rain..." Nakangiti pa ring tawag niya. "Heto na ang unang katanungang."

Kunwari namang napakagat ako sa lower lip ko at naghintay sa tanong na ibabato niya sa akin.

"Totoo bang hiwalay na kayo ni Justin Santos?" Tanong niya.

Si Justin ay isang sikat na actor na kasabayan ko sa industriyang ito. Naging magka-love team kami ng tatlong taon. Kapwa namayagpag ang karera namin at mabilis iyon umangat dahil sa pagtangkilik ng mga tao sa tambalan naming dalawa. Sunud-sunod ang naging projects namin, movies man at mga teleserye. Hanggang nga sa nag-level up yung samahan namin at naging tunay na magnobyo pagkatapos ng isang taon.

Rain & SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon