Chapter 6 Test the Water

23.8K 866 114
                                    

"No one believes in love at first sight until that special person comes along and steal your heart."


Rain POV


"Rain?"

Gulat na gulat yung mukha niya ng makilala ako. At mas nagulat ako sa naging reaksyon niya.

Huhugutin ko lang sana kanina yung card na ginamit ko para makapasok sa loob ng condo niya ng bigla na lang siyang sumugod. Buti na lang hindi ako nauntog sa sahig. Nakakagulat naman yung bilis niya.

Nagtama yung mga mata namin at kapwa kami natahimik na dalawa. Titig na titig siya sa mukha ko habang ako naman sa mga mata niya.

Wow. Just wow. Mas maganda pa pala ang mga mata niya in person at sa malapitan. Sa totoo lang, mukha siyang manika. Ang kinis ng mukha niya at ang ganda lang niyang pagmasdan.

Bumaba yung tingin niya sa mga labi kong bahagyang nakaawang. Napalunok ako ng medyo may katagalan siyang nakatitig dun. Parang bigla tuloy nanuyo yung lalamunan ko.

Yung kamay niyang nakahawak sa leeg ko kanina nasa pisngi ko na at yung kamao niyang nakaumang sa akin kanina ay nasa may braso ko na.

Nakakailang yung pwesto namin ngayon dahil nakahiga ako sa carpeted floor niya at nakasakay siya sa akin in a straddling position. Nasa magkabilang gilid ko yung mga tuhod niya, pinning me down on the floor.

Hindi ako makagalaw, pakiramdam ko nga hindi na ako humihinga. Nakatitig lang talaga kami sa isa't isa. I don't know pero para niya akong hini-hypnotize.

Siya ang unang nagbawi at naipilig niya ang kanyang ulo. She reluctantly stood up. Pormal na ang kanyang mukha ng inilahad niya sa akin yung kamay niya para tulungan akong makatayo. Wala sa sariling kinuha ko yun at hinila niya ako patayo dahilan para magkaharap na naman kaming muli. Pero mabilis siyang lumayo sa akin na para bang may iniiwasan.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya with a straight face. "At paano ka nakapasok sa loob ng bahay ko?"

Doon ko na inilabas yung card key na hawak ko at ipinakita sa kanya. It's a blank card key actually. Isang technique or skills na ibinahagi sa akin ng manloloko kong boyfriend, I mean ex boyfriend. Kung paano mag-forged ng door lock.

Shock na napailing iling siya. "H-how come...?" Di makapaniwalang sabi niya.

"I-I'm sorry." Noon ko lang nahanap yung boses ko. Napatikhim ako dahil parang biglang may bumara sa lalamunan ko. "I had to." Paliwanag ko. "Baka kasi may makakita sa akin sa labas kaya napilitan na akong i-forged yung door lock mo."

Di pa rin makapaniwalang napatitig siya sa akin. Pero ilang sandali lang ay nagsalubong na yung kilay niya.

"At anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"You're the one who called my Manager, right?" Napataas yung kilay na sagot ko.

"What?!" Bulalas niya. "Oh no, please. Nagkakamali ka. Hindi ko kilala ang Manager mo at mas lalong wala akong tinatawagan ---" She paused. Napatakip yung kamay niya sa kanyang bibig ng parang may maalala. "Shit." Mahinang mura niya. Napapikit siya at napahilamos sa mukha. "It's Miranda."

Napakunot noo naman ako. "Who?"

"Si Miranda." She sways her hand. "Siya marahil ang tumawag sa Manager mo." Sabi niya. "But that doesn't explain why you're here and why you had to forcefully unlock my door."

"I already said sorry." Napasimangot na sabi ko.

Napatanga lang siya sa akin. Bumukas yung bibig niya na parang may sasabihin sana pero agad din na nagbago yung isip niya.

Rain & SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon