Chapter 9 Unjust?

21.9K 888 131
                                    

"Eye contact: how souls catch on fire."


Snow POV


"Ingat sa pag-uwi."

Sabi ko sa mga kasamahan ko habang pasakay na sila sa rented van na sinakyan nila papunta dito sa Tagaytay para sa pag-i scout ng filming locations at kung papasa din ito sa amin kaya sama sama na kaming nagpunta dito para ma-check.

May isa kaming nakitang resthouse, bagay siya sa movie na gagawin kaya sinabihan namin si Margo, yung Location Manager na siya ng bahala makipag-usap sa may-ari at sa iba pang proseso at location permit fees para sa iso-shoot naming pelikula sa nasabing lugar.

"Snow." Tawag sa akin ni Natalie ng bumaba siya ng van.

"Mauna na kami." Paalam nila sa amin na may kasamang nanunuksong ngiti sa mga labi at iniwan na kami dun ni Nat.

Napakunot noo akong humarap kay Natalie. "Ba't di ka sumabay sa kanila?"

"Sayo ako sasabay." Nakangiting sabi niya.

Magtatanong pa sana ako pero mas pinili ko na lang manahimik. Baka kasi may masabi ako na di niya magustuhan. Kaya naman ipinagbukas ko na lang siya ng pintuan sa harap. At walang imikan na nagsimula ng bumiyahe pauwi.

"So how are you holdin' up?" Basag niya sa katahimikan.

Napasulyap ako saglit. "I'm fine." Tugon ko. "Why wouldn't I be?"

"I mean." Bigkas niya. "Tungkol sa mga nababalita sayo sa media."

"I'm not affected." Kaila ko.

Syempre apektado ako. Kahit pa sabihin na parang it turns out to be a good publicity dahil na rin sa iba't ibang comments at opinion nila sa amin ni Rain sa media. Pakiramdam ko nga minsan baka may mga matang nakamasid sa bawat galaw ko.

"If you need someone to talk to, you know I'm here for you." Ipinatong niya ang kamay sa kamay kong nasa may gear lever.

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. At itinuon na yung atensyon ko sa daan. Hindi ko na alam kung bakit kami noon naghiwalay. Naging kami ng isa't kalahating taon. Tapos hanggang sa nagdesisyon na lang kaming dalawa na tapusin na lahat sa amin at manatili na lang na magkaibigan at mag-focus na lang sa paggawa ng pelikula.

Maganda si Nathalie. Mukha siyang Korean kung tutuusin. Ako ang pangalawang naging girlfriend niya. Yung una nagtagal lang sila ng limang buwan. At siya din ang pangalawang naging girlfriend ko.

Ako kasi yung hindi pumapatol sa mga fling fling lang. Mas gusto ko yung seryosong relasyon. Yung unang naging girlfriend ko, si Candice, sa MGU ko siya nakilala at naging kami ng dalawang buwan. Akala ko naman seryoso siya sa akin pero nagkamali pala ako.

Siya ang bumasag ng katahimikan at buti na lang at tungkol na sa proyektong gagawin namin ang paksa. May nahanap na din kaming gaganap as Kryss. Isang pasikat pa lang na artista, si Isabel Lamasan. Pinadala na daw ng crew ko yung script sa kanya at yung kopya ng kontrata.

Inihatid ko na si Nat sa apartment. Nandun na din pala yung mga kasama namin. Nakita kasi namin yung nirentahan naming van sa gilid naka-park na.

"Thanks for the ride." Hindi siya agad bumaba ng sasakyan hindi ko na din naman in off yung engine.

"Uhm... see you tomorrow na lang?" Pasimpleng paalam ko sa kanya.

Ngumiti siya ng tipid saka tumango. "Good night, Snow." Sabi niya saka ako hinalikan... malapit sa gilid ng labi ko.

Rain & SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon