Chapter 19 All About Her

23.1K 933 155
                                    

"When pure love rules, there is peace and joy."


Rain POV



"Matulog ka muna."

Sabi sa akin ni Snow habang bumabiyahe na kami papuntang Batangas. Napasulyap ako sa kanya at bahagyang ngumiti.

Sa totoo lang inaantok pa ako. Late na naman ako nakauwi kagabi, tapos ang aga pa naming bumiyahe ngayon. Past eight pa lang ng umaga.

"Okay lang." Tugon ko. "Wala kang kakwentuhan." Dagdag ko pa. "Baka mamya makaidlip ka."

Akala ko nung una makakasama si Miranda sa amin, pero hindi pala. May exam pa kasi siya kaya di nakasama kahit gustuhin man niya.

"It doesn't matter." Nakangiting sagot niya. "Isa pa di ako aantukin." Pasulyap-sulyap siya sa akin. "Kasi nakikita pa lang kita, gising na gising na diwa ko."

Natatawang hinampas ko siya sa braso. "Ang korny!"

"Eh di korny ka rin?" Ganti niya.

"At bakit naman?" Tanong ko.

"Kasi... parehas tayo." Nakangising sagot niya.

Natatawang napailing-iling na lang ako. "Magkwento ka na lang."

"Ano namang gusto mong ikwento ko sayo?" Usisa niya.

"Kahit ano." Sabi ko.

"Ganito na lang," Bigkas niya. "Magtanong ka ng kahit ano tungkol sa akin at sasagutin ko."

"Hmm... sige." Napaisip ako ng kung anong una kong itatanong sa kanya. "Bakit Snow ang ipinangalan sayo?"

Napangiti siya. "Nung bagong silang kasi ako, ang puti puti ko kaya hayun, Snow ang napili nilang ipinangalan sa akin."

"Sa tingin mo, kanino ka nagmana?" Tanong ko pa. "Sa mama Shan mo o sa mommy Cassandra mo?"

Napaisip naman siya. "I don't know." Nagkibit balikat siya. "Siguro parehas?" Saka bahagyang ngumiti sa akin.

"Sino ang first kiss mo?" Pigil ang ngiting tanong ko.

Kumuha ako ng chips sa likod at binuksan iyon. Magpapapak na lang ako ng chichirya, tutal wala naman si Jona walang magagalit sa akin.

Natawa siya ng bahagya. "My mom."

"Naman!" Binato ko siya ng chips. "Ang korny mo din sumagot!" Reklamo ko. "Sino nga?!"

"Yung may crush sa akin nung high school." Tugon niya na natatawa pa rin.

"Yung may crush sayo?" Ulit ko. "Pero crush mo din?"

"Hindi." Naguluhan ako sa sagot niya. "Ninakawan ako ng halik eh."

"Ay ang sama." Komento ko sabay subo ng chips.

"For me it's not a big deal, kasi maganda naman siya." Sabi niya. "Okay na din."

First kiss niya tapos di daw big deal? Tsk.

"Ikaw?" Balik tanong niya. "Sino first kiss mo?"

"In real life?" Sambit ko. "Si Justin." Naalala ko na naman yung mokong na yun at yung ginawa niya sa akin last week sa may dressing room. "And... you." Napatingin siya sa akin. "I mean first kiss ko sa isang babae."

Hindi siya agad nakakibo. Nakatuon pa rin ang pansin niya sa daan. Ang alam ko kulang dalawang oras ibabiyahe namin papunta sa kanila.

"Kailan pala ang kasal nila Celine at Taylor?" Naalala kong itanong at para mabasag din yung katahimikang namayani sa amin.

Rain & SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon