Chapter 11 Bigger Stage

21.9K 892 97
                                    

"That person who enters your life out of nowhere, and suddenly means the world to you."


Snow POV


"Cyd." Tawag sa akin ni Miranda pero parang wala dun yung atensyon ko. "Cyd!"

"Snow." Si Natalie naman ang sumunod na tumawag sa akin.

Pero nasa malayo yung takbo ng isipan ko. Yung konsentrasyon ko sa proyekto nawawala just because of one person. One person.

Isang tao na kung tutuusin di ko dapat iniisip at pinag-aaksayahan ng oras dahil for sure, di rin naman ako nun binibigyan ng oras para isipin din. Okupado ang oras niya sa dami ng ginagawa. And who knows? Masaya siya ngayon, tumatawa pa nga siguro, marahil din kasama niya yung ka-loveteam niya at ---

"Aray!" Reklamo ko saka humawak sa ulo kong nabatukan. Masama ang tinging ipinukol ko kay Miranda na nasa tabi ko at siyang may salarin. "Bakit mo ginawa yun?"

"Eh para kang tanga diyan!" Ganti niya. "Kanina ka pa namin tinatawag, dada kami ng dada dito, plano kami ng plano habang ikaw tulala diyan na parang naka-drugs." Tuloy-tuloy na sabi niya. "Nasan ba utak mo?"

"Nasa ulo ko syempre!" Ganti ko.

"Nakakatawa Cyd! Promise!" Sarkastikong sabi naman niya.

Inirapan ko na lang siya at napatingin sa mga kasama namin na nagpaplano sa kung anong gagawin pa o nakaligtaan bago simulan yung shooting. Dito kami ngayon sa apartment ng mga crew ko at nakapalibot sa round table at may mga papel sa harapan namin. Parang binagyo nga yung itsura.

Nakatingin silang lahat sa akin. Si Nat may worried look sa mukha.

"Pasensya na." Hingi ko ng paumanhin. "Kulang lang siguro ako sa tulog." Pagdadahilan ko na lang.

May katotohanan naman yung sinabi ko eh. Simula pa nung isang gabi na katabi ko si Rain sa pagtulog, wala na ako masyado tulog nun. At kagabi, wala siya dahil nagpunta daw ng Cebu sabi ni Miranda, hindi na naman ako nakatulog ng maayos dahil sumasagi sa isipan ko yung nangyare sa loob ng shower room.

Haist... inaagaw niya lahat ng konsentrasyon ko. Lahat ng spaces sa utak ko gusto niyang ukopahin lahat. Ang selfish niya, hmp!

Napatikhim ako. "Where are we?" Tanong ko na lang at pilit ko siyang iwinaksi sa aking isipan.

"Tinatanong namin kung anong scene ang gusto mong unahing i-shoot para sa trailer." Si Natalie na ang nagsalita.

"Ah..." Napatingin ako sa storyboard na nasa harapan ko. Namili ako dun ng pwedeng unahin. "Siguro yung scene number twenty six." Sabi ko habang nakatingin sa scene na sinabi ko. "I think ito naman talaga dapat ang mauna eh." Pagdiya-justify ko sa kanila.

"Yes, you're right." Sang-ayon ni Jen na napatango-tango pa.

Sumang-ayon naman silang lahat sa napili ko at hinayaan ko silang pumili sa mga susunod pa tsaka ko na lang inaprubahan. May sex scene din kasi yung dalawang bida sa pelikula. Tinitigan ko yung storyboard sa part ng sex scene.

Bigla na lang pumasok si Rain sa isipan ko, wearing nothing. Her flawlessly soft skin, yung wet look niya habang hubad... yung nakita ko sa shower room. Yung nangyare sa amin. What if di ako nakapagpigil? Isa pa, di man lang siya tumutol at tumugon pa. Paano kung natuloy yun?

Para namang biglang uminit yung pakiramdam ko. Pinaypayan ko yung sarili ko gamit nung hawak kong papel.

"Naiinitan ka ba?" Tanong ni Miranda.

Rain & SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon