Chapter 23

451 10 2
                                    

Hello! Omg sorry sa sobrang tagal kong update. Huhu sobrang busy sa lang school. Pero.. Hi summer na tayo! Secret_26 is baaack. ♥ 

_____________________

Chichay's POV 

"Hala? Bakit naman kaya biglang nawala ang boys." Sabi ni Charlene. 

Naglalakad-lakad lang kami dito sa campus. Wala kasi sila Joaquin hindi rin naman namin alam kung bakit. Tsktsk. Baka nangch-chick na yun ah. -___- Hashtag medyo feeling girlfriend. Hahahaha. Pero oy, malapit na kaya. :P

"Emeghed, kinikilig ako. Iniisip ko na kung paano ako yayain ni Lester maging prom date nya. Anube." sabi ni Angel. Umirap naman bigla si Jade hahaha.

"Sus, asa ka pa. Iba na iniimbita nun. Parang si JC--aish ayoko na nga i-topic yun e." Jade.Napa-gasp naman kaming girls at napatingin sakanya. Parang si JC? 

"Parang si JC? As far as I know.. ikaw ang nakipag-break. Tama ba ako?" Sabi ko.

"Yeah. Pero naghinala kasi ako sakanya eh. I saw girl's name on his phone. Amanda pa nga eh. Who the hell is Amanda? Haays." Jade. So yun ang reason? Nakita nyang may Amanda sa phone ni JC? Oh my.

"Wait nga. Baka naman schoolmate natin yun eh. Diba? And, hindi lang naman siya ang nasa phonebook mo. May mga boys din sa phonebook mo. It's fair." Sabi naman ni Charlene.

"Pero nabasa ko dun, 'Hello. How's your sleep? Have a nice day.' sa tingin nyo di ako maghihinala?" Jade.

"Edi dapat pinagusapan nyo muna. Diba?" Dae.

"I'll try." sabi ni Jade tapos nag-smile.

_________________________

Joaquin's POV 

Andito kami ngayon sa botanical garden. Kakagaling lang namin sa bandroom eh. Kinuha yung mga kailangan. Yung drums ni Lester di na kinuha. Kasi di naman nya kaya yun eh, common sense. -____- Pero ayun, kakanta nalang daw sya para kay Angel. 

"Uy, pare. Ayun sila oh!" sigaw ni Kats. 

Kanina pa kasi namin sila hinahanap. Ang balak kasi namin sa botanical garden namin sila kakantahan para romantic. Ngayon ko lang ginawa 'to sa buong buhay ko sa bestfriend ko ha. Kaya dapat special. Bukas pa man din yung prom. Oo, ginawa na bukas. Wala naman daw special dance samin eh. Basta, gulo. -____-

"Pare, kunwari invite mo sila dito. Tapos ano- tapos, gawa ka nalang ng rason. Kaya mo na yan." sabi ni Donovan kay JC

"Teka! Bakit ako pa?! Kita nyo nga di kami ayos ni Jade eh." JC.

"Eh paano kayo maga-ayos kung ganyan ka? Sus naman, JC. Wag torpe!" sigaw ni Seth.

"Eto na nga oh! Eto na!" sabi ni JC.

Nagtawanan nalang kami at humanda na. 

_________________

CHICHAY'S POV

"Grabe Chichay. Naiiyak ako sa memories namin ni JC." share ni Jade sakin. 

"Alam mo kasi Jade hindi lahat ng pagkakataon dinadaan sa galit o sa tampo. Minsan kailangan mo rin gumawa ng aksyon para masolusyonan ang hindi pagiintindihan ng magkarelasyon." advice ko.

"Aba magaling ka pala mag-advice Chichay?" gulat na sabi ni Jade. 

"Hahaha naiisip ko lang bigla. Tska wag mo nga i-change topic!" sabi 'ko.

My Bestfriend's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon